9

823K 8.6K 2.3K
                                    

ZAK’S POV

“Hoy! Hoy aswang wag mo ng sundan! Hoy!!!” buwisit talaga ‘tong aswang na ‘to. Ang lakas ng loob sundan yung snatcher. Ano bang magagawa nya eh ang payat-payat nya. Ugh! Kapag hindi ka nga naman talaga makakasuntok ng babae.

Susundan ko na sya ng bigla akong harangin nung babaeng nasnatchan ng bag.

“Hey.” At nakuha pa nyang ngumiti.

“Umalis ka dyan!” binigyan ko sya ng killer eye. Mukhang natakot naman sya kaya tumabi sya sa dadaanan ko.

“Where are you going?” bakit ba nakakainis ang mga babae? Tinatanong nya pa san ako pupunta? Siraulo pala talaga ‘tong babaeng ‘to eh. Kalugin ko kaya utak nito baka maalala nya.

Humarap ako sa kanya. Gusto ko na sana syang sakalin pero ayokong gawin. “San ako pupunta? Bakit hindi ka kaya tumakbo para kunin yung sarili mong bag at hindi yung ibang tao pa yung kukuha para sa’yo?”

Tumawa lang ng malakas ‘tong babaeng ‘to. Akala mo kung sinong maganda. Mukha namang manang! “Don’t worry. Wala lang naman talagang laman yun bag. May nagsabi lang sa’kin na kukunin nila yung bag and all I have to do is scream. Did I scare you?” at nagwink pa.

Anak ng – tinamaan talaga ng magaling! “Siraulo ka bang babae ka? Alam mo bang yung engot kong kasama eh hinabol yung snatcher para sa’yo tapos wala lang pala lahat?” Hinawakan ko sya sa leeg. “Nasaan yung snatcher?”

“Nasasaktan ako.” Pinipilit nyang alisin yung pagkakasakal ko sa kanya pero hindi nya kaya.

“Sasabihin mo ba o babasagin ko yang mukha mo. Alam mo naman sigurong hindi ako nagbibiro hindi ba?” hindi naman talaga ako nagbibiro. Kaya ko naman talagang manuntok ng mga katulad nito.

“Dun sa may unang eskinita bago magconvenient store.” Binitawan ko sya pagkasabi nya at bumagsak sya sa lupa. “Wooo! Very physical huh.”

Wala na kong pakialam kung anong sinabi nung panget na babaeng yun. Bakit ba kasi susundan ko pa yung aswang na yun? Hindi ba sya nag-iisip? Paano kung marami pala yung kasama. At sino namang magpaplano na sadyain ang snatchan na yun?

Kapag hindi ka nga naman makakasuntok ng babae ng di oras. Buwisit kang aswang ka! Bakit dumating ka pa sa buhay ko! Nanakbo ako at hinanap ang eskinita na sinabi nung panget na babae. May nakikita na akong convenient store sa may kanto at ang sabi nung babae bago daw magtindahan. Kaya pumasok ako sa unang eskinitang nakita ko. Medyo madilim dahil malabo ang ilaw ng mga poste.

“Sabi ng ibalik nyo yan!!!”

Sa tinis pa lang ng boses na yun alam ko na kung sino yung nasigaw. Pinuntahan ko agad kung saan nanggaling yung nakakainis na boses. Nakita kong tatlong lalaki ang kausap nya at pinapalibutan sya habang ang aswang na yun eh nasa gitna.

Hindi agad ako kumilos. Pinanood ko muna sila. Mukhang wala pa naman silang ginagawa. Nagmadali pa mandin ako. Teka, ano bang pakialam ko kung mapahamak sya? Ah, siguro nakokonsensya lang ako dahil ako nagdala sa kanya dito.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon