One Last Moment to Lasts

412 7 0
                                    

[Spade’s POV]

Maaga akong gumising. Sabi niya pagsikat ng araw nandito na siya. Nilinis ko ang bahay. Inayos ko ang lahat at ipinagluto ko siya. Mag aala sais na ng unti unti ng nagliwanag ang paligid. Narinig ko ang pag hinto ng isang sasakyan sa tapat, sinilip ko sa bintana at nandito na siya. Bumaba siya sa isang taxi at mabagal na naglakad papunta sa pinto ng bahay.

“Good morning” Masaya ko siyang sinalubong ng mahigpit na yakap. Alam kong nagulat siya, siguro nawi-wierdohan siya sakin

“Mish isipin mo nalang nasa high school tayo ulit. Yung mga araw na Masaya pa tayo” sabi ko at kinuha ang kamay niya. Hinila ko siya papasok sa loob

“si manang?” tanong niya

“wala na eh. Umalis na si manang. Nandun na siya ulit kay mommy” sagot ko habang nilalagyan ng pagkain yung plato niya.

“ako na spade. may kamay naman ako eh” sabi niya pero may kinuha akong papel at binigay sakanya

“misis moo. Yan yung list ng gagawin natin ngayong araw” may rumihistrong gulat sa mukha niya ng tawagin ko siya ng misis moo. Pero ngumiti din agad siya

Mish and Spade’s List

·         Ibalik si Misis and Mister MOO.

·         Magsuot ng couple shirt

·         Kumain ng breakfast ng sabay

·         Pagsilbihan si misis MOO

·         Mag Movie Marathon hanggang Lunch time

·         Kumain ng Lunch sa Garden

·         Mag punta ng park

·         Pumunta sa Mall kasama si Shimedaps

·         Manuod ng sunset sa sea side

·         Mag dinner sa ilalim ng stars

·         Mag star gazing sa roof top

·         At matulog ng magkayakap

“ano to’ spade?” tanong niya

“to do list. Ay saglit ha” umakyat ako sa kwarto at kinuha ko yung couple shirt namin noon. Bumaba ako na suot ko na yung shirt na regalo niya noon. Blue T-shirt na may nakalagay na ‘She’s My Misis MOO’

“nakita ko to’ sa mga gamit na naiwan mo sa kwarto. Nilabhan ko na yan para pareho tayo” sabi ko. yung sakanya naman Pink T-shirt at may naka print na ‘He’s My Mister MOO’

“naitago mo pa pala yung sayo” sabi ni mish

“oo naman. Di ba nga my one and only” nakangiting sabi ko. ngumiti din siya at pakiramdam ko ang saya saya ko.

Habang kumakain sinusubuan ko siya. Nahihiya man siya pero Masaya ko na gawin yun para sakanya.

After kumain naghugas ako ng plato at naghanda ng snack sa movie marathon. Habang siya naman namimili ng movie.

“Misis, ito na yung snack natin. Nakapili ka na?” sabi ko

“Oo. Ito oh” tinaas niya yung dalawang DVD. One more Chance at A walk to Remember.

Habang nanunuod seryoso siyang nakatingin sa screen habang ako tahimik na nakatingin sa mukha niya. Na miss ko yung ganito kalapit sakanya. Na miss ko yung pakiramdam na katabi ko siya habang naka unan siya sa balikat ko at naka akbay ako sakanya. Ang tanga ko kasi eh!

DG II: Trapped (Complete)Where stories live. Discover now