Chapter Twenty Four

43.8K 981 5
                                    

Pasensya na pero kailangan ko nang umalis. Gabi na kasi at saka mukhang kaya mo na. Mabilis na sabi niya nang matapos niyang hugasan ang pinagkainan nila.

Aalis? Para namang takang taka pa ito na aalis na siya. Nilampasan niya ito at kinuha ang bag niya. Oo, baka kasi nagaalala na si nanay at ang anak ko.

Sabi mo hindi ko na ako iiwan. Natigalgal siya sa sinabi nito. Natatandaan niyang ibinulong lang niya ito dito pero bakit parang alam na alam nito? Narinig ba nito iyon.

Lumunok siya. S-Sinabi ko lang 'yon dahil kinukumbolsyon ka. Mataas ang lagnat mo. Pagpapalusot naman niya.

So dapat pala laging mataas ang lagnat ko para hindi mo ako iwan. Nagsalubong ang mga tingin nila.

Dapat po pala nanay lagi akong mag lagnat para nasa tabi ko kayo. Sabi ni umo sabay siksik sa dibdib niya.

Loko kang bata ka! Mas gusto mo pang mag alala lagi si nanay kapag may sakit ka. Natatawa siya sa pagbibiro ni uno.

Siraulo ka ba? Hindi ako doktor para gamutin ka kapag may sakit ka. Sita niya dito. Ngumiti lang ito sa kanya.

Binibiro lang kita. Pikunin ka rin pala. Sabi nito habang nakatawa sa kanya. Wait me here. Magpapalit lang ako then i will take you home.

H-Hindi na----.

No! I insist. Nawala na ito sa paningin niya dahil mabilis itong pumasok sa silid na inokopa niya kanina.

Habang wala pa ito ay nagtext siya kay nica na ipasabi sa biyenan niya na pauwi na siya. Mabilis namang nagreply ito sa kanya.

Nasa bahay po namin ngayon si uno. Hinihintay po kayo.

Pagkabasa na pagkabasa niya ay mabilis niyang idinayal ang numero ni nica at tinawagan ito. Hello ate edy.. Ito po si uno.

Nay! Nakarinig siya ng hikbi sa kabilang linya.

Anak! Pauwi na si nanay. Aniya dito. Bakit po ang tagal niyo? Sabi niyo po mabilis lang ang uwi niyo? Nahimigan niya ng pagtatampo sa boses nito.

Nag isip muna siya ng magandang sasabihin dito. Hindi naman niya pwedeng sabihin ditong kasama niya ang boss niya. M-May tinapos lang na trabaho si nanay. Pero pauwi na ko ha! Saka lang ito tumahan nang sabihin niya iyon.

Nang makapagpaalam sa bata'y ibinaba na niya ang tawag. Anak mo? Nagitla siya nang marinig ang boses ni Tobias sa likuran niya.

A-Ah.. Oo si u-uno.. Hinihintay na niya ako. Sabi niya. Isinilid niya sa bag niya ang cellphone at saka inayos ang pagkakasakbit sa balikat niya.

Your Son is very protective to you. Narinig niyang sabi nito habang magkapanabay silang naglalakad palabas ng unit.

Hindi kasi siya sanay na mawalay sakin. Ako nalang kasi ang magulang niya. Sabi niya sa mababang tinig. Hindi niya alam kung saan niya nakukuha ang tapang na magkwento dito samantalang estranghero parin naman sila sa isat isa.

Pinindot nito ang elevator at bumukas iyon. Where his father anyway? Interesado nitong tanong.

Tumingin siya sa repleksyon niya sa haraoan ng saradong pinto ng elevator. Patay na siya. Dalawang taon na ang nakakaraan.

I'm sorry.. Hindi ko alam. Tumingin siya dito. Kung ganoon hindi ito nagbabasa ng mga resume nila. Nakalagay doon sa civil status niya ay widowed.

Tumahimik nalang siya hanggang sa nakasakay na sila sa sasakyan nito. Hindi na niya kailangan ituro dito dahil alam naman na nito ang daan patungo sa kanila.

Nang makarating sa huling eskenita ay ipinara niya ang sasakyan. Dito nalang ako.. Mahihirapan ang sasakyan mo kung tutuloy pa sa looban. Aniya at akmang bubuksan ang pinto.

So let me walk with you. Mabilis itong bumaba sa driver seat at pinagbuksan siya. Kapag may nakakita sa kanyang tsismosang kapitbahay. Nasisiguro niyang laman siya ng tsismisan bukas.

Hindi na siya umapela pa dahil alam niyang hindi naman din ito makikinig sa kanya. Ipagpipilitan pa rin nito ang gusto. Saan ba banda ang inyo? Tanong nito habang naglalakad sila sa makipot na kalye. May ilang mga lasing parin ang naroroon.

Oy! Edy! Happy new year! Bati sa kanya ng isang tambay na lasing. Si mang teban. Yung sapatero na lagi niyang pinagpapagawaan ng sapatos ni uno tuwing masisira. Happy New year din po mang teban. Lasing na naman kayo. Tinawanan lang siya ng matanda. Nagpapainit lang, outshide---de kulambo ako ngayon ay! Aba kay gwapo naman pala ng shota mo! Bago pa humaba ang usapan ay nagpaalam na siya.

Kilala mo 'yon? Kunot noong tanong ni Tobias sa kanya.

Ay oo.. Pero mabait 'yon lasenggo nga lang. Ngiti ngiting sabi niya. Nagulat pa siya nang hawakan siya nito sa braso.

Pwede ko kayo bigyan ng maayos na bahay kung gusto mo. Malayo sa ganito. Malayo sa mga ganyang tao. I can provide you and your son---.

Bakit? Putol niya sa sinasabi nito. Kahit siya ay biglang nagulat sa mga inaalok nito. Sasagot pa sana ito ng humahagos na tumakbo patungo sa kanya si uno.


Nay!






To be continued...

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Where stories live. Discover now