20

677K 8.3K 1.6K
                                    

Dahil sa madami na namang nakabasa ng last chapter at natuwa naman ako sa mga comments, heto na ang update. So sana bumoto pa din kayo lalong-lalo na magcomment. Dahil kapag natuwa ako sa votes, comments and reads mas mapapabilis lagi ang paguupdate ko. :) Share this story sa fb and twitter. Thank you. Nasa #19 and #21 pa din tayo. So sana mamaintain. And like the official fan page of Perfect Haters. Click the external link ----------->
Anyways, alam kong di na kayo makapagintay so heto na.

megladiolus (Mela)

*********************************************

ALEXA’s POV

Malapit na ko sa likod ng gym. Bahala na kung anong mangyari pero isa lang ang gusto kong gawin ngayon – ang saktan ang goon na yun oras na makita ko sya. Medyo malayo pa ko ng may makita kong lalaking nakatalikod. For sure si goon na ‘to. Sila lang naman ang natambay dito sa likod ng gym.

Syempre hindi na ko nag-aksaya ng oras. Tumakbo ako ng mabilis na akala mo wala ng bukas. Pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya tumalon ako sabay hampas ng libro sa ulo nya.

*DUGSH!

Boom! Sapul. Hindi pa yun ang huli. Pinalo ko pa ng pinalo ang ulo nya hanggang mapaluhod sya. Buti nga sa kanya. Hahampasin ko pa sana sya sa sobrang galit ko ng bigla syang nagsalita.

“Aray! Ano bang ginagawa mo?” biglang tumingin sa’kin yung lalaking nakaluhod.

O.O

“So – sorry.” I’m dead. I’m so dead. Hindi pala si goon yung nahampas ko. Bakit hindi ko ba napansin? Hindi sya nakablack leather jacket pero nakablack jacket sya – hindi nga lang leather.

“Bakit mo ko hinahampas ng libro mo ha?” galit na galit yung lalaki. Hindi ko pwedeng ipakita na natatakot ako.

“Eh bakit ka kasi nandito? Akala ko tuloy ikaw yung kaaway ko!” nakapamewang pa ko habang nakataas ang kilay.

Tumayo sya at kinuha yung book ko at inihagis sa malayo.

“Hoy bakit mo hinagis yung book ko? Hindi mo ba alam kung gano kaimportante ang libro ha?” hindi nya ko pinapakinggan. Papalapit lang sya ng papalapit sa’kin. “Dyan ka lang! Wag kang lalapit kundi sisigaw ako!!”

“Sige lang. Sumigaw ka lang. Mas gusto ko nga yun!” he gritted his teeth. Nakakatakot syang tumingin. Para syang manyak. Ah hindi manyak nga talaga sya. Oh no! Anong gagawin ko? Tumingin ako sa paligid pero wala dito sila Tuck. Bakit ngayon pa sila nawala kung kelan kelangan ko ng tulong.

Kelangan kong mag-isip ng mabilis. Anong sasabihin ko? Ugh!!!!

“Ka – kapag lumapit ka sa’kin patay ka sa boyfriend ko!!” teka sino bang boyfriend ko? Matatakot kaya sya?

Tumawa ng malakas yung lalaki. “Sige lang. Magsumbong ka lang sa kanya. Ano na lang ang gagawin nya kung tapos na ko sa’yo!” lumapit sya ulit hanggang mapasandal ako sa puno. Papalapit ng papalapit yung mukha nya sa mukha ko. Ewwwww!

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon