17

696K 7.5K 1.9K
                                    

ALEXA’S POV

“So the given number will be divided to 20, or n over 20 and the remainder will be based on the first 20 units digits to be able to determine the units digits of that number.” Nasa last part na kami ng sinasagutan namin dito sa isang fast food. Dito kami nagdiretso kanina. Sabi kasi ni goon mabilis lang daw namin masasagutan ‘to kasama na yung illustrations kaya dito na lang daw kami gumawa. Malapit pa daw sa school kaya pumayag na ko.

“Yes. The given number will be the numerator and the denominator will be 20. So that’s it. Tapos na tayo.” He smirked at ininom nya ng straight yung softdrinks sa harapan nya.

Magkatapat kami ni goon sa upuan. Nagsusulat ako at nagbabasa naman sya. Nagsusulat din sya para ipakita yung solution nung ginagawa nya. After nung mga sinabi nya kanina hindi ko alam pero nakapagfocus naman kami dito sa investigation project namin na sobrang dami. Hindi din kami nagtalo or nag-away. Kung meron kaming gustong iprove papakita lang yung solution then that’s it. Alam mo yun sobrang hindi kami nag-aaway and I don’t know why.

Tulad ngayon. Nagkakahiyaan ata kaming magsalita. Nililigpit ko na ‘tong mga gamit sa table at inilalagay ko na sa bag habang sya nakatitig lang sa softdrinks. Ewan ko kung anong meron dun.

“So ipapasa na natin yan bukas? Tapos na naman di ba?” tanong nya habang nakatingin pa din sya sa softdrinks.

“Oo. Wala na naman tayong aayusin dito. Okay na naman.” Teka, kaya ba nya tinatanong dahil gagawin na namin yung sinabi nya na hindi na kami magkikita dahil lalayuan na nya ko? Anong dapat kong gawin? Grabe, ang hirap. Umamin sya na ginusto nya yung kiss so dapat may sabihin din ako.

>.>

<.<

“Ah, Zak.” Yeah, sinabi ko yung name nya sa harapan nya. Parang hindi din ako sanay. Nakakahiya. Parang pati sya nagulat. Hindi pa din sya tumingin sa’kin pero nakita ko syang ngumiti.

“Kasi ano – yung mga sinabi ko that time about sa pagliligtas mo sa’kin at nagpapasalamat ako kasi dumating ka – lahat yun totoo. Yun yung kina Zanea, Hercules at dun sa tatlong lalaki na snatcher.” Yun lang naman yung sasabihin ko pero hirap na hirap ako. Tiningnan ko sya pero nag-iba na yung facial expression nya. Nakangiti na sya ngayon tsaka tumingin sa’kin. Nagkatinginan kami pero wala pa din syang sinasabi. ANo ba? Hello mahirap manghula no!!

“Zak, tingin mo pwede tayong maging magkaibigan? Kasi di ba friend na din ang turing sa’kin nila Tuck.” What are you talking about Alexa? Tingin mo papayag yan? Good luck to you!

“Hindi talaga ko mahilig makipagkaibigan sa mga babae at alam nila Tuck yun.”

See! See! I told you! Sana hindi mo na lang kasi inopen up! Ayan, wasak ka ngayong babae ka!

“Pero tingin ko hindi ka naman mahirap maging kaibigan. Wala naman sigurong magiging problema.” Ngumiti sya sa’kin at tumingin ulit sa softdrinks.

Parang tumalon yung puso ko ng konti lang naman dahil sa sinabi nya. Bakit ganun? Friendship lang naman ang pinaguusapan pero parang napakahalaga nun sa’kin. Bakit? Dahil ba hindi ako nagkaron ng kaibigang lalaki dati pa? Hindi ko maintindihan talaga ‘tong sarili ko. Parang ayaw ko kasing lumayo sya kaya nga sinabi ko yung about dun sa pagtulong nya sa’kin sa di ko alam na dahilan.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon