22

686K 8.4K 2.7K
                                    

ZAK’S POV

Nakita ko ulit ang babaeng kamukha ni aswang. Ah hindi, sya nga si aswang walang duda. Nakatayo sya sa upuan at nakatingin sa’kin. Dahil abala ko sa pagtingin sa kanya bigla akong ibinaba ng challenger at siniko na naman sa sikmura. Bumagsak ako sa ring at sumuka na ko ng dugo.

“HOY IKAW LALAKING MUKHANG KINGKONG KAPAG NAPAHAMAK ANG GOON NA YAN NG HINDI PA KAMI NAGKAKAUSAP TANDAAN MO IPAPAHANAP KITA AT SISIGURADUHIN KONG MABABASAG YANG PEKE MONG MUSCLES!!!!!!!” bigla akong natawa sa kanya. Alam ba nya kung nasaang lugar sya?

Dahan-dahan akong tumatayo habang pinupunasan ang dugo sa bibig ko. Napapatitig ulit ako kay aswang. Nakablack leather jacket sya. Nakakatawa ang itsura nya, ang laki nung jacket sa kanya. Teka – malaki ang jacket?

Grrrrrrrr!! Nagmadali akong tumayo at papalapit na sana sa may rehas kaya lang nahagip na naman ako ng halimaw na kumag na ‘to!

“At saan ka pupunta? Nandito ako wala dyan!” hinawakan nya ako sa balikat at bigla akong napaharap sa kanya kasabay ng isang malakas na suntok. Mukhang hindi nya inaasahang makakasuntok pa ko ng ganung katagal. Kahit ako hindi ko din alam na may lakas pa ko. Basta ang alam ko gusto kong sigawan ang limang mokong na yun!

Habang medyo hilo pa ang kalaban ko dahil sa suntok na ginawa ko lumapit ako sa may rehas malapit sa tapat nila aswang.

“Hoy kayo dyan!!” itinuro ko isa-isa sina Tuck, Rich, Val, Trav at Luke habang nakahawak ang isa kong kamay sa rehas at gusto ko ng lumabas at suntukin ang mga ‘to sa mukha. “Kaninong jacket ang suot ng babaeng yan ha? Sinong nagpahiram sa inyo!!!!!!!!” ang lakas ng loob nilang magpasuot ng jacket nila sa kanya!

Dahil kinakausap ko sila hindi ko napansin na nakarecover na pala ang kalaban ko. Naramdaman ko na lang na may humawak sa ulo ko at iniuntog sa rehas ng tatlong beses. Iuuntog pa nya sana ulit ang ulo ko pero napigilan ko. Hindi nya maidikit ang ulo ko sa rehas dahil sa pagpigil na ginagawa ko. Inabot ko ang kamay nya patalikod at mabilis ko syang hinigit papalapit sa’kin sabay tuhod sa sikmura at suntok ng malakas sa may tenga. Bastos ‘tong lalaking ‘to alam na may kinakausap pa ko istorbo.

Tumingin ulit ako sa limang kumag pero lahat sila umiwas ng tingin. Mga loko talaga! Iniinis ba nila ko? Alam naman nila kung anong mga pinagsasabi ko sa kanila kahapon nung nalasing ako tapos ganyan pa sila. Humanda talaga kayo sa’kin!

Napatingin ako bigla kay aswang. Napakainosente ng itsura nya sa jacket na yun! Hindi ko matanggap na ibang jacket pa ang sinuot nya! Nanggigigil ako!

“HOY WAG KA NGANG TUMUNGANGA LANG DYAN! KUNG GUSTO MONG MALAMAN KUNG KANINONG JACKET ‘TO SASABIHIN KO NAMAN SA’YO!!! PERO KAPAG TAPOS NA YANG LABAN MO!!!” nakapamewang pa sya. Hindi ba talaga sya marunong matakot? Nakakatagal pa syang manood ng ganitong laban. Kakaiba talaga sya. Pero teka ano nga bang ginagawa nya dito?

“Kapag ba natalo ko ‘tong kingkong na ‘to – ” sh*t ngayon ko ba dapat sabihin? Ah hindi, dito ko ba dapat sabihin?

“ANO?” parang naiinis na sya. Hindi ko alam kung dahil sa sinasabi ko o dahil sa jacket na kanina nya pa inaayos.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon