Final Goodbye

368 6 0
                                    

10 th post for today :) please read HEART ATTACK. my new story :)

------------

[Mish POV]

Nagising ako dahil sa uhaw. Pero nagulat ako ng magising ako si hindi pamilyar na kwarto. Nakaramdam ako ng takot. Hindi ko kilala yung kwartong tinulugan ko. halata pang panlalaki tong kwarto at isa pa… yung damit ko! iba na yung suot ko.

Napasapo ako noo ko para isiping mabuti kung anong nangyari at nasan ako. Nakapa ko yung sugat sa kaliwang bahagi ng noo ko. may sugat din ako sa gilid ng labi at braso.

“nasan ba ko?” napasabunot na ko sa ulo ko sa kakaisip pero sumakit lang yun.

Iginala ko ang paningin ko sa buong silid at nahagip ng mata ko yung mga picture frames sa ibabaw ng isang piano. Lumapit ako at dun ko nakita yung mga… pictures ko? teka bakit may pictures ako dito?

Nagtatakang tanong ko sa sarili ko. may pictures ako dito mula elementary hanggang high school. Sa dulo nakita ko yung picture naming dalawa ni spade. kay spade bang kwarto to’? pero anong ginagawa ko dito? Nakakapagtaka pang may piano. Ni minsan hindi ako nakarinig ng tunog ng piano mula sa kwarto ni spade sa bahay. Teka, baka naman… oh my! Baka bahay nila to’ ng parents niya. Anong ginagawa ko dito?

Napabalik ako sa kama at tinignan yung paligid. Malinis at organized yung mga gamit. Gustuhin ko mang lumabas, natatakot ako. Hindi ko man matandaan kung bakit nandito ko, isa lang ang sigurado ko. may kahihiyan akong ginawa kagabi at kung bakit napadpad ako dito.

Ang alam ko lang umiinom ako sa bar. Naiinis kasi ako.

/FLASHBACK/

“mish!” bigla akong niyakap ni tiffany. Nandito ako sa VU para ayusin lahat ng dapat kong dalin sa pagbalik ko sa states.

“mish, na miss ka namin. Papasok ka na ba ulit?” tanong nila. Ipinagtaka ko yun dahil sila pa nga yung kakuntyaba ni spade sa mga gimik niya nung last day namin na magkasama.

“nagkabati na kayo? Sobrang romantic naman kasi nung ginawa ni Andrei db” sabi pa ni arden. Pilit akong ngumiti

“aalis na ko. babalik na ko sa states” lahat sila nagulat.

“pero, di ba ang saya niyo pa ni spade nung isang araw?” tanong ni steven

“yun yung last wish niya bago ako umalis. Isang araw kasama siya” pilit kong pinapasigla yung boses ko.

“mish, mamimiss ka naming. Hindi na ba magbabago yung desisyon mo?” tanong pa ni tiffany pero umiling lang ako. Napansin ko si AC. Malaki ang pinagbago ng itsura niya. Sa ayos ng mukha pati pananamit. Pero hindi pa din maalis sakin na siya ang dahilan bakit kailangan kong umalis. Napansin kong bahagya siyang ngumiti. Umiwas nalang ako ng tingin, hindi ko siya kayang ngitian. Hindi ako plastik.

“gusto mo sumabay samin mag lunch?” tanong ni Sophia. Tumango naman ako. Papunta na kami ng cafeteria ng lapitan ako ni arden

“mish, bakit hindi kayo nagkaayos?” tanong niya pero kumunot lang yung noo ko.

“iniisip kasi namin na paraan yun ni andrei para magkaayos kayo. Alam ko kung gaano ka niya ka-mahal. Pero bakit aalis ka pa din?” lalo akong naguluhan sa tanong niya.

Sa paniniwala ko kasi ginawa yun ni spade kasi gusto niyang magkaron kami ng magandang alaala bago namin talikuran ang isa’t isa. Na kahit ano pang mangyari hindi maalis samin na naging bahagi ako ng buhay niya at siya, na naging bahagi ng buhay ko. lagi kong iniisip na kaya niya hindi niya ko pinigilan sa desisyon ko kasi mahal niya na talaga si AC. Mas mahal niya na si Anastasia ngayon kesa sakin. Na isa nalang akong magandang alaala sakanya. Pero bakit ganito ngayon ang sinasabi ni arden? Hindi ko maintindihan.

DG II: Trapped (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon