26

711K 7.5K 975
                                    

ALEXA’S POV

“Ay naku number one ka na naman nyan for sure. Hindi ka ba nagsasawa?” naglalakad kami ni Jezhi ngayon papunta sa cafeteria. Tulad ng nasabi ko dati nagkaboyfriend lang ‘tong babaeng ‘to natuto nang kumain dun. Nagbabaon pa din naman sya tulad ng dati yun nga lang hindi na ganun kadalas. Mas feel nya kasi na si Val ang naorder para sa kanya.

May isang spot na sa cafeteria ang walang nagtatangkang umupo na kahit na sino dahil dun kami napwesto tulad ngayon. Kung sino mang mauna sa’min nila Val uupo na dun at iintayin na lang ang iba.

“Syempre nagsasawa din naman ako. Minsan nga gusto kong ibagsak na lang kaya lang di ko talaga magawa.” Kanina ko pa napapansin na lahat ng makasalubong namin eh natingin sa’kin. “Sis, anong problema ng mga tao? May dumi ba ko sa mukha?” humarap ako kay Jezhi.

Tiningnan ako ni Jezhi ng medyo matagal. “Wala namang dumi.”

I rolled my eyes. Hindi ko din alam kung bakit parang naiwas ang mga tao sa’kin o praning lang ako.

“Ah! Baka pinaguusapan ka nila!” nagulat ako sa sinabi ni Jezhi at tiningnan ko sya ng masama. “What? Kumalat lang naman na si Miss Perfect napunta sa detention, tanggap pa yun ng mga tagahanga mo. Kaya lang yung tinakot ni Zak yung ex mo naku, kumalat na terror at war freak si Zak at hindi sila makapaniwalang pinatulan mo sya. Ikaw lang daw kasi nakakatagal kumausap dun at isa pa natatakot na silang lumapit sa’yo kasi baka kung anong gawin sa kanila ni Zak.” Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi ni Jezhi.

“San mo naman napulot yang mga yan?” Kaya pala biglang nag-iba ang mga tao. Kung dati halos mangawit ang panga ko kakangiti para lang mabati din sila ngayon wala na. Wala nang napansin sa’kin. Sa isang iglap nagbago silang lahat dahil kay goon. Isang tahimik at mapayapang buhay. Sana – kaso mas gumulo nung dumating si goon eh.

“I have my sources. Hindi ata maganda sa image mo si Zak. Lumayo ka na kaya sa kanya. Game lang naman lahat di ba? And as far as I remember ayaw mo talaga sa kanya.” Wala talagang alam ‘tong si Jezhi. Hindi ko pa ba nasasabi sa kanya ang mga nangyayari sa’min ni goon? Teka, hindi ko na maalala. Nasakit lang ang ulo ko kapag nag-iisip ako. Sasabihin ko ba sa kanya? Siguro mabibigyan naman nya ko ng advices kung sasabihin ko sa kanya. Pero baka naman pagtawanan lang ako nito. Simula kasi ng maging magkaibigan kami never pa kong nagkwento sa kanya ng about boys at kapag sya naman ang nagkukwento sa’kin hindi ako nakikinig. Tss! Alam kong pagtatawanan lang talaga ko nitong babaeng ‘to.

Dumating kami sa cafeteria, ang daming tao kesa sa usual at hindi ako sanay. Nasa pinto palang kami ng makita namin sila Val. Kumaway sila sa’min at hinigit naman ako agad ni Jezhi. Nandun na silang anim, syempre kasama si goon.

Ngayon lang ulit kami magkikita simula nung nangyari kahapon sa may lake. Tsk! Teka dapat pala di ko na iniisip yung mga ganung bagay. Dadagdag lang yan sa sakit ng ulo ko.

Umupo si Jezhi sa tabi ni Val. Naiwan akong nakatayo. Katabi ni Val si Rich at Luke. Sa katapat naman nya si Trav at Tuck. Sa kabilang dulo naman si goon kaya wala akong choice kundi umupo sa kabilang dulo katapat ni goon. Nagkatinginan kami sandali at sabay din kaming umiwas. Ewan ko parang ang weird. Hindi kami naguusap. Bahala sya kung ayaw nya kong kausapin eh di wag.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon