32

678K 7.1K 1.1K
                                    

A/N

Hello guys, #2 pa din tayo sa Teen Fiction at #3 na sa Humor. Thank you guys so much. Sana kahit anong flow ng story support pa din kayo palagi. I love you all. :)

<3 megladiolus

ALEXA’S POV

Napuyat ako sa kakareview kagabi ayan tuloy konti lang ang tulog ko.

Napuyat kakareview ko kakahintay ng text?

 

Excuse me, kakareview kaya.

Kaya pala magdamag mong chinecheck ang phone mo. Every minute hinahawakan mo.

 

Oh my goodness, ito ata ang effect sa’kin ng konti lang ang tulog kinakausap ang sarili. What the hell. Well half talaga ng pagkapuyat ko eh dahil sa pagrereview. Medyo maaga naman akong natapos magreview. Then the rest ano – kasi yun nga. FINE!! Oo nagiintay ako ng text ng goon na yun. Paano ba naman kasi after ng pinagawa ni prof kahapon hindi na nya ko kinausap ng matino. Si Philip ng si Philip ang kinakausap nya. Siguro bading yung goon na yun.

“Good morning miss.” Bati ng isa sa mga butlers naming si Jacobo.

“Good morning.” Wala kong energy na bati. “Hindi na ko magbe-breakfast. Late na kasi ako.”

“Okay po.” Kukunin nya sana ang mga gamit ko pero hindi ko binigay.

“I’m fine Jacobo. Hindi na ko bata.” Wag na syang makulit, badtrip ako!!

Paglabas ko ng pinto nandun na ang kotse ko at lumabas ang driver mula sa loob at iniabot sa’kin ang susi. “Good morning miss.”

Nagsmile lang ako at pumasok na sa loob ng kotse. Isang tingin na lang talaga promise. Kinuha ko ang phone ko pero bigo – wala pa ding text. Ganyan pala ang gusto mo ha. Fine! Maghanap ka ng liligawan at magboboyfriend ako as in today!!!

Nagdrive ako palabas ng makita kong may nakaharang na black Vugatti sa harapan ng gate namin. Bumusina ako pero walang nalabas. Wow! Magpapark lang dito pa sa harapan. Bumaba ako ng kotse at kinatok ko ang bintana ng Vugatti na yun.

“Excuse me bawal magpark dito!!!!” katok lang ako ng katok pero wala pa ding nagbubukas. “Ayaw mo ha! Pwes ipapasira ko yang kotse mo kahit Vugatti pa yan!!!” pabalik na ko ng kotse para kunin ang phone ko ng may biglang magsalita.

“ANG TAGAL MO NAMANG LUMABAS!!” isang familiar voice. Napatingin ako sa may gate at nakita ko syang nakatayo – si goon. “KANINA PA KO DITO ALAM MO BA YUN!!!”

Hindi ako agad nakapagsalita. Anong ginagawa nya dito? At kanina pa daw sya? Bakit? And wait – si goon nakakotse? Wow, di ba lagi syang nakabig bike.

“Titingnan mo na lang ba ko maghapon?” hindi ko napansing nasa harapan ko na pala sya. “Sakay na.”

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon