Fragile

497 7 0
                                    

“Heart is so fragile. Once you broke it into pieces, you can never bring it back”   -nylrehs-

[Spade’s POV]

Nandito ako ngayon sa library. Hindi ko kayang kausapin si Mish dahil hanggang ngayon nasasaktan pa din ako. Pero sinundan ko siya dito. Tinitignan ko siya mula sa malayo. Pakiramdam ko bumalik kami sa highschool.

Malungkot siya, kitang kita sa mga mata niya pero tulad noon, tanging ginagawa ko lang ay magtago at tignan siya mula sa malayo. Masaktan, dahil nasasaktan siya. Ang pinag kaiba lang noon iba ang dahilan ng kalungkutan niya, ngayon ako na.

Mahal ko siya, mahal ko pa siya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nagging matigas ang puso ko. Ni hindi ko man lang siyang magawang tignan sa mata. Ni hindi ko siya kayang kausapin tulad ng dati. Masyadong malalim ang sugat na ginawa niya pero kahit ganon, ramdam ko pa din na tumitibok lang ang puso ko dahil sakanya.

“bulaga!” nagulat ako ng may magsalita sa tenga ko.

“para kang baliw timothy” oo, siya lang naman ung walang magawa dito na ganyan kalakas mag trip. Malala pa yan kay arden.

“the great steven, at your service” sabay pogi sign. Prince steven or steven tawag sakanya pero mas gusto ko yung timothy. Haha

“sinong kasama mo?” tanong ko

“syempre yung pinakamamahal ko” sagot niya. Natawa nalang ako, dahil wala namang ibang mahal yang si timothy kundi si ----

“hello Andrei” bati ng mala anghel na babae na kasama ni dustin. At yan din ung babaeng pinakamamahal ni steven. Walang iba kundi si Sophia. Kung hindi mo sila kilala mapagkakamalan mo talaga silang magkarelasyon. Hindi kasi sila magkamukha kahit na kambal sila.

“hello din Sophia, kasama mo nanaman si dustin” bati ko. tumango lang siya sabay blush. Hindi na lihim ung pagkakaron niya ng crush kay dustin, well nauna naman naming nalaman na may gusto din si dustin kay Sophia, pero wala silang balak magligawan. Haha magulo yan eh.

“ikaw naman timothy, kasama ung lovelife oh. Ano ka alalay?” asar ko. Binatukan naman niya ko

“ang gwapo ko namang alalay” natatawa niyang sagot

“oh… look who’s here” biglang may lumapit samin. Nang tignan ko si AC lang pala. Pero hindi siya nakatingin sa isa samin kundi kay mish na nasa kabilang side ng library. Nilapitan niya ito kaya naman sinundan namin

“hey miss fiancée, bakit nandito ka at wala ka dun kasama ang fiancée mo at iba pang royalties?” mataray na tanong ni AC kay mish. Napatingin lang si mish sakanya at samin na nasa likod ni AC

“hindi ko alam na nandito din kayo sa library, tsaka may kasama ako” sabi niya.

“mish, anong nagyayari?” biglang dumating si arden na may dalang libro

“siya yung kasama ko” sabi ni mish

“oh I see. So arden, anong dahilan at magkasama kayo ni mish? Ano yan? Secret affair?” nang iinis na sabi ni AC

Hindi sumagot si arden at mish. Tumayo ito at sinundan ni arden palabas ng library. Hindi ko alam pero may kakaiba akong naramdaman. Nagseselos ba ko?

[Mish POV]

“sorry kanina ha” sabi ko kay arden pag dating namin sa classroom. Kasama na din namin si tiffany, na kaya wala sa eksena kanina ay dahil sa busy siya sa meeting ng organization niya. May organization kasi siyang tinatag sa VU at layon nun ay mag bigay ng libreng pag aaral sa mga out of school youth. Every weekends pumupunta sila sa isang community para magturo. Sa ngayon limang community sa Quezon city ang pinupuntahan nila. Hinati hati niya ang mga members niya sa iba’t ibang team. Alam ko participant din dun si arden at dustin.

DG II: Trapped (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon