Beginning of a new Chapter

403 4 0
                                    

Author's Note: Sorry for not Updating lately. Busy po sa School and baka matagalan na update ko ngayon kasi malapit nanaman ako mag ojt. anyways, thanks sa new followers and readers. love you all :) enjoy reading

--

[Mish POV]

Dahil hindi ko na kailangang magtago. Nandito ako bilang si Bella Louie Mish Villegas. Plano ko ding pumasok sa magandang school para ituloy yung management course ko.

Mag iisang linggo na din ako dito sa America pero hindi ko pa din kinokontak ang pamilya ko. total babalik na din naman si kuya shan dito. Dito nga muna ko tumuloy sa bahay niya eh.

Unti unti na din akong nagsisimulang makalimot. Bahala na sa mga mangyayari, I just want to go on with my life, free from stress.

Narinig ko yung doorbell kaya agad kong tinignan sa monitor kung sino yung nasa labas. Pero ng Makita kong si kuya shan binuksan ko agad.

“Kuya napaaga ata—“ but he cut my words

“you need to go back” seryosong sabi niya

“ano? Umalis na nga ako pababalikin mo nanaman ako” tinalikuran ko siya pero hinabol niya ko at iniharap sakanya. Hawak ang magkabila kong balikat seryoso niyang sinabi na…

“you need to go back for Andrei. He’s been 1 week comatus. Naaksidente siya ng habulin ka niya nung araw ng flight mo. I tried to tell you this pero hindi ko alam kung san ka tatawagan at hindi ka din nag rereply sa e-mail mo” para kong nagyelo. Ang tanging naintindihan ko lang. comatus si spade at hinabol niya ko.

“kailangan kong bumalik ng pilipinas” pabulong kong sabi dahil bumagsak na din ang mga luha ko.

“pack your things. Ready na yung ticket natin” seryosong sabi niya. Kinuha ko lang yung pouch ko kung san may pera at i.d’s and passport ko then dumeretso na kami sa airport. Naghintay pa kami ng mahigit isang oras bago ang boarding time.

Kabado akong pauwi sa pilipinas. Hindi na din matigil ang pagdaloy ng luha ko. habang si kuya shan patuloy lang sa pag alo sakin. Pilit niya man akong pakalmahin hindi pa din mawala sa isip ko si spade.

“ano ba kasing nangyari?” tanong ko

“hindi ko alam. Sabi sakin ni steven papunta ng airport si Andrei para habulin ka sa flight mo. Then sa pagmamadali na din daw siguro at hang over, aksidente siyang bumangga sa poste. Sabi ng mga saksi mabilis daw yung takbo ni Andrei kaya walang masisi kundi siya mismo” pagke-kwento niya.

“kasalanan ko eh. Kung hindi ako umalis ng hindi siya nakakausap o kaya kung hindi ko nalang pa pinilit pang makausap siya edi hindi niya sana ko kailangang habulin. Edi hindi sana siya maaksidente” umiiyak na sabi ko.

“ano ka ba mish. kahit kailan hindi mo magiging kasalanan yun. Aksidente nga di ba, walang may gusto. Wag mong sinisisi yung sarili mo” sagot naman niya

--

Nang makalapag ang eroplano sa pilipinas agad kaming dumeretso sa ospital kung nasan si spade. si arden at tiffany ang inabutan naming nagbabantay dun.

“mish, bumalik ka” salubong sakin ni tiffany. Tumango tango lang ako at nilapitan kagad si spade.

“mish, hindi pa din siya nagigising eh” lumapat ang kamay ni arden sa balikat ko.

“anong sabi ng doctor?” tanong ko

“hindi kasi naka seatbelt si Andrei nung naaksidente siya kaya daw siguro mas malala yung naging damage sa ulo niya. Maliban sa mga sugat, yung sa ulo niya lang talaga yung malalang natamo niya” pagpapaliwanag ni arden.

DG II: Trapped (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon