21

711K 7.8K 1.2K
                                    

ALEXA’S POV

May sira ba sya sa ulo? Paano naman nya nalamang hindi tama yung nararamdaman nya sa’kin? Ano bang nararamdaman yun at kelangan ko pang lumayo? Bakit ako?

Kasi nga hindi daw nya kaya!

 

So ako kaya ko ganun?

Ako na nakikipag-usap sa sarili ko. Ilang days na din akong ganito – yung kinakausap ko yung sarili ko kasi naman buwisit yung goon na yun. Hindi man lang akong hinayaang magtanong. Eh paano kung ayaw ko syang layuan kasi di ko din kaya? Well…….. if ever lang din na hindi ko kaya. Hindi ko naman sinabi na hindi ko talaga kaya. Pero sa tingin ko dahil ilang araw na kong mababaliw kakaisip eh parang hindi ko nga kaya. Wag kayong mag-isip ng iba okay. Madami lang akong unanswered questions kaya ako ganito PERIOD!

Actually ilang araw na din akong hindi sumasama kay Jezhi. Kapag nagkikita naman kami nila Tuck tamang kain lang or short conversation lang then that’s it. Kasi nga ang dami kong iniisip. Plan ko na talagang kausapin ‘tong si goon kapag nakita ko sya. KAPAG nakita ko sya! Ang problema hindi sya napasok. OA lang ng pag-iwas ang ginagawa nya? Ano ko may sakit?

My goodness goon ka! Ipapakain kita sa crocodile dahil sa pagtorture mo sa utak ko. Tinalo mo pa yung modules sa majors!

Kung sinasabi nyong wag na kong mag-isip – well ginawa ko na yan pero wala eh. Kahit sa panaginip dala-dala ko pa din. Mababaliw na ata ako. Kelangan ko ng makakausap regarding this. Sino kaya?

*TUGSH

“I’m sorry!” at ilang beses na din akong nakakabangga ng kung sino-sino dahil sa kakaisip ko.

“Are you okay? Ilang araw ka na yatang ganyan.” Napatingin ako sa nabangga ko.

O.O

“Bakit kayo magkasama?” nagulat ako ng makita ko sina Val at Jezhi na magkasama. “Kayo na ba?”

Nagtinginan pa nga ang dalawa. Ang lalandi lang ha. Talagang ngayon pa nila naisip gumanyan. Paguntugin ko sila eh.

“Wag na kayong sumagot. Wala naman akong pakialam. Dyan na kayo!” dumiretso lang ako ng paglakad at di ko na sila pinansin. Baka maglandian lang sila sa harapan ko.

Dahil hindi ko alam ang gagawin nagpunta ako sa CR. Pagpasok ko chineck ko muna ang bawat cubicle at nang maconfirm ko na walang tao bumalik ako sa sink at tumingin sa mirror.

My gosh hindi ko akalain na malaki na pala yung eyebags ko.

“Bakit ka ba nagkakaganyan Alexa? Hindi ka naman ganyan dati ah.” Hinawakan ko yung mukha ko. Mukhang pumayat ako. “Nakakainis ka talagang lalaki ka!! Sana pinagsalita mo muna ako no!! Para kong siraulo ngayon!! Oo alam kong ako lang ang ganito habang ikaw nagpapakasaya sa paglayo sa’kin. Akala ko ba ako ang lalayo? Bakit ikaw ang nawala! Kapag nakita talaga kita susuntukin kita sa mukha ng malakas! Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!” sige na ako na baliw. Alam ko namang yan ang sasabihin nyo eh. Go ahead. I can’t blame you.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon