I Lost Him

341 5 0
                                    

[Mish POV]

Tinutulungan pa din ako ni kuya shan kay spade pero pakiramdam ko lalo lang lumalayo yung loob niya.

“hello mish” sabi ni kuya shan na kasama ko ngayon. Manunuod kasi kami ng play dito sa school. Actually lahat ng royalties manunuod. Nauna lang kami.

“hello din” malungkot na bati ko

“eh bat ganyan tono mo? You want something? Just say so” sabi niya na halatang concern

“wala to’ ano ka ba, okay lang ako” sagot ko

“nakita ko si spade kanina” sabi niya. Napatingin ako sakanya pero hindi pa ko nagsasalita sumagot na siya

“papunta siya sa rooftop kasama si AC. Siya ba yung sinasabi mong babaeng mahal ng fiancée mo?” tanong pa niya

“ano bang nakita mo?” tanong ko

“uhm hila hila ni spade sa kamay si AC papunta silang rooftop. Nakita nila ko pero tumingin lang sila sakin at dumeretso” sabi pa niya. Tumayo ako at tumakbo palabas. Hindi ko na mapigilan. Mabilis akong nakarating sa parking lot at sumakay sa sasakyan ko. Nagmaneho na ko palabas ng school. I want to find a place. A perfect place to ease this pain. Hanggang sa natagpuan ko nalang yung sarili ko na huminto sa sea side.

Paglabas ko ng kotse nakasunod pala sakin yung sasakyan ni kuya shan.

“mish bakit bigla ka nalang umalis? Alam mo ba kung gaano na kalayo ang pasay sa quezon city? Hindi mo pa sinagot yung tawag ko” sabi pa niya pero bumigay na ko. Sumandal lang ako sa dibdib niya at umiyak.

“akala ko ba tutulungan mo ko para mainlove siya ulit sakin? Eh bakit walang nangyayari?” puno ng hinanakit na sabi ko. Naiinis ako, nagseselos ako, naiinggit ako. Bakit ba ganun na si spade sakin. Kung hindi niya na ko mahal sana sinabi niya na agad. Bakit ba? Gusto niya ba na nasasaktan ako? Gusto niya ba na umiiyak ako? Ganun ba kalalim yung galit niya para hindi ako mapatawad sa pang iiwan ko sakanya? Bumalik naman ako di ba.

“Sorry mish. akala ko kasi magwo-work yung pagdikit ko sayo para pagselosin siya. I’m expecting him to feel jealous and confess his true feelings about you. Hindi ko alam na ganito yung mangyayari. Im sorry” sabi niya habang yakap ako.

Inabot na kami ng paglubog ng araw pero hindi pa din ako kalmado. Ayokong umuwi. Kanina ko pa siya pinapaalis pero ayaw niya kong iwan.

“iwan mo na ko sige na” pagpipilit ko

“ayoko nga. Sabay tayong aalis dito” sagot niya. Matagal kaming nagtatalo hanggang sa nakaisip ako ng paraan para iwan niya ko.

“tatawagan ko si spade para sunduin ako. Please, mauna ka na” sabi ko at nagmamakaawang tumingin sakanya

“are you sure?” tanong pa niya. Tumango ako at wala na siyang nagawa kundi umalis. Hindi ko na matanaw yung sasakyan niya. Pumasok ako sa kotse at in-off ang phone ko kahit na may mga text akong nakita at di ko pa nababasa. Umalis ako dun at dumeretso sa isang bar. Sabi nila alak ang pampamanhid ng puso di ba. bat di ko kaya subukan ngayon? Kahit ngayon lang mawala lahat ng iniisip ko. Hindi ko na kaya eh sobrang sakit na.

--

Pumasok ako sa isang bar. Sa pinto palang rinig mo na ang ingay at hiyawan, sigawan at tawanan ng mga nasa loob. Ang daming sumasayaw ng may hawak pang alak. Yung iba nagpapaka wild na.

Ako, gusto ko lang makalimot sa problema. Dumiretso ako sa counter at umorder ng isang hard sa bar tender. Nakaka dalawang baso pa lang ako pero tumulo na yung luha ko. Parang may monitor sa harap ko at pinapakita sakin lahat ng pinagsamahan namin ni spade. simula sa valentine ball, yung 1st day of classes sa junior high, yung sabay naming pagkain sa canteen, ung unang beses ko siyang nakita sa kabilang bahay, yung paghatid sundo niya sakin, yung panliligaw niya, pangungulit hanggang sa naging kami. Spade did all his best to ease the pain inside me. Spade help me to get over with xander. Spade is my life saver and now, he’s the reason why I suffer. I lost the perfect guy who saves me.

Umorder ako ulit at mas lalong bumalong ang luha ko. Hindi ko na alam kung ilang baso na ang nainom ko. Basta ang alam ko para kong nasa cloud nine. Nabalutan na ng luha ang mga problema ko. Ang gaan sa pakiramdam. Ang saya saya ko. Nag abot ako ng cash sa bar tender sobra pa para sa bill ko. Humalo ako sa crowd at nakisayaw sa mga tao dun. Masaya lang ako pero alam ko pa din ang ginagawa ko. Nang pakiramdam ko nagsimula ng umikot ang paligid lumabas na ko at pumasok sa kotse ko.

--

Nagising ako sa liwanag. Masakit ang ulo ko kaya nasapo ko iyon. Unti unti akong nagmulat. Nakatulog pala ko sa kotse. 6 am na.

“may pasok pala ko” nagmamadali akong bumyahe pauwi sa bahay.

Nang makarating ako dun nakita kong nakaparada pa yung sasakyan ni spade. dahan dahan akong pumasok sa bahay pero wala akong nakitang tao. Pag bukas ko ng kwarto ko may lalaking nakatayo sa bintana at nakakatakot ang tingin sakin.

“san ka galing?” galit na tanong niya. Hindi agad ako nakapag salita dahil sa takot. Lumapit siya sakin at hinila ako at hinarap sa salamin. Ang gulo ng itsura ko. para kong baliw. Gusot gusot yung damit ko siguro dahil sa madaming tao sa bar kagabi. Magulo ang buhok ko at kalat na din yung mascara ko sa mata.

“now tell me mish, san ka galing at inumaga ka na? ni hindi mo man lang naisip tumawag? Bakit sino bang kasama mo? Si shan ba? Kayo na?” sunod sunod na tanong niya. Hindi pa din ako makapagsalita. Naguguluhan ako na natatakot na hindi ko maintindihan

“ay oo nga pala. Umamin siya sayo mahal ka niya. Nakita ko pa nga kayong magkayakap. So kayo na? ano mish aalis ka na ba? Sige hindi naman kita pipigilan kung aalis ka na. pero wag mo ko gawing tanga!” galit na galit na sabi niya. Napahigpit pati hawak niya sa braso ko. nanlilisik yung mata niya at takot na takot ako sa nakikita ko.

Awtomatikong umangat ang kamay ko. nasampal ko siya ng di ko sinasadya. Dun ko lang din naramdamang umiiyak na pala ko. ang bigat ng loob ko.

“nagagalit ka? Ako ba spade? hindi mo ba naisip yung nararamdaman ko? mahal kita pero anong ginagawa mo? Sinasaktan mo lang ako. Binabaliwala mo ko” tuloy tuloy lang ang luha ko. lumakas ang loob ko ngayon para sabihin sakanya ang lahat

“sinabi na sakin ni AC ang lahat. Nag tapat ka sakanya nung welcome party. Sinabi mo sakanya na humahanap ka lang ng tyempo para hiwalayan ako. Ngayon spade nakahanap ka na ng tyempo. May kasalanan ako. Pwede mo sabihin sakanila na niloko kita. Yan naman gusto mo di ba. ano? Hihiwalayan mo na ko? Sige pwede mo ng gawin yun” pagkatapos kong sabihin yun lumabas ako ng bahay at hindi na siya hinayaan pang makapagsalita.

DG II: Trapped (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon