Make him Jealous

380 4 0
                                    

a/n: ngayon palang alam ko sobrang damin typo. sorry >.<

[Mish POV]

Uwian na pero hindi pa din ako maka get over sa kilig ng new Royal Couple. Hanggang lunch time napuno talaga ng kantyawan ung cafeteria. Nagmukha ngang reception ng bagong kasal haha xD. Malalakas din trip ng mga tao dito eh. Nakaka inggit nga eh. Mangyayari pa kaya yun sakin? Mukhang ikakasal nalang ako na hindi ko mararanasan ung ganung proposal.

“mish” tawag sakin ng isang boses ng lalaki. Napangiti ako ng Makita ko si kuya shan.

“hello ku—I mean shan” bati ko sakanya. Sabi niya kasi wag ko na daw siya ikuya hehe

“asan yung fiancée mo?” tanong niya

“ma” sagot ko

“anong ma?” takang tanong niya

“malay ko. Umaga ko pa yun hindi nakikita eh” sabi ko

“eh? Kawawa ka naman. Tulungan nalang kasi kita bayaran sila tapos umurong kana sa kasal” sabi pa niya

“nang iinis ka? O iniinis mo ko?” pabirong tanong ko

“wala. Ikaw na nga tinutulungan, sungit” sagot naman niya

“pwede pumunta sa bahay niyo?” tanong niya. Napaisip ako sandali. Simula kasi ng tumira ako kasama ni spade sa iisang bahay, wala pa kong napapapuntang bisitang lalaki dun maliban kay arden na hanggang sa gate lang.

“oy? Hindi pwede?” tanong niya ulit

“hindi ko kasi alam eh. Baka magalit si spade” sabi ko

“bakit siya magagalit? Eh bisita mo naman ako. Tara na” he winked at me at inakbayan ako papunta sa sasakyan niya.

--

Wala pa si spade ng dumating kami sa bahay. Pinapasok ko muna siya at pinaghintay sa sala habang nagbibihis sa kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto para bumaba na nakasalubong ko sa hagdan si spade at mukhang paakyat na sa kwarto niya. Tinignan ko siya at ganun lang din naman siya sakin. Nakatingin siya sakin pero matalim na tingin. Ikinibit balikat ko yun at dumiretso na sa baba para yayaing mag dinner si Shan.

“shan! Tara dinner na tayo” pag yayaya ko

“yung fiancée mo?” tanong niya

“basta tara” sagot ko. Nang Makita ko si manang na tapos na maghain sakanya nalang ako nakisuyo na kung pwede tawagin na din si spade

Ilang minuto lang naman bumaba na si manang at sinabing magbibihis lang daw si spade. sabay sabay na kaming kumain ng dumating si spade at umupo sa pwesto niya. Tahimik ang lahat at si spade ang bumasag ng katahimikan.

“so mish sino pala yang kasama mo?” tanong niya

“si shan. Kuya nila Sophia” sagot ko

“ah ikaw pala yung sinasabi ni steven na dadating from states. Pano mo naman nakilala si mish?” tanong niya ulit

“nagkakilala kami sa states. Actually si mish talaga yung reason bakit ako umuwi ng pilipinas” sagot ni kuya shan na ikinabigla ko. Anong pinagsasasabi niya?

“ah ganun ba. Bakit? May usapan ba kayo mish?” sa tono ni spade parang normal lang na usapan yun

“sabi niya kung bibisita ako sa pilipinas pwede kami magkita. Kaso walang reason para umuwi ako eh miss ko na yung babaeng crush ko kaya umuwi na muna ko” parang wala lang kay kuya shan yung sinsabi niya.

“so crush mo si mish? Sabagay hindi kita masisisi. Maganda si mish” plain na sagot ni spade. parang kinakabahan ako sa patutunguhan ng usapan na to’ pero hindi ako makapagsalita.

“hindi lang siya maganda. Mabait pa siya. Masayahin si mish. Actually matagal din kaming magkasama sa states. Madalas ko siyang puntahan sa school niya” pagke-kwento pa ni kuya shan

“I think, you two are really good friends” sagot naman ni spade

“actually oo. I also had plans to court her kaso ayaw niya. Ngayon ko lang nalaman na may fiancée na pala siya” sabi pa ni kuya shan. Kulang nalang mabulunan ako sa sinabi niya. Hindi naman totoong ginusto niya manligaw sakin noon ah

“hindi niya nasabi sayong may fiancée siya? Sabagay ganyan talaga si mish. Madaming tinatago. Di ba mish?” nagulat ako sa tono ni spade. pakiramdam ko inaakusahan niya ko sa bagay na hindi ko naman alam. Hindi nalang ako nagsalita.

Tumayo si spade hudyat na tapos na siya sa pagkain.

“aakyat na ko. Mish, entertainin mo nalang yung bisita mo” hindi na niya kami tinapunan ng tingin at dumiretso na sa taas. Tinignan ko naman si kuya shan na ngiting ngiti pa. matapos kumain pumunta kami sa garden at dun nag usap.

“ano nanaman yung pinagsasabi mo kanina? May nalalaman ka pang I had plans to court her. Nakakainis ka” sabi ko

“nakita mo naman yung reaction niya di ba. hindi nagsasalita yun pero I’m sure he’s dying because of jealousy” natatawang sabi pa ni kuya shan

“at tuwang tuwa ka pa talaga” mataray na sabi ko

“pero mish” biglang sumeryoso yung mukha niya

“I have something to tell you but promise me walang magbabago” sabi niya pa. napakunot noo naman ako sa sinasabi niya. Isang malalim na buntong hininga bago siya nagsalita. Seryoso ang mukha niya.

“I liked you the first time we’ve met. I liked you because of your personality. Sablay lang kasi kuya tawag mo sakin. Hehe. We always hang out together when we’re on states. Then one day I realized I fell for a girl. A girl that I save once. The girl who understand me and somehow change me to be a better person. I was afraid to tell her everything until she left me. I missed her so much. I keep smiling when I hear her voice on the line but when that phone call ends I feel all the regrets in the world. I want to call her back and tell her how badly I miss her. And that I love her” seryoso siyang nakatingin sakin. Hindi ko alam pero gusto ko siyang pakinggan hanggang sa huling salitang sasabihin niya.

“and I think this is the right time and this is my last chance to voice out my feelings. I love you mish. I fell for you unintensionally” nabigla ako sa sinabi ni kuya shan pero ayoko pa ding umalis sa harap niya. May narinig akong bagay na bumagsak pero hindi ko na nakuha pang tignan kung ano yun dahil gusto kong marinig lahat ng sasabihin niya.

“I love you. I went here to see you but now that I know that you’re inlove with someone else I want to do something for you… I want to see you smile, with him. So I will help you to make him fall for you again before I leave” sabi pa niya. A tear fell from his right eyes then he flashed a smile that saying im alright.

Hinaplos ng mga salitang yun ang puso ko. Niyakap ko bsi kuya shan. Wala akong sinabi kahit isang salita pero nagpapasalamat ako na may kuya shan sa buhay ko.

DG II: Trapped (Complete)Where stories live. Discover now