A place in my Heart

326 7 0
                                    

[Mish POV]

“Mish pano pag may taning na pala yung buhay ko? iiwan mo na ba ko?” natatawa ko sa tanong ni spade habang naghihintay kami sa result ng lab test niya.

“haha wag kang mag alala. Hindi ka pa mamamatay, madami ka pa kayang kasalanan” tinignan niya ko nga masama. Nag peace sign naman ako

“joke lang mister” and the magic word, ngumiti na siya narinig lang niya yung mister. Hehe

Tawa kami ng tawa ng dumating yung doctor.

“mukhang naka recover na nga si Mr. Montenegro, ang sarap ng tawa mo. Nakakahawa” natatawa ding sabi ng doctor

“so Doc safe na po ako?” tanong niya. Binasa nung doctor yung findings

“may nararamdaman ka ba lately?” tanong sakanya ng doktor. Tinignan niya muna ko

“labas ka kaya muna misis” sinamaan ko siya ng tingin.

“sige na. please” pero matigas ulo ko kaya hindi ko siya sinunod.

“okay. Ganito po kasi, lately bigla nalang akong nahihilo o kaya biglang lumalabo yung mata ko” sabi niya. May bigla akong naalala. 3 beses naulit yung kasama ko siya at bigla nalang siyang nawawalan ng balance.

“I think you really need to under go a Vision Theraphy. Yun din kasi yung nakita dito sa test mo, but you’re safe from being disable or tendency of death in the near future. Kailangan lang talaga ng therephy para maibalik yung maayos mong paningin” sabi pa nung doctor

Ngumiti si spade at tumingin sakin. Masaya kaming umalis dun at dumeretso sa bahay kung san may nakahandang pagkain para sa recovery ni spade. thanks giving celebration din yun para sa aksidenteng nalagpasan niya at ng relasyon naming naibalik na.

--

“ano Andrei, mamamatay ka na daw?” bungad na tanong ni steven

“oo eh, ikaw nga kauna unahang mumultuhin ko” nagtawanan lahat. Baliw talaga tong dalawa na to’

“misis, may gusto sana ko ipakilala sayo eh” tumingin ako sakanya ng patanong

“mamaya dadalin kita sa naging comfort zone ko. ipapakita ko sayo yung ibang side ko. normal couples na tayo ngayon, gusto ko wala na tayong secrets, gusto ko makilala pa natin yung isa’t isa para alam natin kung paano tatanggapin yung weakness natin” sabi pa niya. Pinisil ko yung ilong niya.

“oo naman mister, yun din naman yung gusto ko”

“late na ba ko?” nagulat kami sa nagsalita. Pag lingon namin sa pinto si kuya shan at may dalang Cake

“just in time” nakangiting sagot ni spade

“magaling ka na? ingatan mo yung crush ko ha” natawa naman kami sa sinabi ni kuya shan. Para talaga siyang bata

“hey guys cake oh. Actually may iba na kong crush eh” tinawanan lang namin siya pero may sinabi siyang ikinabigla ng lahat.

“crush ko si Ms. Taray, di ba Corinne!” lahat kami napatingin kay AC. Nakita naman namin yung gulat sa mukha niya. Lumapit sakanya si kuya Shan.

“Okay lang ba kung ligawan kita?” sa sinabi ni kuya shan napahiyaw lahat. Kahit ako kinikilig sa confession na yun. Si AC naman hindi halos makagalaw at makapagsalita. Kitang kita na yung pamumula ng mukha niya.

“Corinne, boto naman ako kay kuya shan” sabi sakanya ni Arden

“Oo na yan! Oo na yan!” chant ng mga tao sa pangunguna ni Tiffany at Arden. Pati si Beth na pamangkin ni manag lisa nakiki chant na din.

DG II: Trapped (Complete)Where stories live. Discover now