29

668K 8.3K 1.5K
                                    

Mabilis ang update ko ngayon so sana mabilis din ang pagcocomment at pagvote nyo. Kelangan ko ng mga comments, wag naman puro  'update please' ang icomment nyo lalo kung kakaupdate ko lang. May iba pa din naman akong stories so please understand. This chapter is dedicated to PreciousStoneee  . Enjoy this chapter and don't forget to vote, comment ng madami, follow and like our fan page. :) Share this story to your friends on fb or twitter. Hahaha. :) Thank you

<3

*megladiolus

**********************************

ALEXA’S POV

Grabe ang sakit ng mukha ko. Paano ba naman kasi nakasingit-singit pa sa rambol nila goon. Bakit kasi pinukpok ko pa yung isang lalaki ayan tuloy tumulong yung isa at imbis na pupukpukin ko din sya eh nasalag nya at tumama sa mukha ko. Nakakainis. Mabuti na lang hindi ganun kalakas. Sino ba kasi yung mga kasuntukan nila goon? May kaaway ba talaga sila? Hindi ko akalaing basagulero rin pala mga yung sila Tuck. Mga gwapong warfreak. Dapat siguro lumayo na ko sa kanila bago pa ko madamay sa away nila.

Kanina pa walang imik ‘tong goon na ‘to simula ng dumating kami dito sa park. Natrauma na ko kasi may malaki na namang soccer field. Madaming benches na maraming couples na nakaupo. Marami ring puno at may mga nakaupo din sa damuhan. Dahil puno na ang mga benches eh naglalakad kami ngayon papunta sa gitna para maupo sa damuhan. Mabuti na lang at makulilim.

Tiningnan ko si goon. Mukhang balisa sya at hindi mapakali. Okay lang kaya sya?

“May masakit ba sa’yo? Ayos ka lang ba?” tumigil ako sa harapan nya at hinawakan ko ang mukha nya. Bigla naman syang nagulat sa ginawa ko. Napatitig sya sa’kin ng ilang minuto at tsaka nagsalita.

“Ha? A – ano – okay lang ako.” Naglakad sya at nilampasan nya lang ako. Ano yun? Wala lang? Sya na nga ‘tong inaalala sya pa suplado! Tumingin ako sa kanya at nakita ko syang nakaupo na sa damuhan. Syempre sumunod naman ako at umupo din sa tabihan nya. Wala pa din syang imik at hindi ko na alam ang gagawin.

“Iniisip mo ba sila Tuck?” parang nagulat sya sa tanong ko.

“Hindi naman. Hindi lang kasi ako sanay na iwanan sila sa laban. Ngayon lang kasi nangyari ‘to.” Halata sa mukha nya na malungkot sya. Nalungkot tuloy ako. Hindi ko alam kung makokonsensya ba ako o maiinis kasi dahil ata sa’kin kung bakit umalis agad si goon.

“Bumalik ka na sa kanila. Tingnan mo kung okay lang sila Tuck. Uuwi na lang ako. Dapat kasi hindi ka na lang umalis. Hinayaan mo na lang sana ako dun.” Gusto ko nang maluha pero ayoko din naman. Hays ang hirap naman.

“Baliw ka ba talaga?! Ayokong may mangyari pa sa’yo kaya kita inilayo dun!! Tsaka kung inaakala mong mahina sila Tuck at mapapahamak sila pwes mali ka!! Malakas sila! Mahalaga sila sa’kin lalo na sa mga laban pero – pero wag ka nang magtanong o magsalita dyan!!!” humiga sya sa damuhan at inilagay sa may ulunan nya ang dalawa nyang kamay.

“Okay. Sorry. What do you want me to do then?” I pouted. Pero di naman nya ko tinitingnan. Umusod ako at lumipat ng pwesto sa may ulunan nya. Since hindi sya natingin sa’kin ako ang tumingin sa kanya. Nakaupo ako ngayon sa may ulunan nya at nakatingin sa kanya.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon