He's a Total Monster

388 5 0
                                    

[Arden’s POV]

“tama na mish, ano ba kasi yung iniiyak mo?” tanong ko habang inaalo pa din siya. Actually kanina pa siya umiiyak sa school tapos nung medyo nahimasmasan na, ayaw niya na pumasok kaya dinala ko nalang siya dito sa studio ko. Ou may sarili akong studio kahit na ayaw ng magulang ko na mag focus ako sa pagsasayaw at pag kanta binigyan pa din nila ko ng studio para maging tambayan ko. Anyways, balik tayo dito kay mish. Bakit kaya siya umiiyak?

“mish ano ba kasing nangyari? Bakit bigla mo kong niyakap? Alam mo naming nandun yung fiancée mo yari tayo niyan” biro ko pero hindi pa din siya tumigil. Naka ilang words of comforting nab a ko sakanya pero wala pa din eh. Iyak pa din siya ng iyak.

“sige na nga kung ayaw mo mag salita. Dun ka na  sa kwarto ko. May maliit na room dito, dun ka muna bibili lang ako ng pagkain natin” sabi ko. Hinatid ko siya hanggang sa pinto nun at lumabas na ko para humanap ng pagkain. Tinignan ko yung phone ko na nasa bag ko. 2 missed call galing kay dustin. 5 naman galing kay tiffany. May isa ding text.

From: Corrine

Arden, wag ka munang babalik dito sa VU. Galit na galit si Andrei

Napa buntong hininga na lang ako. Inaasahan ko ng magagalit talaga siya. Fiancée niya ba naman may kayakap na iba sa harap niya. Buti nga hindi ako nasapak eh, pero siguradong pag nakita ako nun masasapak talaga ko nun. Hay nakuu mish, ano ba kasing nangyayari?!

Papasok na ko sa isang mall malapit sa studio ko ng mag ring nanaman yung phone ko.

Tiffany ellaine <3 calling…

“hello?” sagot ko

“asan ka?” sabi naman niya

“nasa studio. Bakit?” tanong ko

“huwag ka muna bumalik sa VU please mainit kasi ulo ni Andrei. Ano ba kasing nangyayari? Umalis siya bigla pero alam namin na sobrang galit siya” bakas sa boses ni tiffany yung pag aalala kaya hindi agad ako nakasagot

“hello? Arden? Jan ka pa?” tanong niya ulit

“ha? Ah ou. Ah sige mamaya nalang ulit” binaba ko na yung tawag. Bahala na nga.

Matapos kong bumili bumalik na ko at inabutan ko lang si mish na nakatulog na. hinayaan ko muna siya at lumabas muna.

--

Nakakain na ko lahat lahat tulog pa din si mish. Pinatugtog ko yung kantang pina-practice ko. Actually Korean song siya. May step na din akong naisip. Sana lang dumating ung araw na ma showcase ko yung talent ko.

(TRAP – Henry ft kyuhyun and taemin. see video at the side or the external link. I’m promoting henry lau’s song here J im a supper fan JOKE. But I do really love his song and he’s so cute also haha.)

After ng sayaw ko nagulat ako ng makarinig ako ng palakpak. At dun ko nakita si mish na nakatayo sa isang tabi at nakangiti sakin. Medyo mugto nga ung mata niya.

“kanina ka pa?” tanong ko

“ang galing mo pala sumayaw at kumanta. Korean song yan di ba” sagot naman niya

“ou. Gusto mo ng kumain?” tanong ko ulit

“ah sige. Tsaka…” napahinto ako at tumingin sakanya

“tsaka salamat pala” at binigyan niya ko ng isang ngiti. Sa tingin ko walang balak si mish magkwento, irerespeto ko nalang yun at handa akong maging kaibigan niya tuwing kailangan niya. Kaya isang ngiti nalang din ang sinukli ko sakanya.

--

Hindi agad umuwi si mish kaya inabot na din kami ng gabi sa studio. Nagpa turo lang siya ng kanta at sayaw. Gusto lang daw niya malibang. Alas siete na ng gabi ng mapansin namin ang oras. Kaya hinatid ko na siya.

DG II: Trapped (Complete)Where stories live. Discover now