30

674K 7.6K 2.9K
                                    

ALEXA’S POV

“Eh bakit ba kasi ayaw nya kong kausapin? Parang hindi ko lang narinig yung sinabi nya nagagalit na agad! Kasalanan ko bang may sasakyang dumaan?” nakakainis naman kasi, hindi ako kinakausap ni goon dahil hindi ko narinig yung sinabi nya kahapon dun sa may park. Ayaw na nyang ulitin at kakausapin nya lang daw ako kapag natandaan ko na kung ano yung sinabi nya.

“Mahirap kasi para sa kanyang sabihin yun tapos hindi mo pinakinggan!” natatawang sabi ni Tuck. Oo si Tuck ang kausap ko ngayon at sinusundan ko sya kanina pa pero wala akong makuhang matinong sagot galing sa kanya.

“Hoy excuse me, sobrang attentive kaya ako. Hindi nga ko mapakali eh. Kasi naman magsasalita lang sya mahina pa. Eh kung nilakasan nya malamang kahit bumbero pa dumaan dun maririnig ko yun.” I rolled my eyes. Nagshrug lang sya. Wala ba talaga syang matutulong sa’kin.

“Ano bang sabi nya?” tumigil sandali si Tuck at umupo sa bench na nadaanan namin.

“Tuwing kakausapin ko kasi sya palagi na lang nyang sinasabi ‘natandaan mo na? Ano?’ tapos kapag hindi ako sumagot wala na. Imagine nagdinner kami na puro yun lang yung usapan. Ang weird nya talaga. Naiinis na ko. Akala ko pa mandin magtatapat na sya.” Bigla akong napatakip sa bibig ko. Nakakahiya, baka isipin ni Tuck na may gusto ako kay goon. No!

Napansin kong nawala ang ngiti ni Tuck at napatingin sya sa’kin. “Ewan ko sa inyong dalawa. Ano pa ba kasing iniintay nyo? Mukha namang gusto nyo ang isa’t isa.”

“What? No!” No naman talaga.

“No? Pero kung makapag-alala ka dahil hindi ka nya kinakausap wagas. Natanong mo na ba sa sarili mo kung sino si Zak para sa’yo?” natigilan ako sa sinabi nya. Bakit kelangan ko namang gawin yun?

“Hindi. Bakit sya tinanong na ba nya sa sarili nya kung sino ko for him?” I pouted.

Tumayo si Tuck at hinawakan ako sa ulo. “Hay naku lucky girl, hindi nya lang tinanong, sinabi pa nya. Hindi mo lang talaga narinig. Pero believe me, galit talaga si Zak. Kung makikita mo lang sya kagabi habang nagkukwento sa’min for sure matatakot ka. Kung gusto mong malaman kung ano yung sinabi nya, tanungin mo muna yang sarili mo.” Then he winked.

“I hate riddles just in case you wanna know kaya pwede ba diretsuhin mo na – hoy san ka pupunta?” tinalikuran nya ako at nagwave lang sya. “Wow, thank you so much!”

“Welcome and good luck!” at naglakad na nga sya palayo. Alam naman nya kung anong sinabi ni goon bakit ayaw nya pang sabihin?

Grabe ano ba kasi yung sinabi nya.

*Flashback*

 

“I think – broooom brooooooooooooom – like broooooommmmm broooooom – sa.”

 

*end of flashback*

 

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon