New Students

302 5 0
                                    

[Mish POV]

Simula nanaman ng pasukan. 1st day ng 2nd sem ngayon at Busy ang Council. Kaya yung asawa ko, ayeeh asawa haha. Ayun, di ko kasama >.<

“Miss alam mo yung Room ng BSBA II-Block A?” tinignan ko yung lalaki. Parang pamilyar siya, naka salamin kasi siya kaya hindi ko Makita ng maayos yung mukha niya.

“Uhm… Oo. Dun din klase ko. Transferee?” tanong ko

“Oo. Okay lang sabay nalang tayo?” tanong niya. Mukha namang mabait kaya…

“Sige” nakangiting sagot ko

“By the way I’m Martin Oliver Torres. Martin for short” nakangiting sabi niya at nakipag shake hands. Inabot ko yun pero natulala ako ng nakita ko yung mukha niya ng tanggalin niya ang shades na suot niya.

“Tom Torres? Ikaw yung Bida sa Teen Oriented Show di ba?” pagsisiguro ko. OMG may classmate akong artista.

“Oo, Ako nga hehe” sagot niya. Wow ang pogi niya sa personal at ang ganda ng ngiti niya.

“Bella Louie Mish Villegas nga pala. welcome to Villegas University” nakangiting sabi ko.

“Martin nalang itawag mo sakin, Yan kasi ang tawag sakin ng friends ko” wow so friends na din kami. Astig! Hehe. Tumango tango naman ako.

“So tara na Louie. Okay lang ba kung Louie nalang itawag ko sayo, astig kasi eh” aarte pa ba? Artista eh. Haha.

“okay lang” sabi ko bago kami umakyat sa Klase namin.

Pag pasok palang namin pinagtitinginan na kami. Wala pa ang mga royalties kasi nasa meeting pa ang council. Si steven nasa Gym for basketball practice. Si AC hindi ko pa nakikita.

“Wow di ba yan yung artista? Dito na ba siya?” nagsimula ng umingay ang klase pag pasok namin.

“Bakit kasama siya ni Princess Mish? ang swerte niya naman” narinig ko pang sabi ng isang babae

“Upo ka nalang kung saan mo gusto. Hindi ko pa kasi alam kung saan uupo yung bagong students eh” nakangiting sabi ko

“San ba upuan mo Princess?” tanong niya. Nahiya naman ako

“dito kaming mga royalties. Bakit princess?” tanong ko after ko ituro yung upuan ko.

“narinig ko tawag nila sayo princess mish. so prinsesa ka dito?” tanong niya. Umupo siya sa tabi ng upuan ko which is upuan ni tiffany

“ahm hindi, pero yun kasi ang tawag nila sa members ng Royalties. And… kay Tiffany yang upuan na yan hehe” sabi ko, nakakahiya mang paalisin siya pero hindi siya pwede dun noh.

“ano yung royalties?” tanong niya. Lumipat naman siya sa kabilang side ng upuan ko. gusto niya talaga seatmates kami? Anebeyen *^___^*

“ahm… yun yung mga successors ng members ng Board” sagot ko. tumango naman siya, mukhang naintindihan na din niya. Haha.

“wow, royalty ka pala. ang galing naman, may kaibigan na kong prinsesa” para siyang bata. Ang cute niya hehe *^___^*

Mabait si Martin. Ang dami niya ngang kwento eh, kaya hindi ako naboring kakahintay kay spade at sa iba pang royalties. Tapos ang gwapo pa niya haha xD. Maya maya may babaeng maganda, matangkad at mukhang model ang pumasok sa klase. Teka, siya si—

“OMG!!! SIYA SI MARGAUX SANDOVAL!! WHAAAA!!” nagtilian at sabay sabay na sabi ng mga estudyante. Napatulala ako sa ganda niya, siya nga! Si margaux! Yung sikat na sikat na model sa U.S at nabalitaan ko ngang uuwi na daw ito ng pilipinas. Hindi ako makapaniwalang sa V.U niya napiling mag-aral. WOW! Una, may artista akong kaklase. Tapos, may International Model din? WOW!! As in WOW!!

DG II: Trapped (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon