Chapter Four

54.7K 1.1K 27
                                    

Sumubo ng kanin si Edizel habang nakikinig kay Vina. May sinasabi kay ito sa kanya. Pero wala doon ang isip niya. Naiwan sa lalaking nakatingin sa kanya kanina habang nagseserve siya ng alak.

Hoy! Nakikinig ka ba? Sabay tapik nito sa kanya. Nasa employees area sila at nakabreak. Crew/waitress siya dito sa isang hig end disco bar. Mayayaman at kilalang mga personalidad lang ang nakakapasok dito. Ubod yaman din naman daw kasi ng may ari nito.

H-Ha? Ano bang sinasabi mo? Tanong niya nang mapatingin siya dito.

Ayon! Hindi ka nga nakikinig. Kanina pa ako salita ng salita dito. E nilipad na pala papuntang Atlantika ang isip mo. Palatak nito sa kanya. Hindi kasi niya maiwasang isipin ang lalaki kanina. Nasa deck kasi ito. Boss at mga kaibigan lang ng may ari ang alam niyang maaring pumunta doon. Bago kasi ang mukha ng lalaki kanina. Si troy na assistant ng big boss nila ang madalas niyang makita o mas tamang sabihin na ito ang nakikipag usap palagi sa kanila.

Pribadong tao daw kasi ang may ari nitong H'Our Disco Bar.  Ang sabi ko... May meeting daw bukas. Nakita ko si Mr. A kanina. At alam mo ba siya mismo ang nagsabi kay Troy na gusto niyang makilala ang lahat ng nagtatrabaho dito.

Patuloy siyang ngumuya. Dalawang linggo pa lang siyang naguumpisa dito. Dati siyang fast food crew. Pero hindi siya nagtagal doon dahil sa manyakis niyang manager.

Na lantaran ang pambabastos sa kanya. Na ultimo kahit oras ng trabaho ay gumagawa ng paraan para mamolestiyahan siya. Wala namang maniwala sa kanya na ganoon kabastos ang mnager niya dahil nobya pala nito ang anak ng boss nila! Pero maaga sana ako bukas. Ihahatid ko pa si---.

Sandali lang naman 'yon edy at saka required na umattend tayo doon. Sabi ng kaibigan niya. Sa unang mga naging linggo niya dito ay si vina ang unang naging malapit sa kanya. Sa katunayan ito ang pinakamalapit sa kaibigan niya dito.

Napabugtong hininga siya. Ano naman kayang nakain ni Mr. A at nagabala pang magpameeting 'e diba si troy naman ang laging gumagawa 'non? Aniya niya. Kapag may gustong ipaabot ang boss nila ay si Troy ang laging naharap sa kanila.

Nagkibit balikat si Vina. Ewan ko. Baka nababagot na siya sa ginagawa niya.

Tumango tango siya. Gagahulin siya sa oras. Lalabas siya dito ng alas siyete ng umaga. Tapos ihahatid pa niya si Uno. Magtatampo na naman iyon sa kanya kapag hindi niya ito inihatid. Nangako pa naman siya.

Malungkot siyang napangalumbaba. Hoy! Ano na namang dinadrama mo Edy? Untag ni Vina saka uminom ng tubig. Iniisip mo si Mr. A no? Wag kang matakot di naman tayo kakainin 'non.

Natatandaan niya kasing maraming bulong bulungan na masungit na boss daw si Mr. A. Na palasigaw, na konting pagkakamali lang daw ay sinesesanti na nito.

Hindi naman daw ganoon ang boss nila noon. Nagbago na lang daw ito bigla. Sabagay lahat naman ng tao ay nagbabago. Wala naman kasing permanente. Walang nagtatagal. O mas tamang sabihing walang forever.

Tayo na! Baka makita pa tayo ni Juana dito. Sabihin nagtsitsismisan lang tayo. Sabay tayo niya. Ang tinutukoy niya ay ang head nila na ubod ng sungit. Na nang masaboy yata ng kasungitan sa mundo ay nasalo nitong lahat.

Sus! Keber ko ba 'dyan kay Juana! Napaka"ewan". Alam mo tatandang dalaga ang babaing 'yon. Sabi nito na napilitan paring tumayo. Sa tagal 'non dito. Kahit isang customer walang kumausap doon! Mabuti ka pa nga at lapitin ng customer.

Ewan ba niya, kapag may mga lalaki silang customer. Laging nirerequest na siya ang magserve ng drinks sa mga ito. Pumapayag naman siya dahil wala siyang nakikitang masama. Isa pa, mas madalas na kabataan ang customer nila. Mga nasa disiotso pataas.

Masaya naman siya sa trabaho niya. Kahit pa mababa ang sinusweldo niya. Ayos lang basta makatakas lang siya sa manyakis niyang manager!







To be continued...






-------

Happy reading :)

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon