Ika-tatlongpu't Tatlong Sulyap

1.5K 33 0
                                    

Ika-tatlongpu't Tatlong Sulyap

"Is this mic on?" nakataas pa yung kilay na tanong ko habang bahagya kong hinampas-hampas 'yon matapos iabot sa'kin ni Victor yung mic. I just want to get their attention. Later on, I'll feed them a lot of information naman about the couple. So they'll benefit from me.

"Come on. Don't be like that? Why the sudden change of mood?" direkta kong tanong sa dalawa habang nakatingin sila sa'kin. Nakikita ko pa kung paano kausapin ni Jhustine si Nico. They can't stop me. They can't. Never.

"I'm just here to congratulate the both of you." Kibit balikat kong sabi habang naglalakad ako sa gitna. Malapit na ko sa table nila nang huminto ako. Talagang hindi ko inaalis yung ngiti ko dahil masaya ako. I'm so happy na sa sobrang saya ko gusto ko lahat ng baho nila ilabas ko.

"What do you—"

"I'm here to ask some questions. Nagtatampo kasi ako kung bakit, hindi niyo ko inimbitahan dito. May pinagsamahan naman tayong tatlo. 'diba?" sabi ko pa saka ako humakbang.

"Buti na lang. Erick invited me as his date. Nah, okay lang naman. I guess, busy lang kayo." Wala akong pakialam kung magpaskil man ako nang mapang-asar na mukha. I'm still beautiful. Damn. What am I saying? Focus Summer. Don't admire yourself in the middle of this.

"I'm sure the media will be glad if I ask the both of you some questions." Bumaling ako sa mga nagi-interview sa kanila.

"Right?" Tanong ko pa sa media. Maybe nasabihan na rin sila nung tatlong inutusan ko kaya alam na rin nila. Lahat ng camera nila nakatutok sa'kin.

"I have this most sincere question for you Mister Alvarez.." saglit akong huminto. His face were covered with anger and disappointment. "..do you really love Jhustine?"

Sarcastic pa siyang napangiti at napailing. Habang si Jhustine, nakatingin lang sa kanya, mukhang hinihintay din yung sagot niya.

"C'mon Nico. It's not a beaucon question. You're not even a candidate for this coming election. So, tell me, tell us your answer—"

"I do.." tinitigan niya pa ko diretso sa mga mata saka niya itinuloy yung sinasabi niya. "..I do love Jhustine. So please with all due respect President Song. I want to get this opportunity to tell you this. Stop messing with u—"

"You heard it guys? He loves Miss Montero." Bumaling naman ako kay Jhustine na ngayon e parang natatae sa kinauupuan niya. Sinenyasan ko si Simon, yung isang lalaking kausap ko at katulong ko sa pagpa-plano ng lahat ng 'to. Pumunta siya sa gawi ng operator sa likod saka niya inabot dito yung flashdrive. Tinitigan ko rin yung isang waiter saka ko siya sinenyasan na bigyan ng tubig ang halos maubusan na ng kulay sa mukhang si Jhustine.

Nagsimulang mag-play yung video. Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Jhustine saka siya gigil na dinuru-duro ako.

"No! Don't believe her! Nagsisinungaling lang yung video na 'yan! Wala! Wala siyang ebidensiya! Hindi 'yan sapat!" She's really out of her mind right now. Kitang-kita na nga nagsisinungaling pa siya. And take note, sa harap pa ng maraming tao. Damn. How can she be so stupid?

Hinintay ko lang siyang mabigyan pa ulit ng isang basong tubig bago ako ulit nagsalita. "For you Miss Montero. Sa tingin mo ba nagsisinungaling pa yung video na 'yan?" lumingon silang lahat kung saan nagpe-play yung CCTV footage ng pag-provoke na ginawa ng daddy niya sa tatay ko.

"So Miss Montero. Ano ba sa tingin mo yung tama sa mali? I'm sure you're old enough to know what's the difference between the two?" ngumisi ako. As far as this show's going, it's getting more interesting.

"So alam mo rin kung paanong hindi magloko? You know why I want to do this? Minsan na kasi akong naloko. Twice I think? At lahat ng 'yon ay dahil sa'yo. Remember Erick, yung boyfriend ko at best friend mo na inakit mo para lang maging kayo? You knew that we were in a relationship that time. Pero ang kati mo e. Sa sobrang kati mo, inagaw mo si Erick para lang magpakamot." Hindi na niya napigilan pa. Nilapitan niya pa ko pero mabuti na lang at humarang si Paulo sa harap ko.

Sa Isang SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon