16

783K 9.2K 1.5K
                                    

ALEXA’S POV

Nandito kame sa may open field nakaupo ni Jezhi at nagla-lunch.

“Maganda naman sya. Kaya lang alam mo feeling ko hindi naman tunay yung itsura nya.”

Grabe hindi ako makatulog ng ayos simula nung umuwi kami galing dun sa lugar nila manang. Hindi ko din maipaliwanag pero hindi na kami nag-away ni goon after nun. Hindi na din naman kasi nagsalita. Magkakatinginan kami tapos ngingiti sya at ngingiti din ako. Sya nagdrive pauwi tapos bumaba sya sa Ground45, nun ko lang nalaman na yung boxing gym at pub eh Ground45 ang pangalan. Tapos umuwi na ko pero nung gabi hindi ako makatulog.

“Tapos alam mo ba sis grabe pala sya kahit sino na lang makita sa party. What a slut!”

Kapag naalala ko yung kiss na yun nabilis yung tibok ng puso ko. Normal kaya ‘to? May ibig sabihin ba yung kiss? Alam ko hindi namin gusto ang isa’t isa pero nagkiss kami.

“And I saw her with another guy. Nakakatuwa na nga lang at hindi sya pinatulan ni Val kahit hindi ko pa sinasabi sa kanya kung anong klaseng babae yun.”

Pero palabas lang namin yun. Palabas lang ang lahat Alexa. Wake up! You started this game and he’s playing well. Tama, this is just a game. We need to convinced those couples na mag-asawa nga kami. Sa sobrang galing ng palabas namin napaniwala namin sila.

“Actually we were all looking for you. Alam mo na, hindi ko naman manonotice kasi we’re not classmates anymore.”

Ano bang dapat kong gawin? Itigil ko na lang ‘tong pagpapanggap namin? I mean masama si goon sa paningin ko pero bakit parang biglang nagiging maganda yung tingin ko sa kanya? Yung mga sinabi ko sa kanya that time lahat naman yun totoo. Pinagtanggol nya ko kina Zanea, kay Hercules at dun sa kunyaring nasnatchan ng bag. Kahit na masungit ako sa kanya ginawa nya pa din yun. Ugh! Mababaliw na ata ko. Kinakatok ko na ‘tong ulo ko para tumigil sa pag-iisip!

“What are you doing?”

Ugh! Alexa enough!

 

Tama hindi pa naman kami nagkikita ulit. For sure wala lang yun sa kanya. Lalo naman sa’kin no. Hello! Ako? I hate boys!

*TUGSH

“Aray Jezhi bakit mo ko pinalo sa ulo!”

“Una you’re not listening to me since we got here and second, tinutulungan kitang katokin yang ulo mo! Ano bang problema?”

Dapat ko bang sabihin sa kanya? Parang mas gusto ko na lang kausapin ang stranger eh. Grabe. Ano kayang gagawin ko?

“Wala kong problema. Meron kasi akong nakilala kahapon. Grabe hindi ko alam kung anong isasagot ko sa mga pinagsasabi nya. Alam mo na naman hindi ako experienced person when it comes to you know.” I trailed off. “Pero sabi ko sa kanya magtatanong ako ng gagawin tapos tatawagan ko na lang sya.”

Tiningnan lang ako ni Jezhi na parang hindi naniniwala sa’kin.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon