6

796K 8.8K 1.5K
                                    

Hindi ako makahinga. Ang sakit ng ulo ko. Hindi pa ako nakakarecover sa byahe namin na yun. Pagbaba namin ng motor nasa tapat kami ng Ground Casino. Well nabasa ko lang naman yung nakasulat dito. Ang laki-laki kaya, kahit malabo ang mata mababasa pa din ‘to. Yung pasukan as in hindi mo aakalaing may casino dun sa place.

Sinundan ko lang sya habang papasok pero mabagal akong maglakad. Paano kasi nasusuka ako at nahihilo. Sobrang sakit ng ulo ko.

“HOY BILISAN MO NAMAN!” okay nakasigaw na naman sya.

Pasalamat sya wala kong energy sumigaw kung hindi patay sya sa’kin!!

Mahigpit pala dito. Hindi basta-basta pinapapasok. May parang code at password pang sinasabi sa guard. Hindi ko naman naintindihan dahil masakit nga ang ulo ko.

“Oy Zak, ang tagal mong dumating ah.” Salubong sa kanya nung isang grupo ng lalaki na mga nakaitim na tshirt. Tumingin ako sa paligid.

Teka bakit lahat dito nakaitim? Kulto ba sila? Kaya ba nya ko dinala dito dahil iaalay nya ako?

Ugh! Lalong sumasakit ang ulo ko kapag nag-iisip.

“Uy sino yang chikababe na kasama mo, pakilala mo naman sa’min.” Inakbayan nung isang lalaki si Zak. Tumingin sila sa’kin pero wala akong lakas para sumigaw.

“Believe me bro wag na sya. Mas masahol pa sa baliw sa mental yang babaeng yan eh.” umupo si Zak sa table kasama nung iba. “Mabuti magsimula na tayo.”

1 hour.

2 hours.

3 hours na at nandito pa din kami. Kinulbit ko si Zak.

“I need to go. Madami pa kong gagawin sa bahay.” Syempre mahina lang yung pagkakasabi ko pero di nya ko pinansin. “I said I need to go!” Napatigil yung mga kasama nya sa table at tumingin sa’kin.

“Sorry,” (^^)v

Ugh! Kelangan ko na talagang umuwi! Bakit nya ba ako sinama dito kung paghihintayin nya lang din ako! Nakakabuwisit.

“Zak, tara na.” syempre in a moderate voice.

“Eh di umalis ka kung gusto mo! Nakita mong naglalaro pa ko eh!” then he grinned.

Ayos din sya no? Alam nyang wala akong dalang kotse tapos ang lakas ng loob pauwiin ako. Malay ko ba kung nasaang lugar kami.

“Bahala ka aalis na ko!” tumayo ako para lumabas pero hindi sya sumagot. “Sabi ko aalis na ko!”

“Sige na! Paulit-ulit pa eh!” tapos nagsigawan yung mga kasama nya.

“Woooo! Malas ka ata ngayong gabi Zak!” tumingin sa’kin si Zak ng masama.

Oh sinabi ko bang isama nya ko dito? Malas nga ako eh, nagtanong ba sya? Siraulo din ‘tong lalaking ‘to. Buti nga sa kanya at natalo sya.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon