A start of Something new

361 5 0
                                    

[Mish POV]

Mahimbing na ulit yung tulog niya. Nandito na din sila tita Helen at lolo mateo. Hinintay muna sila ng doktor bago ipinaliwanag yung sitwasyon ni spade.

“luckily, he’s awake. The bad news is… mukhang naapektuhan yung paningin niya. Hindi ko masasabing nabulag siya. Maaring nabigla lang yun dahil sa matagal na pagkakahimbing or dahil sa aksidente nanlabo ang mga paningin niya. We have vision theraphy for this cases. It takes months or years bago bumalik lahat sa normal. As of now yun lang yung nakita naming complications. Compared to other cases, maswerte ang anak niyo” sabi pa nung doktor.

Napaupo si tita Helen habang bumabalong ang luha. Kahit ako patuloy sa pag agos ang luha ko. ma-swerte pa siya, swerte nga ba yung nangyari sakanya?

(A/N: hindi po ako doctor. Business administration student po ako, so I can’t explain this case. Pero nabasa ko po sa google na Traumatic Brain Injury are most common to children and Young adults specially males. Pwede tong makuha through vehicle accidents that’s why our technology makes safety equipments like helmet and seatbelts, and safety education programs. TBI can cause to death. May mga stages din to’ which is hindi ko masyado maintindihan. And yes, meron po itong theraphy at kasali dun yung vision theraphy. Pwede kayo magtanong sa students and professionals ng medicine. Or you can read TBI article from google. That’s all. Enjoy reading)

Eksakto namang dumating ang mga magulang ko. lumapit ako sakanila para yakapin sila. Kailangan ko ng masasandalan sa mga oras na to’ at gusto kong mahanap yung comfort sa pamilya ko.

--

“hija gusto mo bang umuwi muna?” tanong sakin ni mommy.

“ayoko po. Gusto ko pong hintayin ulit na magising si spade” pilit ang ngiting sagot ko

“mish, sorry pala sa mga nasabi ko sayo” biglang nagsalita si tita Helen. Niyakap ko siya

“wag po kayo mag alala tita, naiintindihan ko kayo” naramdaman ko yung higpit ng yakap ni tita. Nang humilay siya sakin umiiyak na din siya.

“thank you hija”

“wala po yun. Tita gusto ko po sanang mag stay dito para kay spade. okay lang?” tanong ko. she just nod and smile. Then we hugged each other again.

Umalis muna sila tita to get some stuffs for me and spade. mukha daw kasing mag.i-stay pa kami ng mas matagal sa hospital.

“mish, kung ayaw mo pa talaga umuwi naiintindihan ka namin. Hindi mo man sabihin we know how much you love spade” sabi ni mommy. Niyakap ko lang siya, nahihiya pa din ako kila mommy to talk this things.

“sige anak mauuna na kami, dadalhin ko nalang mga gamit mo dito” sabi ni daddy at tumango nalang ako.

Naiwan akong mag isa. Nasa tabi lang ako ni spade at hawak yung kamay niya. Nang dumating si AC.

“mish, I didn’t know that—“ but I cut her words.

“it’s okay. Kinakalimutan ko na yun AC, hindi mo kailangang ma-ilang sakin” sabi ko.

Tumuloy na siya sa pagpasok at nilapag yung dala niyang prutas sa mesa at umupo katabi ko.

“balita ko gising na siya” sabi niya

“oo kanina. Hinihintay ko nga na magising siya ulit kaso mukhang mahimbing nanaman yung tulog niya” sagot ko. hinawakan niya ko sa kamay

“salamat ha. Salamat kasi hindi ka nagalit sakin. Ipag-ppray ko yung mabilis na recovery ni Andrei para maging Masaya na kayo” sabi naman niya. Nilapat ko din yung kamay ko sa kamay niya

DG II: Trapped (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon