Chapter Thirteen

43K 984 33
                                    

Nay naiihi na po ako... Nakahawak si uno sa ilalim ng zipper ng suot nitong khaki pants.

Nagpalinga linga naman siya sa paligid. Naghahanap ng signage na nagtuturo kung nasaan ang comfort room. Pagkalabas nila ng kidzoona ay balak na sana nilang kumain bago umuwi.

Bandang kaliwa nang makita niya ang arrow patungong CR. Halika anak.. Inakay niya si uno papasok sa Men's room. Pasok kana sa loob.

Wag mo na po akong samahan nanay. Kaya ko na po. Malaki na talaga ang anak niya. Napangiti siya. Oh! Siya lakad na para makakain na tayo.

Sinundan niya ito nang tingin. Nanatili siyang nakatayo sa labas ng Men's room. Sobrang saya ng anak niya.

Alam niyo po nanay. Ang dami kong nakilalang bagong friends doon sa loob. Pagbibida ni uno habang pinupunasan niya ito ng pawis. Mabuti na lamang talaga at naisipan niyang baunan ito ng extra T-shirt. Pwede po ba tayo ulit bumalik dito?

Ngumiti siya. Oo naman. Basta day off ni nanay. Palagi na tayong mamasyal. Pangako niya. Hindi niya gustong lalaki ang anak niya na laging nasa isip na wala siyang oras dito.

Talaga po? Salamat nanay!


Matalinong bata si uno. Alam niya ang mga bagay na nangyayari sa paligid niya. Alam niya kung kailan dapat matuwa at mainis. Muli siyang napangiti nang maaalala ang asawa. Masaya siya na kahit papaano ay may iniwan ito sa kanya. Na may bagay na ibinigay ito bago man lamang nawala sa kanya.


Isang bangko sa loob ng mall sa pasay ang pinasok ng mga manloloob. Sinasabing grupo ng isang kilalang malaking sindikato ang sinabing suspek. Nakatutok ang mga mata niya sa telebisyon habang pinapatulog ang dalawang taong gulang na anak na si uno.


Hija, hindi ba't d'yan sa bangkong yan nagtatrabaho ang asawa mo? Narinig niyang tanong ng kanyang biyenan na nakatayo sa bukana ng salas at may hawak na sibuyas at kutsilyo. Oho! Nay... Naguumpisa nang bundulin ng kakaibang takot ang puso niya.


... Isa sa mga naging hostage ng naturang grupo ay ang general manager ng bangko. Pero ganoon pa man nagawa pa rin nilang makipagpalitan ng putok sa mga pulis...

Tatlo sa mga sindikato ay sugatan. At sa kasamaang palad ay binawian ng buhay ang nakaduty'ing security guard. Napagalamang si Joaquin Elago ang kasama sa namatay...

Parang nauupos na kandilang napaupo siya habang hinehele ang anak. Parang---parang napakasamang panaginip lang. Diyos ko! Ang anak ko! Noon lang niya napansin ang biyenan na napaupo sa sahig dahil sa tindi ng gulat sa napanood na balita.

Ang hirap paniwalaan na nasa balita ang mister niya. Kanina lamang ay kausap niya ito. Bago ito pumasok sa trabaho ay nagusap pa sila tungkol sa plano nitong mangibang bansa. Ano't heto ang balitang iyan? Ano't biglang lalabas sa telebisyon ang pangalan ng asawa niya at sasabihing patay na? Kalokohan! Bata pa si uno. Hindi pa dapat.

Saka lang niya namalayang unti unti nang natulo ang luha niya. Nakatutok pa rin ang mga mata niya sa telebisyon. Nagiging blanko ang isip niya. Kung hindi pa umiyak ang bata sa bisig niya ay hindi pa niya mapupunang natitigilan pala siya. Na halos naipit na ang anak niya dahil sa higpit ng yakap niya dito. Ang iyak nito ay sinabayan pa ng palahaw ng kanyang biyenan.


Edizel? Bumalik sa huwisyo ang isip niya nang marinig ang tinig na iyon. Nag angat siya ng tingin at saka sinalubong ang nanlalaking mga mata nang babaing nasa harapan niya. B-Buhay ka? Bakas sa mukha nito ang gulat lalo na nang masusing pinakatitigan ang kanyang mukha.


Hindi niya alam pero pamilyar ang mukhang iyon sa kanya. Parang kilala niya. Hindi nga lamang niya matandaan kung saan at paano niya ito nakilala. Pero iisa lang ang alam niya. Kilala niya ito. Bumaba ang tingin nito sa kabuuan niya. I-I thought you were d-death----.



Nagsalubong ang mga kilay niya. Kilala niya nga talaga ito. Hindi lang niya maisip kung paano.. K-Kilala kita...




To be continued...






--------

Merry Christmas everyone!

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon