31

638K 7.6K 1.8K
                                    

ALEXA’S POV

Nakatingin ako kina Tuck na papalayo ng bigla akong nilampasan ni goon. “HOY MAGALING NA LALAKI SAAN KA PUPUNTA?!!!!” hinawakan ko sya sa jacket nya at napaatras naman sya agad.

“AALIS!! BULAG LANG?!!” tinanggal nya yung pagkakahawak ko sa kanya.

“SUBUKAN MO LANG UMALIS TUTUKTUKAN TALAGA KITA NITONG LATA!!!” itinaas ko sa mukha nya yung hawak kong lata ng sardinas. Actually soda in can talaga ang bibilhin ko dahil balak ko babatuhin ko ‘tong goon na ‘to kapag naubos ko na yung soda. Kaya lang naubusan sa pinagbilhan ko at una kong nakita eh sardinas. Effective din naman kasi umalis agad sila Tuck. Mga nakatakot siguro.

“ANG LAKAS NG LOOB MONG KAUSAPIN AKO!! BAKIT NATATANDAAN MO NA BA? AT ISA PA BITAWAN MO NGA YANG LATA NA YAN!!!!” Napatingin ako sa hawak kong lata na nakaharap sa mukha ni goon. Fine eh di bitawan kung bitawan!

*TUGSH!!

“ARAY!!!! BAKIT MO BINITAWAN!!” sigaw nya habang nakahawak sa paa nya.

“Oh eh sabi mo bitawan ko? Madali lang naman akong kausap.” I smirked.

“SINADYA MO TALAGANG BAGSAKAN AKO NO!!! IKAW BABAE KA!!! UHHH!!!” parang nagpipigil sya ng inis.

“HOY SABI MO BITAWAN KO TAPOS REREKLA-REKLAMO KA!! KUNG MAY DAPAT MAGREKLAMO DITO AKO YUN!!!!” tinulak ko sya ng isang kamay.

“ANO?!!” parang gulong-gulo sya sa sagot ko. Wow may paganyan-ganyan pa sya ngayon. Ako naman talaga ang dapat magreklamo. Tama bang magtapat sya sa’kin na may gusto syang ibang babae sa moment na nageemote ako? AKala ko pa mandin ako na yung gusto nya. Well hindi ko naman sinabi na sabihin nyang ako, medyo umasa lang ako. Engot ko no? Assuming kasi ko masyado. Pero okay lang, kahit hindi ako ang gusto nya wala na kong magagawa. Susundin ko na lang din ang advice ni ateng maintenance.

“ANO ANO KA PA DYAN!!!” halos kumukulo ang dugo ko sa goon na ‘to. Hinampas ko sya ng malakas. “Ikaw – hindi ko alam kung anong ginawa mo sa’kin!! Hindi ka naman ganyan dati. Ikaw ang pinakamasamang nangyari sa buhay ko!! Palagi kang nagdadala ng kamalasan sa’kin!! Ayaw na kitang makita – sinusumpa ko ang araw na nandun ka sa mall!! Bakit ikaw kasi ang una kong nakita dun!! Sana si Tuck na lang o kaya si Luke o Rich o kung sino man basta hindi ikaw!! Ang kapal ng mukha mo!! Ang sama-sama na nga ng ugali mo at kung tratuhin mo pa ko parang lalaki pero wala pa din akong magawa!!! Nakakainis ka!!” Pinaghahampas ko sya sa dibdib.

“Teka! Bakit ka nanakit? Kapal mo ding sabihan ako ng mga ganyan! Akala mo ba ikaw lang? Ganyan din ang tingin ko sa’yo – ” bigla syang napatigil ng titigan ko sya ng masama.

“Sinabi ko bang magsalita ka? At oo alam ko – alam ko na hindi babae ang tingin mo sa’kin!!! Alam ko naman yun pero hindi ko pa din maintindihan ang sarili ko!! Bakit!!! Bakit!!!! Bakit ikaw pa!!! Isang siraulong basagulero bastos!! I hate you!! I hate you goon!! Forever kang goon para sa’kin!!! At kung pagsisihan ko man ang sasabihin ko ngayon okay lang dahil nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin!!” napatigil ako sandali. Ready na ba talaga ko? Parang galit na galit ako at hindi ko alam kung bakit. “Hindi ko alam kung nagbabago ka talaga o nag-iiba lang yung tingin ko sa’yo. Lahat ng ginagawa mo nagiging maganda sa paningin ko at hindi ko alam kung sinong may problema, kung ako o ikaw. Hindi ko alam kung ano ‘to at kahit hindi ako ang gusto mo – ”

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon