I will Always be Yours, Forever and More

333 6 0
                                    

[Mish POV]

Nakatayo ako sa Veranda ng may yumakap mula sa Likod ko. Humarap ako para Makita ang abot tengang ngiti ni Spade.

“bakit ang saya mo?” tanong ko

“wag ka na magtanong. Ikaw lang ang nag iisang rason” sabi niya. Natawa naman ako, korny niya haha.

“I love you” sabi ko

“I love you… and I will always be yours, forever and more” bigla niyang kinanta yung isang part ng lyrics ng ever enough by A rocket to the Moon. Ngumiti naman ako at dinugtungan yung kanta niya.

“to the push and the pull. I still drown in your love” ngumiti ako sakanya at sumabay siya sa kanta kaya duet na kaming dalawa

“and drink til I’m drunk. And All that I’ve done… is it ever enough” napangiti kami sa isa’t isa.

“Happy 3 years, 2 months and 5 days Misis MOO” nagulat ako sa sinabi niya. Kailan ba yung huling beses na binati niya ko? sa sobrang tagal hindi ko na matandaan. Nagsimulang magtubig ang mga mata ko.

“Sorry hindi kita nabati agad. Simula ng bumalik ka hindi na tayo nakakapag celebrate ng Monthsary natin eh” nakangiti pa din siya kaya niyakap ko siya

“I love you. Ang tagal na pala natin noh. Masaya ko na hindi mo pa din nakakalimutan yung araw na sinagot kita” sabi ko.

“that was the best day of my life kaya pano ko makakalimutan” humigpit ang yakap sakin ni spade.

“Hey Lovers! Mag gagala tayo, dali” sabi naman ni steven. Pinahid ko ang luha ko at sabay kaming bumaba ni spade at lumabas ng bahay.

--

“We’re Home!” sigaw ni spade na parang baliw. Kakabalik lang namin after ng 5 days vacation namin sa Cagayan. Sobrang na refresh kami ng bakasyon na yun.

“Welcome back Sir, Ma’am” nakangiting salubong samin ni manang at ni beth.

“Manang yung laman ng paper Bag na Red, pasalubong namin sainyo yan” nagpasalamat naman sila at naiwan kami ni spade sa sala

“Misis akyat na tayo. Napagod ako eh” sabi niya. Natawa nalang ako

“Oo na. Tara” papasok na ko sa kwarto ko ng hilahin niya ko sa payakap sakanya.

“Dun ka nalang sa kwarto ko” bulong niya sakin. Naramdaman kong uminit yung pisngi ko.

“Ayoko nga, hindi pa naman tayo kasal” sagot ko. pero hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko

“Hindi pa tayo kasal pero magpapakasal naman tayo. Hindi naman magbabago ang isip ko sa bagay na yun. tsaka matutulog lang naman tayo, gusto ko lang… katabi kita simula ngayon” tiwala ako kay spade at alam kong wala siyang gagawin na ayaw ko kaya nakakahiya man, nakangiti pa din akong sumama sakanya pabalik sa kwarto niya. Tabi kaming natulog, Masaya at magkayakap.

--

[Spade’s POV]

“MISH? ANDREI?” nagising kami sa malakas na sigaw. Sabay pa kaming napabalikwas ni mish. pero, mas nakakagulat yung nakita namin. Si lolo at Mommy, pati parents ni Mish. lahat sila nakatayo sa pinto at mukhang gulat na gulat. Bukod sa magkatabi kami  ni mish wala namang mali ah. Hindi kaya…

“Ma, kung ano man yang naiisip niyo hindi ganun yun” sabi ko. mukhang alam ko na kung bakit sila ganun makapag-reak.

“We’ll meet you at the Dining Area. Pakibilisan” utos naman ni lolo at lumabas na silang lahat. Nagkatinginan kami ni mish. ano bang mali?

DG II: Trapped (Complete)Where stories live. Discover now