18

700K 8.6K 1.4K
                                    

Hello guys. I wanna thank you all! Perfect Haters got to #23 in Teen Fiction and #27 in Humor! Totally amazing. I love you all. Keep voting! Share this story to your friends on fb and twitter. And I am more than happy to read all your comments. I love y'all!

megladiolus (Mela)

***********************************

ZAK’S POV

F*&K!! Akala ko pa mandin ayos na lahat. Sino bang may sabing gusto kong sumama sa babaeng ‘to? Sasabihin ko sana na may lakad pa kami pero anong ginawa nya? Pinagtulakan ako. Iniintay ko lang na magsalita sya at pigilan akong umalis dahil niyaya ko syang kumain pa! Tss! Bakit nga naman nya sasabihin yun? Ano nga bang pakialam nya sa’kin? Malabo nga ata talaga kaming magkasundo! Paano ko makakasundo ang babaeng pinapangunahan pa ko sa mga gagawin ko at iniisip ko!

“So where are we going? Sa place ko ba or sa place mo?” kasama ko nga pala ‘tong si Natalia. Bakit ba kasi sya biglang sumusulpot! Ah, oo. Dapat pala inasahan ko nang susulpot sya bigla pero hindi sa pagkakataong nagiging magkaibigan na kami ng aswang na yun! Yung aswang na yun!! Siguro mas gusto nya talagang kasama sila Tuck! Tss! Bakit akala nya ba gusto ko din syang makasama? No way!! Mas gusto ko na lang kausapin yung motor ko kesa sa kanya.

“Hey! Are you okay? Kanina pa kita kinakausap ah!” napatigil ako ng hinawakan ako sa braso ni Natalia.

Humarap ako sa kanya at inalis ko yung kamay nya sa braso ko. “Why are you here?”

“What? Para makita ka. Hindi mo ba ko namiss?” namiss? Namiss? ANo bang pinagsasabi nitong babaeng ‘to? Halos mamatay nga ako nung nawala sya tapos tatanungin ako kung hindi ko sya namiss?

“Ano bang sinasabi mo? Tapos na tayo bakit nandito ka pa?” alam kong nagulat sya sa mga sinabi ko pero yun ang totoo. Kung kelan tahimik na ko tsaka sya ulit babalik.

“Come on Zak alam kong mahal mo pa din ako. Hindi ka nga nagkagirlfriend after we broke up.” Nilagay nya ulit yung dalawang kamay nya sa may leeg ko. Damn! She’s still pretty and sexy! Walang nagbago pero ayoko ng masaktan ulit.

“Nakamove on na ko Natalia kaya please wag mo na kong guluhin.” Inalis ko ang kamay nya at naglakad ulit.

“Nakamove on? You can’t fool me Zak. You know we still love each other and I’m here for you. I want us to be together again.” F*#K! Matapos lahat ng nangyari sasabihin nya yan? Noong halos mamatay ako yan ang iniintay kong marinig sa kanya pero ano? Wala! Wala! Hindi ‘to yung right time para malaman nyo yung kwento naming dalawa pero darating din tayo dun.

Hindi ko napigilan yung sarili ko at humarap ako sa kanya at hinawakan ko sya sa braso. Alam kong nagulat sya at hindi nya inaasahang magagawa ko yun.

“Bakit ngayon ka lang bumalik? Alam mo bang halos mamatay ako nung nawala ka! Pinaglaban kita pero ikaw anong ginawa mo? Wala! Wala kang ginawa! Kaya wag mong sasabihin sa’kin ngayon na pumunta ka dito para sa’kin para magkabalikan tayo dahil hinding-hindi na yan mangyayari!! Kung hindi nangyari noon – mas lalong hindi mangyayari ngayon! Natalia tapos na tayo!! Tapos na tayo dahil hindi mo ko naipaglaban!!” itinulak ko sya at naglakad na ng diretso. Hindi ko napansin na pabalik na pala ko sa school. Madaanan na yung motor ko at makaalis na.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon