Chapter Twelve

45.6K 1K 16
                                    

Masaya ka ba? Nakangiting tanong niya sa anak na hawak hawak niya sa kamay habang naglalakad sila sa loob ng mall.


Opo nanay.. May mga nakuha po kasi akong gift. Nakangiti ding tugon nito na halata naman sa mukhang napakasaya.

Dahil lang doon? Hindi kaba masaya kasi narito si nanay? Kunwari ay tampo niya. Huminto ito nang paglalakad at saka yumakap sa binti niya. Syempre po. Unang una kayo sa dahilan.. Si nanay talaga oh! Natatawang kinarga niya ito. Sinong hindi magiisip na isang apat na taong gulang na bata ay kausap niya na parang isang binata na!

Pagkatapos ng Christmas party. Niyaya niya ito. Balak niyang ipasyal sa mall ang anak niya. Bibihira lang kasi ito mamasyal. Mabuti na lamang at buo ang sweldong nakuha niya kanina. At bukod doon, nagbigay ng bonus ang boss nila. Sayang nga lang at hindi siya umabot sa thirteen month pay. Malaking bagay din iyon sa pamilya nila. Gusto mo na bang kumain? Tanong niya habang patuloy pa rin sila sa paglilibot. Gamit ang bonus niya. Iyon ang ibibili niya ng laruang gustong gusto nito.


Busog pa po ako 'nay. Tanggi nito. Kita niya na palinga linga sa paligid ang anak.

May gusto ka bang bilhin? Tanong naman niya. Umiling muli ito. Alam niyang may gusto ito kaya lang ay nahihiyang sabihin.

Maya maya'y pilit itong nagpababa sa kanya. Saka masayang tumakbo papalapit sa isang establisimento. Uno sandali!

Nang makalapit ito doon. Bumalik ito sa kanya at saka hinila siya sa mga kamay. Nay dito po! Dito po 'nay!

Sandali lang anak! Ang bilis mo naman tumakbo. Reklamo niya nang huminto sila. Pero kita naman sa mga mata ng anak niya ang pagningning niyon.

Kid-zoon-a.. Dahan dahang basa ng anak niya sa pangalan ng establisimento. 'Nay ito po yung sinasabi ng klasmeyt ko na madalas nilang puntahan. Nay gusto ko po dito. Pagyayaya ng bata. Sinilip niya ang loob. Napakaraming bata ang mga naglalaro.

May mini firehouse, doctors clinic, market, bangko at kung ano ano pa. May mga swing din. Napakaraming obstacles din na tiyak na gustong gusto ng mga bata. Ang ilang nanay at yaya nama'y prenteng nakaupo sa mga couches na naroroon sa isang tabi. Mukhang safe ang lugar. Air-conditioned din.

Ngumiti siya sa anak niya. Hanggang sa may lumapit na unipormadong staff. Ma'am magreregister po ba kayo?

Tumingin muna siya kay uno. Oo.. Narinig pa niya ang pag- yehey nito. Halatang masayang masaya. This way ma'am. Pila po kasi ng on going yung kinatatayuan niyo. Tumango lang siya at humingi ng paumanhin. May ibinigay itong registration form sa kanya. Pakifill up nalang po dito ma'am. May mga itinuro itong linya sa kanya na doon magsusulat.


Habang hawak niya sa isang kamay si uno. Mabilis niyang nilagyan ng mga detalye ang papel na inabot sa kanya. Nang matapos ay iniabot niya ito sa staff na lumapit sa kanila. Masayang masaya naman si uno. Ngayon lang kasi niya ito nadala sa ganitong palaruan.

Noon kasi, sa sobrang dami niyang trabaho. Nakakalimutan na niyang may anak nga pala siyang hinihintay lagi ang oras niya. Anak na laging umaasa na magkakaroon sila ng libre oras na magkasama.

May mga pagkakataon na sa tulog na ito kung darating siya. Kaya minsan naisip niya, kung di lang sana maagang nawala ang tatay nito sa kanila. Hindi niya sana kailangan makipagpatintero ng oras dito. At hindi sana kailangang mahati ang panahon niya. Pero sa ngayon magtitiis muna sila. Para din naman dito ang laha ng ginagawa niya.

Dahil ang magulang, hindi sumusukat ng oras o panahon na nagsasakripisyo siya. Bagkus, ginagawa niya iyon hindi dahil obligasyon niya bilang magulang kung di sadyang mahal na mahal lamang niya ang kanyang anak.


Nay, salamat po. Narinig niyang sabi ni uno. Yumukod siya at pumantay dito. Salamat para saan? Nakangiting hinawi niya ang buhok nito.

Salamat po kasi kasama ko kayo... I love you nanay. Ngayon lang niya mas naunawaan kung gaano katindi ang pagkasabik ng sarili niyang anak sa kanya. Nang yakapin siya nito. Nagulap ang kanyang mga mata.


Ito nalang ang kaisa isang yaman na mayroon siya. Mas mahal na mahal ka ni nanay...



To be continued...

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Where stories live. Discover now