Here He Comes

465 6 0
                                    

[Steven Timothy’s POV]

Well… first time haha xD

Nandito ako sa ospital kasama si dustin. Para bisitahin si arden at mailayo din siya sa mahal kong kakambal. Haha joke xD

“tita kamusta na po si arden?” tanong ko

“he’s okay now. Kaso nabalian siya sa bandang balikat. Mabuti nalang at hindi napuruhan yung ulo at spinal cord niya.” Sagot naman ng mommy ni arden

“so ano daw po ba talaga ang nangyari kay arden?” tanong naman ni dustin. Gusto kong mapa-face palm dahil sa tanong niya kaso nandun si tita baka mahalata ako. Ang talino nga ng taong toh, insensitive naman sa paligid niya, tanga pa din!

“sabi sakin ni Andrei nabugbog daw si arden ng ihatid nya si mish. Mga napadaang lasing lang daw yun kaso hindi na namukhaan ni Andrei” sagot ni tita. Sabi na eh, base sa kwento ni Sophia sakin sa totoong nangyari na sinabi sakanila ni mish, confirmed! May pagka sinungaling talaga tong Andrei na to. Kaya nagkaloko loko ang lahat ng pangyayari dahil sa pagsisinungaling niya eh.

“ah ganun po ba tita, naniniwala po ba kayo?” tanong bigla ni dustin. Gusto ko ng hilahin tong dustin na to, nasan na ba yung utak niya sa mga oras na to? Nakakainis!

“ako na yata ang pinaka magandang lalaki sa mundo—“ oops wag na ntin ituloy ringtone ko yan

“yes hello? Oh Sophia bakit? Si dustin di mo makontak wait lang” sagot ko sa tumawag

“dustin may sasabihin daw si Sophia sayo. Kanina ka pa daw niya hindi makontak” may banta ng pananakot yung tingin ko kay dustin kaya nag excuse kami kay tita at lumabas.

“matalino ka talaga noh, kaso sa mga oras na toh nawawala yung utak mo” inis kong sabi sakanya. For the first time naha-high blood ako ng todo!

“ano bang problema mo? Teka tumawag si Sophia di ba? akina kakausapin ko” sabi niya habang pilit kinukuha yung cellphone ko

“oy kuya mamaya ka na kasi may kausap ako. I miss you kuya bye” sabi ko sabay off ng phone ko.

“hindi si sophia yun?” takang tanong ni dustin

“ou, hindi! Gusto lang kitang ilabas dun, alam mo naman yung totoong nangyari bakit kailangan mo pang itanong kay tita, may pagka ewan ka din noh” inis na sabi ko

“kung hindi tayo magtatanong iisipin ni tita na wala tayong care kay arden or may alam tayo na hindi niya alam. Kaya mag pretend ka naman minsan. Ikaw ata tong tinakbuhan ng utak eh” masungit na sagot sakin ni dustin.

Ay mga malignong laman ng lupa paki tangay na po si dustin. Baka dahil sakanya mawala ang kagwapuhan ko xD

“hoy anong ginagawa niyo dito?” napatingin kami sa nagsalita. And here he comes, the monster lier spade Andrei Montenegro. Who always care only for his self. And love to make traps for people around him.

“binisita yung binugbog mo” simpleng sagot ko.

“walang alam si tita. Wag tayo dito” sabi ni Andrei

“okay lang. hindi naman natin kailangan pag usapan kung paano mo binugbog at ng mga tropa mo si arden.” Sagot ko tsaka ko na hinatak paalis si dustin

“hoy magpaalam muna tayo kay tita” sabi ni dustin

“magpaalam ka kung gusto mo, susunduin ko pa si kuya” sagot ko.

“sinong kuya?” takang tanong niya

“ilan ba kuya namin?” inis kong tanong. Hindi naman talaga ko medaling mainis eh, per okay dustin hindi ko maintindihan bat ang bigat ng dugo ko. Siguro kasi hindi ko matanggap na pag siya ang nakatuluyan ni Sophia, malalahian kami ng hindi ganun kagwapo. Haha

DG II: Trapped (Complete)Where stories live. Discover now