Welcome Party

440 8 0
                                    

Author's Note:

dapat kagabi ako nag update kaso may sore eyes po ako nung wednesday pa. kaya sorry po. hehe pero 5 chapters will be updated today. kung matatapos ko ung pang 6th chapter na tina-type ko magiging 6 chapters ung UD ko today :) and pinky and dion story will be posted tonight. yun lang. salamat readers for supporting my works. i love you all. god bless -shey-

[Spade’s POV]

Isang oras pa bago mag simula ang party pero nagdadatingan na ang mga estudyante. Dadating kaya yung mga taong inimbitahan ko?

Naka upo ako malapit sa entrance ng VU ng may dumating na van, at bumaba dun ung 8 tao na inaasahan ko.

“Welcome to Villegas University” salubong ko sakanila at bigla nalang bumakas sa mukha nila ang kakaibang pagkabigla pero nasundan din un ng malalaking ngiti

“SPADE!!!” halos sabay sabay silang nagsalita

“ikaw ung nagpadala ng invitation? Astig tropa. Na-miss ka namin” sabay yakap sakin ni Gino.

Tama, ung chikboys, si elise, pinky at xander yung mga taong yun. Wala lang si jhake kasi nasa states.

“buti naalala mo pa kami, bigla ka nalang nawala nung…” biglang pinutol ni pinky ang sinasabi niya. Siguro ayaw din niya banggitin

“ou naman. Importante din kayo ngayong araw. It’s a big announcement and she’s back” sagot ko naman

“sino?” tanong ni elise

Pero imbes na sumagot, pinasunod ko sila sakin at dinala na sa table na para sakanila. Dumating na din lahat ng royalties at nandun na si mish. She looks stunning on her red off-shoulder gown. Fit na fit yun hanggang sa hips niya at maganda ang pagkakabagsak mula dun hanggang sa level ng sahig. Simple lang ang ayos ng buhok niya at pagkaka make up sakanya pero litaw na litaw talaga ung ganda niya. Sabagay, siya pa din si mish na nagpatibok ng puso ko noon hanggang ngayon. Kahit may mas maganda pa sakanya, para sakin siya lang ang pinaka magandang babae na pwede kong Makita. Sabi ko nga noon, she’s the meaning of beauty.

“hoy tulala ka na. inlove ka nanaman” biglang may tumapik sa balikat ko. Sino pa ba?

“Steven Timothy Llanes, ang pinaka gwapong lalaki ng VU” sabi niya sabay pogi sign. Naihilamos ko nalang ung palad ko sa mukha ko. Sabay tawa. Ewan ko ba sa lalaking toh kung san pinaglihi, ang lakas ng confidence. Hanep!

“ang yabang mo nuh” natatawang sagot ko

“okay na yun kesa tulad ni dustin” natatawang sabi niya sabay nguso sa direksyon nun. Gusto ko na ding matawa sa itsura niya, sobrang pula habang halatang kabado sa paglapit sakanya ni Sophia. Sobrang ganda naman kasi ni Sophia sa suot niyang purple strapless gown na fit na fit din hanggang sa hips. Nakalaglag ang buhok nito na hanggang bewang nalang dahil umikli dahil sa malalaking curls na lalong nagpalutang sa mala anghel niyang mukha.

“hi Andrei” napalingon ako sa nagsalita. Si AC na naka black see through gown na parang may black tube dress lang sa loob bilang pantakip at the rest, see through na. napaka daring dahil ang lalim din ng pagkaka backless ternohan pa ng red na red lipstick at makapal na make up. She’s the exact type of girl na hindi ko magugustuhan.

“excuse me may kakausapin lang ako” sagot ko

“haha basag AC” narinig kong pang aasar pa ni timothy kay AC.

--

“spade” biglang lumapit sakin si mish. Hindi ko inaasahan ung naging reaksyon ko. Napatingin ako sa mukha niyang naka ngiti. Unti unti kong naramdaman na huminto ang oras sa paligid naming. Gusto kong bawiin ang tingin ko sakanya pero parang naka magnet na ang mga mata ko sa mata niya.

DG II: Trapped (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon