Confrontation

326 6 0
                                    

[Spade’s POV]

5 am na pag tingin ko sa relo ko. lasing na din ako at tumba na lahat ng mga kasama ko maliban kay Riko.

“Drei! ano? Di ka uuwi?” tanong niya

“wala na kong uuwian” sagot ko

“bakit? Nademolish nab a bahay mo?” natatawang tanong niya

“gago! Gusto ko nga ako na gumiba nun haha” natatawa ding sagot ko. hinintay ko lang mahimasmasan ako ng konti bago ako umuwi sa bahay.

Pagdating ko inabutan ko yung kotse ni arden sa labas ng gate. Bumusina ako para lumayas siya dun pero imbes na alisin yung sasakyan niya, lumabas siya at kinatok ako.

“ano?” sigaw ko ng bumaba ako

“ano ba yang itsura mo drei. Naligo ka na ba?” tanong niya.

“ano naman sayo? Bakit ka nandito?” tanong ko

“papasukin mo man lang ako sa bahay mo. Kagabi pa ko diyan oh” sabi niya. Pumayag nalang ako at pinatuloy siya sa loob

“wow drei. Bahay to’? o bodega?” nang iinis na tanong niya. Sabagay, ano bang tawag sa bahay na sobrang kalat. May mga basag na gamit na nagkalat. Yung binihisan ko nung nakaraan naiwan lang sa sala. Yung Tv naiwan ko pa palang bukas.

“gusto mong juice?” tanong ko

“ako nang kukuha” sagot niya at dumeretso sa kusina. Sumunod ako sakanya at umupo kami sa dining table

“ano nga? Bakit ka nandito?” tanong ko

“bakit hindi ka pumapasok?” tanong niya

“wala ka na dun. Prof ba kita?” sagot ko

“si mish? pinatay mo na?” tanong niya. Pero may patawa tawa pa.

“umalis na. iniwan nanaman ako” sabi ko

“gago ka kasi. Binabale wala mo eh” sagot niya “ano? Hinanap mo ba?” tanong pa niya. Umiling lang ako. Nagulat ako kasi sinabuyan niya ko ng malamig na tubig

“ano ba arden?!!” sigaw ko.

“magising ka nga? Nasaktan yung tao. Tapos anong gusto mo? Kusa siyang bumalik sayo? Tanga pre?” hindi ako nagsalita. Tama nga siya. Tanga ko eh.

“san ko siya hahanapin? Wala siya sa bahay ng magulang niya” sabi ko

“anong silbi ng royalties? Malamang nandito kami para tulungan ka. Hirap kasi sayo ang pride mo masyado. Mawawala na lahat sayo hindi ka pa marunong humingi ng tulong” sabi pa ni arden.

--

Alas nuebe na nang narinig kong may bumusina sa labas pero pagbukas ko ng pinto nagulat ako. Si lolo, si daddy at mommy. Kasama yung lolo at parents ni mish.

Pag pasok palang ni daddy isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha ko at napatumba ko. agad naman akong nilapitan ni arden habang si mommy inaawat si daddy

“huminahon ka nga” utos ni mommy kay daddy pero tinabig lang siya nito

“ayos ka lang pre?” tanong sakin ni arden habang inaalalayan akong tumayo.

“mabuti naman at inabutan ka din namin dito” sabi pa ni daddy.

“ikaw arden, anong ginagawa mo dito?” tanong sakanya ni daddy

“pinuntahan ko po si Andrei para kausapin” sagot naman niya

Umupo ang lahat sa dining area. Nag usap usap kami kasama si arden.

Galit na galit sakin si daddy. Nang galing na daw si mish sa bahay at alam na nila ang lahat.

“pero daddy hindi totoo yung sinabi ni AC kay mish. maniwala po kayo” sabi ko

“tito, totoo po yung sinasabi ni Andrei. Umamin din si AC sa lahat ng royalties na nagsinungaling siya kay mish. pero po wala na si mish nun” pagtatanggol sakin ni arden

“sinabi din sakin ng mommy mo na naging kayo ni mish nung high school. Ano bang gulo ang pinasok mo apo?” tanong ni lolo. Napayuko lang ako. Anong gulo nga ba ang pinasok ko? niloko ko ang babaeng minahal ko. iniwan niya ko tapos nung bumalik siya inilayo ko ang sarili ko sakanya. Tanga! Tanga tanga ka talaga spade! ang tanga tanga ko talaga!

“ano po bang sinabi sainyo ni mish?” tanong ko

“Hindi na yun mahalaga hijo. Basta nagkasundo na kami na hindi na itutuloy ang kasal at wala tayong babawiin sa pamilya nila. Kasalanan mo naman ang lahat. Sinabihan na kita na wag kang gagawa ng pabigla biglang desisyon pero anong ginawa mo? Hinayaan mong masaktan yung babaeng mahal mo. Hindi ka namin kakampihan sa bagay na to’ Andrei. Kitang kita namin kung gaano kasakit at kung gaano nahirapan si mish ng dahil sayo. I’m so disappointed with you apo” sa sinabi ni lolo pakiramdam ko kahihiyan ako sa pamilyang to’. Tumingin ako magulang ni mish. hindi galit ang nakikita ko sa mga mata nila kundi awa. Naawa ba sila sakin?

Tumayo si lolo kasama si daddy. Nilapitan lang ako ni mommy.

“magbihis ka na hijo. Tignan mo ang itsura mo. Napabayaan mo na ang sarili mo. Umuwi ka na. tama na ang kalokohan, kung mahal ka pa ni mish at mahal mo pa siya baka may tamang panahon para sa inyong dalawa” pagkasabi nun ni mommy au tumayo na siya para sundan sila daddy.

Naiwan ako kasama ang parents ni mish, lolo niya at si arden.

“hindi ko man alam ang totoong nangyari, hindi kami galit sayo. Sabi samin ni mish kasalanan niya. Ayaw niyang magkaron kami ng sama ng loob sayo. Kaya hijo salamat sa lahat ng pinakita mo sa anak naming. At kung nasaktan man siya, alam naming minahal ka din talaga niya” sabi ng daddy ni mish at umalis na din kasama ang mommy niya.

“lolo sorry po” sabi ko sa lolo ni mish. sakanya ko sinabi noon na may gusto ako kay mish. sakanila ni lolo. Kaya nga naipagkasundo sakin si mish. mabait sakin ang lolo niya. Kaya nalulungkot ako at naiinis sa sarili ko na na disappoint ko siya.

“okay lang hijo. Naiintindihan ko. pero huling bagay na gusto kong malaman sayo.. mahal mo pa ba ang apo ko?” tanong niya

“opo lolo. Mahal na mahal ko po si mish at hindi po nawala yun. Totoo pong nasaktan ko siya dahil masama ang loob ko ng iwan niya ko noon, kaya inilayo ko yung sarili ko ng bumalik siya. Pero lolo nagsisisi na po ako. Kung mabibigyan ako ng isa pang pagkakataon, pangako ko gagawin ko lahat para sa apo niyo. Para sumaya siya. Iingatan ko po siya tulad ng pangako ko sainyo noon” umaagos na ang luha ko. halos nagmamakaawang sabi ko sa lolo niya. Bawat salitang bitawan ko may mumunting imaheng nagbabalik sa alaala ko. ang dami ko palang nasayang. Ang dami kong pagkukulang. At ang laki ng mawawala sakin kapag hindi ko siya nakita.

Nagulat ako dahil bigla nalang nagdatingan sila Sophia, steven, dustin, at  tiffany.

“anong—“ tanong ko pero pinutol na nila ko. hinila ko ni steven

“wag ka na magtanong. Dalian mo, alam na namin kung nasan si mish” nang marinig ko ang pangalang yun. Dali dali akong sumama sakanila.

Nakarating kami sa isang condo sa ortigas. Mabilis naming tinungo yung building kung saan tumutuloy si mish. 18th floor. Pero pagbukas ng elevator nakita ko si mish papunta sa direksyong yun habang pinipigilan siya ni shan.

“Mish!” narinig ko pang sigaw ni shank ay mish

“Bitiwan mo ko. ayoko ng Makita pa si spade! ayoko ng makinig pa sakanya. Lalayo na ko. gusto ko na mamuhay ng panibago at hindi na ko babalik sa lugar na to!” sigaw niya. Pero sa pag talikod niya kay shan ay nagtagpo ang mga mata namin.

Nag umpisa nanamang pumatak ang luha sa mga mata ko. unti unting nadudurog ang puso ko sa nakikita ko. ang babaeng mahal ko na umiiyak sa harapan ko. nakatayo lang kami dun na para bang nakahinto ang oras sa pagitan naming dalawa. Walang nagsasalita at walang kumikilos. Nakatayo lang kami dun na parang mga tanga.

DG II: Trapped (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon