14

700K 8.3K 989
                                    

“Dun ka sa baba!”

“Eh di ikaw dun! Ako wala pang tulog ikaw meron na!”

“Kahit na! Ako naman ang gumawa ng paraan para makatulog dito no! Isa pa babae ako at lalaki ka!”

“Eh di dun ka sa kotse mo! Bakit ka pa kasi sumunod dito!”

“Hoy hindi ka din naman papapasukin dito kung mag-isa ka lang no!”

“At ikaw din! Ang arte-arte mo kung ayaw mong tumabi sa’kin dito dun ka sa bathtub matulog!”

“I hate you!”

“Good night din!”

Tumalikod ako at kinuha ko ang isa pang unan sa higaan at inilagay ko sa floor. Kung nightmare ‘to sana magising na ko. Never pumasok sa isip ko na matutulog ako sa floor. And thanks to this goon, sobrang gentleman nya.

Nagtataka kayo kung nasaan na kami no?

ONE HOUR AGO

 

“Ahhh umuulan!” nagmadali akong pumasok sa kotse at sumunod naman si goon. Walang nagsasalita sa’ming dalawa. Ang tagal bago tumila ng ulan at hindi ko alam kung kelan sya titila.

“Mukhang tindahan yung nandun sa may kanto. Baka may gamit sila para makapagpalit ng gulong.” Seryosong sabi ni goon at binuksan nya yung pintuan. Tiningnan ko lang sya habang natakbo sya papalapit sa tindahan.

Sana meron talagang nagpapalit ng gulong para makauwi na kami agad. Gutom na din kasi ako at

*Tugsh

Umuga yung kotse at nagulat ako. Parang may tumama sa bubong. Tumingin ako sa likuran pero wala kong makita dahil madilim. Tiningnan ko din si goon pero mukhang wala pang nalabas sa tindahan.

Okay Alexa, wag kang matakot. Sanga lang ng puno yun okay?

 

Paano kung hindi lang yun sanga? What if may totoong aswang at isang aswang nasa ibabaw ng kotse?

Don’t tell me naniniwala ka dun sa goon na yun? Hangin lang yun okay? Relax.

 

How can I relax? We’re in the middle of nowhere at walang nakakaalam na nandito kami.

That’s it. I’m done battling with my thoughts ng biglang gumalaw ulit yung kotse. Without any hesitation I grabbed my bag and get the car key at lumabas ako papunta kay goon.

“Oh bakit sumunod ka? Natakot ka no?” bungad ni goon paglapit ko.

Hindi ko na sya pinansin dahil pinupunasan ko ang sarili ko dahil nabasa ako ng ulan. Tumingin ako sa may kotse pero wala naman akong makita. Una dahil madalim sa pinagparadahan namin at pangalawa halos zero visibility na dahil sa lakas ng ulan.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon