Happiness

300 5 0
                                    

[A/N: Sana po mag leave kayo ng comments. para naman po alam ko pa yung dapat ko iimprove para sa mga future stories ko. salamat :D]

[Spade’s POV]

Linggo ngayon at nandito na din kami ni mish sa bahay ni lolo, actually kahapon pa naman kami nakauwi. Sabi ni lolo may family dinner kami mamaya sa family ni mish. at dun gaganapin sa mansion ng mga villegas.

“misis, anong isusuot mo mamaya?” tanong ko. binigyan niya lang ako ng questioning look.

“gusto mo magshopping?” tanong ko. saglit siyang nag-isip at biglang ngumiti

“sige” masayang sagot niya.

--

“spade! ito tignan natin” hinila niya ko sa isang boutique na may dresses and gowns. 1st time ata namin magshopping ng damit together. Nakakatuwa lang.

“misis, try mo to’ mukhang bagay sayo” pinakita ko sakanya yung dress na nakasuot sa maniquin. Isang darkblue V-Neck dress na pa-baloon yung lower part at lagpas sa tuhod ang haba. May white slim belt at longsleeves. Although lace nalang yung sleeves niya at see through yung likod. Alam kong bagay na bagay yun sakanya. Ngumiti naman siya at kinuha yung ganung design ng dress at dinala sa fitting room.

“okay lang?” tanong niya. Napatulala ako sa ganda niya. Bumagay talaga yung damit sakanya na para bang sakanya talaga yun sinukat.

“mister! Hoy!” untag niya sakin

“ha? Ah Oo, ang ganda mo” nasabi ko. nakita ko naman siyang nagblush.

“bagay sayo yung mga ganyang kulay misis. Natutulala ako sa ganda mo e” biro ko at lalo pa siyang namula na parang kamatis.

“tama na nga, bolero!” sabi niya ng makabawi siya at hinampas ako sa balikat ng mahina bago pumasok muli sa fitting room.

Sunod naman naming pinuntahan yung bilihan ng suits. Hinayaan ko siyang mamili ng isusuot ko para mamaya, at napili niya ang isang darkblue longsleeve para sa daw terno kami. Kulay grey na coat and pants at white silk necktie na may slant lines na hindi mo agad mapapansin kung hindi mo titignan ng malapitan. Pinasukat niya yun sakin at nakita ko namang tuwang tuwa siya sa itsura ko.

“ang gwapo talaga ng mister ko” sabi pa niya. Para naman mas matuwa siya nag pose mala model pa ko sa harap niya. At tawa siya ng tawa

“Oy tama na nga! Baka madiscover ka pa” sabi niya. Ngumiti lang ako at bumalik sa fitting room.

Bumili din kami ng sapatos at binilhan ko din siya ng accessories para gamitin niya mamaya sa family dinner. Dahil maaga pa naman naisipan muna naming mag-ikot ikot sa department store ng mapadaan kami sa baby needs section.

“wow! Ang cute nung damit ng baby” turo niya sa isang maniquin na nakasuot ng pink na dress at white pajama. Tapos may headband pang may bulaklak yung ulo nung batang maniquin.

“yes mam, pang-ilang taon po?” biglang lumapit samin yung sales lady habang hawak hawak ni mish yung damit para sa baby na tinitignan niya.

“ay tumitingin lang po. Wala pa kaming baby” sagot ko. napangiti naman samin yung sales lady

“newly weds?” nakangiting tanong nung sales lady. Tumango naman kami ni mish bilang pag Oo.

“wow, congratulations po ma’am, sir” sabi niya at ngumiti lang kami ni mish. after nun umalis na din kami para kumain. Pagkatapos nun umuwi na din kami para mag-asikaso, sabi kasi ni lolo 7pm yung dinner.

--

“lets go?” tanong ko. tumango naman at ngumiti si mish. ang ganda niya sa ayos niya. Suot niya yung dress na binili namin at yung 3 inches silver high heels shoes na binili din kanina. Bumagay din yung binili ko sakanyang pearl earrings at bracelet. Tapos yung buhok niya nakalugay lang at may may maliliit na curls sa dulo at isang heart shape clip sa left side niya.

DG II: Trapped (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon