Her Game

391 4 0
                                    

[Mish POV]

It’s Monday again. Tahimik akong naglalakad sa school campus, maaga kasi ako ng 1hr para sa 1st subject ko. Bakit? Eh maaga din kasi si spade haha. May meeting ata sila, eh wala naman akong kinalaman dun kaya ayun mag isa lang ako dito na naglalakad lakad. Nalaman ko din na officer din pala sa student council si arden, tiffany, dustin at Sophia.

Si Steven at AC lang pala ang tulad kong hindi kasali sa council pero royalties.

Nakarating ako sa mini garden ng V.U. actually ngayon lang ako napadpad dito. Bandang likod na kasi siya ng main building ng campus. Pero maganda at tahimik. May mini pond din at may maliliit na coy. Hehe cute.

May swing din? Wow!

Umupo ako sa isang swing na nandun at nilasap ang lamig ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam.

“anong ginagawa mo dito?” boses ng isang babae. Nang tignan ko si AC lang pala.

“nagpapahangin. Masama ba?” masungit kong sagot. Inis ako sakanya dahil sa nakita ko nung welcome party. Hindi naman nagpapaliwanag sakin si spade kaya hindi pa din malinaw sakin kung bat nakita ko sila na ganun.

“brat! Well just for you to know, sakin ang lugar na to and  I’m not allowing anyone to go here” mataray namang sagot niya

“pano naman naging sayo to? Lolo ko ang founder ng VU. So everything here belongs to villegas, right?” mataray namang sagot ko.

“okay! Edi sayo! But I don’t like anybody to go here if I’m here. This is the only place that gives me peace. So please, will you go away from here for now” sabi niya naman. I think she really wants to be alone, pero nilalamon na ko ng curiosity ko kaya di ko napigilan.

“aalis ako, sagutin mo lang ako ng totoo” sabi ko. Hindi na siya nagsalita pero tinuloy ko na yung tanong ko

“bakit kayo magkasama ni andrei nung welcome party? Bakit kayong dalawa lang? at bakit ka niya hinahabol?” tuloy tuloy na tanong ko.

“bat ako ang tinatanong mo? Di ba fiancée mo siya” sagot naman niya

“hindi namin yun napag uusapan” sagot ko. Tinitigan niya lang ako.matagal bago siya sumagot. Pero sana pala hindi nalang siya nag salita, o kaya hindi nalang sana ko nagtanong.

“Andrei confessed his feeling for me. Kaso ni reject ko siya dahil nga ikakasal na kayo. Pero sabi niya…” pinutol saglit ni AC yung sinasabi niya at tinignan ako na para bang naawa siya sakin

“sabi siya mahal niya daw talaga ko at hahanap lang siya ng tamang oras para iwan ka. Sabi pa niya matagal niya na kong gusto kaso pinipigilan niya kasi nga may fiancée na siya pero that night, hindi na daw niya kayang pigilan yung nararamdaman niya kaya inamin niya na. I really feel sorry for you mish. Pero hindi ko naman siguro hawak yung feelings ni Andrei di ba. kaya kung iwan ka man niya, hwag kang magagalit sakin ha”

Hindi ko alam yung sasabihin ko. Parang ayokong maniwala na gagawin yun ni spade. but at some point tinatanong ko sa sarili ko, pano kung totoo ngang humahanap lang siya ng pagkakataon para iwan ako? Para hindi lumabas na siya ang masama. Hinahanapan niya ko ng butas. Pano kung ganun nga?

Nakatingin lang ako kay AC at parang tinitignan niya ko na para bang sobrang kaawa awa ako. Tinatagan ko ang loob ko at sinubukan pa ding magsalita

“ganun ba. Well, I think mahihirapan siya. So I guess I have to go. Nasagot mo na yung tanong ko. Enjoy this place, bye” sagot ko at umalis na ko dun dahil ramdam ko na ang pag sikip ng puso ko.

Hindi ko alam kung san ako pupunta pero nahagip ng mata ko na lumabas si Sophia sa isang kwarto. Sa tingin ko dun yung meeting ng council.

At di nga ko ngakamali, kasunod niyang lumabas si arden, hindi ko na alam ang gagawin ko dahil alam kong papatak na yung mga luha ko kaya agad akong tumakbo papunta dun at niyakap si arden. Sinubsub ko yung mukha ko sa dibdib niya at mahinang sinabi…

“alis tayo please”

Hindi siya sumagot pero inalalayan niya ko papunta sa kung saan at doon, hindi ko na tinago ang lahat. Inilabas ko na lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

--

[Spade POV]

Nagulat ako sa nakita ko. At natapakan ang pride ko. Akala ko over acting lang ako para mag selos pero may dapat pala talaga kong pagselosan. At sa harap ko pa talaga? Mga walangya!

“Andrei ano yun?” tinapik ako ni Sophia. Pero alam kong kinakalma niya ko.

Lahat kami nagulat sa nangyari. Bigla nalang yumakap si mish kay arden at nakita pa yun ng lahat. Hindi lang ng royalties, kundi lahat ng estudyanteng nasa lugar na yun. Pakiramdam ko pahiyang pahiya ako sa nangyari. Yun fiancée ko may ibang kayakap sa harap ko at wala man lang akong nagawa? What the f*ck!

Mainit ang ulo ko na pumunta sa klase at kasunod ko ang ibang royalties.

“Andrei calm down, alamin mo muna yung nangyari” sabi sakin ni Sophia bago pa man ako makapasok

“ou nga drei, easy lang” dagdag pa ni timothy

“gusto mo bang ako na ang kumausap kay arden?” tanong naman ni dustin pero hindi ako umimik. Dahil sobrang galit nag a;it ako at wala na silang magagawa para mabago ang mood ko.

Hindi pumasok sila mish at arden kaya lalong nadagdagan yung init ng ulo ko. Kaya pagkatapos na pagkatapos ng 1st subject ko ay umalis na ko sa VU. Talagang pinipilit nila ko sa maging si andre, well I will give them what they want.

--

Author's Note:

   hello. maaga kong natapos yung her game. so this is it. ill be updating two more chaptes so in total. i posted 8 chapters for this week. next week ulit :)

DG II: Trapped (Complete)Where stories live. Discover now