Panimula

17.4K 294 27
                                    

Panimula

Hi! I'm Sunny Merrida Song in short, Summer Song. Hindi porket ganyan yung family name ko eh may lahi na ko. I'm a pure filipino. Wag niyong mamaliitin ang lahi natin dahil you know. Minsan lang sila sumosyal kaya pagbigyan na. Ok? Hindi ako poreynjer at siguro naman malinaw pa sa transparent yung mga sinasabi ko.

Simple lang naman akong babae. Una sa lahat. Boring. Pangalawa. Boring. At panghuli. Boring. Ganyan ako i-describe ng mga kaibigan ko. Kasi naman ni minsan hindi ako nakasamang gumumik sa kanila. Wala na raw akong ginawa kundi ang humarap sa notebook at libro ko. Hay. Ewan ko ba sa kanila. Wala namang masama sa ginagawa ko 'diba?

Siguro nasanay na lang ako. Simula kasi ng mamulat ako sa reality na ang tatay ko yung nagpapakahirap para sa pag-aaral ko eh ganun na lagi yung naging goal ko. Gusto kong mag-aral ng mag-aral para kahit man lang 'yon maiganti ko sa kabutihan ng tatay ko. You see. Mahirap kami dati. Hindi katulad ngayon na nakakaangat na kami sa life. Kung papipiliin ako. Mas pipiliin ko yung dating buhay namin. Kasi naman ngayon parang hindi kami nagkakakitaan ng mga kasama ko sa bahay.

Kung sana buhay pa ang nanay ko eh di sana may kausap ako lagi. At sana laging masaya. Pero ok na yun. Masaya na siya sa heaven together with the angels of God. Nakakainggit si nanay siguro ang galing galing niya ng tumugtog ng harp. Mabait naman si tatay maalalahanin at mapagmahal, kuntento na kong siya na lang ang kasama ko kahit na minsan nakukulangan talaga siya sa oras para sa'kin.

Hindi ko naman makausap ng maayos yung kuya ko dahil ayon. Lagi na lang walang imik. Kapag dating naman sa barkada niya akala mo kung sinong napakabait. Nakakainis nga eh. Siyempre gusto ko rin ma-experience kung paano magkaroon ng tagapagtanggol na kuya. Tss. Ewan ko ba dun. Busy kasi sa pagiging sikat sa school. Araw-araw na lang yata bumabandera yung pangalan niya sa puso ng bawat babae sa school. Ano naman kayang nakita ng mga yun kay kuya? Hindi naman gwapo si kuya at isa pa walang galang sa mga babae.

Ow yeah. Ang haba na nang sinabi ko eh. Yup. I have a brother. Calyx Binth Song in short, Cabi Song. Oh diba? Parang kanta lang yung mga names namin. Yung akin pang OPM sa kanya pang KPOP.

Ano pa bang gusto niyong malaman? Ah! Alam ko na! Lovelife? Yan naman kayo eh. Gusto niyo laging pinag-uusapan yung lovelife ng isang tao. Pero sorry. Matagal na kong wala non. Simula ng saktan ako ng napakagaling kong ex. Ayun parang nagsarado na rin ang aking heartech para sa iba. Kaya kapag may magtatangkang manligaw binabasted ko agad kasi hindi ko feel. Ayoko ng maulit sa'kin yung ginawa ng ex ko. Na first love ko. At first heartbreak pa. Ang sakit 'diba? Akala ko nga wala na kong mukhang maihaharap sa iba nun eh. Kaya siguro isa rin yon sa naging dahilan ng pagsubsob sa sarili ko sa pag-aaral.

At lahat ng yon. Hindi ko naman ine-expect na mababago sa pagdating ng isang lalaking makukuha ako...

Sa isang sulyap.

--

This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or use in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidental.

DO NOT PLAGIARIZE, DISTRIBUTE AND CREATE DERIVATIVE WORKS FROM OR EXPLOIT THE CONTENTS OF THIS STORY IN ANY WAY. PLEASE OBTAIN PERMISSION.

--

Copyright © 2014 by Aicirtap Emiaj

All rights reserved

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now