Ika-dalawampu't Anim na Sulyap

1.6K 33 1
                                    

Ika-dalawampu't Anim na Sulyap

"Have you checked it already? Nandon sa e-mail mo 'yon! It's impossible na hindi mo matatanggap yung e-mail na 'yon." Sabi sa'kin ni Jennifer habang nakatutok kami parehas sa laptop ko na nakapatong dito sa kama ko. Bahagya pa kong nababangga ng bilog niyang tiyan. Yeah, I was surprised nang ibalita nila ni Kuya Cabi sa'min na buntis na si Jennifer. I can't even think about having a niece or nephew. Dito na kasi sa bahay nakatira si Jennifer but their planning to have their own house. It's been a year since nagpakasal sila. Which is, up until now hindi ako maka-move on.

And it's been 6 years na rin nang mawala ako rito sa Pinas. Kinailangan ko kasing mag-aral sa US para mas magkaron ako ng knowledge about sa pamamalakad ng company. And now that I'm back, masaya ako sa naging resulta dahil bumalik na sa dati yung status namin. We're back as the top company in the country. I can't even think na nagawa kong pataasin ulit 'to kahit na naga-aral ako at sa Skype lang ako nakaka-meeting ng board members.

Malaki rin yung naitulong ni Kuya Cabi since he's the new CEO of our company.

"Damn it Jennifer Salvador Song! Bakit kasi magse-send ka ng invitation sa e-mail pa?! Pwede namang personal. Hello! Nandito na ko sa pamamahay ko. And seriously? May jetlag pa ko then you're going to nag me about that stupid baby shower invitation of yours?" naiiling ako saka ako humiga nang maayos para kahit saglit lang I can gently close my eyes. Pansin ko pang natahimik siya bago maya-maya niyugyog niya na ko.

"Summer! Gusto ko ng manggang may ketchup!" mabilis akong napaupo saka ko kinamot yung ulo sa sobrang inis.

"Ano ba?! 'wag ako yung usigin mo. Nandon si Kuya Cabi sa baba. Sa kanya ka magpabili! O kaya kay Pau. Parating na siya 'diba?!" sumibi-sibi naman siya at parang bata na nag-tantrums. Tumayo siya saka siya lumabas. Idinabog pa nga yung pinto dahil lang hindi nasunod yung gusto niya.

"Aish! Pinaglilihian pa yata ako." Sabi ko. Tumutok naman ako ulit sa laptop ko. Nag log in sa facebook bago nag-check ng notifications. Unti-unti namang nawala yung expression sa mukha ko nang makita ko yung post ni Jhustine. Picture nila ni Nico. Mukhang masayang-masaya pa sila dahil na rin sa mga ngiti sa mukha nila.

May caption pang "Living this life to the fullest."

Bumilis yung kabog ng dibdib ko saka ako napahawak don. Nag-flashback na naman lahat sa'kin ng ginawa nila. Lahat ng pananakit nila.

"Tignan mo nga naman. Ang kakapal lang talaga ng pagmumukha nila. Kinaya pa nilang mabuhay at hindi makonsensiya pagkatapos nang ginawa nila." pagkausap ko sa sarili ko. I'm still not okay with everything. Kaya nga ako bumalik dito para gawin lahat ng sinabi ko non.

I just need to make sure that our company will be stable pagkatapos non ihahanda ko na lahat nang gagawin ko. Babalik ko lang silang dalawa sa impyernong pinanggalingan nila.

"Sistaret!" sigaw ni Paulo nang makapasok siya sa kwarto ko. Agad-agad siyang sumampa sa kama ko saka niya ko niyakap. Halos masakal na ko sa ginawa niya. Para siyang timang. Mabilis kong inalis yung braso niyang nakapalupot sa'kin saka ako umubo-ubo.

"Ano ka ba Paulo?! Papatayin mo ba ko?!" sumimangot naman siya saka niya pinitik yung noo ko. Dumaing ako saka ko 'yon nasapo.

"That hurts!" nakanganga ako habang nakapikit yung isang mata ko.

"Hindi ba tayo nagkakausap sa skype? Para kang sira! Ngayon mo lang ba ko nakita?!" ngumuso naman siya saka humiga sa gilid ko. Natawa pa ko nang mapansin ko yung dibdib niyang may nakabukol. Gosh! Seriously?! Hinawakan ko naman 'yon saka ko pinindot-pindot.

"Waaah! Summer! Ang pervert mo! Tomboy ka ba?! Bastos ka!" hinampas niya naman ako habang ako tawa ng tawa.

"Arte mo! Ampaw naman. Magsusuot ka na lang ng bra 'di mo pa ka-size." Sabay hagalpak ko ulit ng tawa. Tinulak niya naman ako sa kama saka niya hinawakan yung pulsuhan ko before pinning it to the bed. Nanlalaki pa yung mata ko nang ilapit niya yung mukha niya sa'kin.

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now