8

856K 8.8K 1K
                                    

(Hello, dedicated po ang chapter na 'to kay ate sally. Hihi. :] )

*****************************************************************

Nasa labas ako ng gym dahil sobrang init sa loob. Well ventilated naman yung place kaya lang sizzling hot ang mga kasama ko dun. Mga nakatopless, ugh! Hindi ba nila alam na may babaeng nakakakita sa kanila. Siguro kung katulad pa ko nung ibang babae sa school baka nagcollapse na ko.

Teka, kelan pa ko natutong tumingin sa katawan ng lalaki? Ah hindi nga pala ko tumingin intentionally! Kaya nga nandito ako sa labas kasi ayoko ng nakikita ko. Ito ba yung sinasbi nila sa’kin na hindi naman daw siguro ako maarte? Sino bang magiinarte kapag nakakita ng 6 packs at 8 packs with toned chest and arms. Okay, nakita ko lang naman. Hindi ko sinasadya! Totoo! Eh di wag kayong maniwala. Umiwas talaga ako ng tingin.

(>_>) (<_<) (-_-) (/-\) pero wala eh kahit saan nandun sila. So kunyari pupunta lang akong powder room pero ang totoo gusto ko lang umalis. Sobrang awkward kaya. I mean hello! Sa tv at magazines ko lang nakikita ang mga ganung katawan. Malay ko bang meron pala nun sa totoong buhay. Akala ko photoshop lang mga nasa magazines eh.

O sige na, ako na ang nageexplain. Mababaliw na talaga ako kakaisip. Babalik kaya ako sa loob? O aalis na lang bigla? Hindi ba parang ang bastos naman kung bigla akong aalis. Ugh! Ano bang dapat kong gawin?

Papasok ulit sa loob pero nakatingin sa ceiling? O kaya nakayuko at ihaharang ko yung buhok ko sa mukha ko.

(-_-“) Kelan pa ko nahirapan mag-isip ng ganito para lang sa lalaki?

Bahala na nga. Papasok na lang ako ng mabilis tapos sisigaw na aalis na ko sabay takbo palabas. Sige, ganun na lang. Isang mabilis lang, kaya ko ‘to. Take a deep breath and go. Papasok na sana ulit ako sa loob ng biglang bumukas yung pinto at nagkagulatan kami. Syempre nino pa ba? Sino bang may nakakagulat na itsura sa kanila? Tama, si Zak. At parang mas nagulat sya ng makita ako.

O.O ganyan yung pagkagulat nya. Nanlaki yung mga mata nya. Mabuti na lang at nakatshirt na sya yun nga lang body fit at bakat pa din yung muscles nya.

No way! Am I really talking about Zak’s body? I am really crazy. Lalampasan ko na sana sya pero as usual hinigit na naman nya ko.

“Teka, ano ba goon bitawan mo nga ako.” Sinabi ko yan ng hindi pasigaw. Gulat kayo no? Kahit ako nagulat din ng hindi ako sumigaw. Pero dahil hindi ako sumigaw eh mukhang hindi nya ako narinig. “San mo ba ko dadalhin?!!” ayan medyo sumigaw na ko.

Binato nya sa’kin yung helmet. Is he serious? I don’t wanna wear his helmet.

“Alam mo sila Tuck ang naginvite sa’kin dito kaya pupuntahan ko na sila.” Tumalikod ako pero hinabol nya ko agad at hinigit ulit papalapit sa big bike nya. Hindi ba sya magsasalita? Anong meron at hindi ata sya sumisigaw ngayon.

“Hinding-hindi na ko sasakay sa motor na yan. Alam mo bang muntik ng mawalan ng unica hija ang parents ko last time na sumakay ako dyan and I won’t allow that to happen again! So iyo na ‘tong helmet mo!” inabot ko sa kanya yung helmet at kinuha naman nya agad pero hindi pa din talaga sya nagsasalita. Ano bang problema nitong lalaki na ‘to.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon