36

637K 7K 849
                                    

ALEXA’S POV

“Alexa, you are really amazing! Thank you for performing with us. And sorry kung hindi ka na namin isinama sa eliminations. Gusto kasi ng Skylar Vocals na sa finals ka na lang magpapakita.” Kakatapos lang namin magpractice at palabas na kami ng room. Secret practice daw kasi ‘to.

“What? Paano kung hindi kayo nakapasok ng finals? Meaning may chance pala na hindi ako makakapagperform?” my goodness. Mabuti na lang pala at nakapasok sila sa finals. Dahil kung hindi baka magcancel ng meeting ang parents ko para lang manood ng isang ordinary show.

“We’re the Skylar Vocals. Laging nasa finals.” At nagsmile pa ‘tong si Monica. Kinabahan ako dun. Una akala ko hindi na ko kasama sa performance. Yun pala ako daw ang secret weapon nila. Well medyo kinabahan naman ako bigla dahil bukas na yung performance namin.

“Kelangan nating galingan. Tatlong group ang nakapasok sa finals. Syempre ang Skylar Vocals. Power Duce yung isa pero hindi naman nating kelangang magworry sa kanila. We’re better than anyone else.” Bigla syang natahimik na parang kinakabahan. “Pero hindi ko alam kung anong gagawin ng The Pilot. Masyado silang calm at mukhang relax.” Then tumingin sya ulit sa’kin. “Anyways, as long as kasama ka namin no need to worry. So magbeauty rest ka na and see you tomorrow.”

“Sure.” Ngumiti lang ako at naiwan na akong nakatayo mag-isa dahil sa kabilang way na sya naglakad. Kinakabahan talaga ako lalo na nung sinabi nyang as long as kasama nila ko no need to worry daw. So meaning sa’kin ba nakadepende yung performance namin bukas? Ang gusto ko lang naman sana ienjoy lang dahil namiss kong magperform, namiss kong kumanta. Pero hindi naman sa ganitong way na parang competition talaga ang dating. Alam ko na somehow gusto lang ni Monica na mabigyan na naman ng new reason ang Skylar Vocals kung bakit dapat sa kanila sumali ang mga students.

Naisip ko ng kausapin ang parents ko regarding this. They need to be here tonight or tomorrow morning para makarating sila bukas on time. Kinuha ko ang phone ko and I started calling my papa. Sa isang ring palang sumagot na sya. Mukhang madami syang narereceive na calls kaya hawak nya agad ang phone nya.

[Hi there sweety. How are you? How’s school?]

“I’m good papa. So aalis na ba kayo tonight? You need to be here before 5pm. The program will start at 6:00.”

[What program?]

Ugh! Nagsisimula ng mag-init ang ulo ko. “Pa, I’m going to perform tomorrow and I want you and mom to be there. I already told mom about this!”

[Sweety, we can’t leave tonight neither tomorrow.]

“And what’s that supposed to mean?”

[Look sweety, I really wanna see you perform. You know I do, but we can’t leave tonight. Cancelled lahat ng flights dahil sa storm - ]

“Then use our plane, private jet, helicopter kahit ano!”

[Calm down. ] narinig kong nagsigh si papa. [We’ll be seeing the president of Range Productions tomorrow - ]

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon