Ika-labing Pitong Sulyap

1.9K 37 0
                                    

Ika-labing Pitong Sulyap

"Nico please. Tantanan mo muna ako." Sabi ko habang naglalakad ako papunta sa library. Kanina niya pa ko hindi nilulubayan. O ako lang talaga yung may sabi non. Paanong hindi niya ko lulubayan e magkasama kami sa loob ng room. Isa pa, ngayon lang niya ko kinausap.

Maybe I just want these things to be over para hindi na lumalim pa. Isa pa, nasa isip ko rin yung gustong mangyari ni Kuya Cabi. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ako naniniwala sa kanya. Sabi ko hirap na ko. Pero nandon pa rin yung belief ko na magiging okay lahat basta makinig ako sa kanya. Para akong puppet niya at ni minsan hindi ko pinangarap 'yon.

"Ano bang problema, Summer? Is your dad okay now?" umiling ako. Humarap ako sa kanya saka ako nagsalita.

"He's not okay. Kailangan niya pang mag-stay sa hospital for about a few more days. Overfatigue ang sabi ng doktor niya. I need to be there. Isa pa, I need to avoid you now Nico."

"Why?" seryoso niyang tanong sa'kin.

"Nico—"

"Why do you have to listen to him?" Seryoso akong humarap sa kanya. This is our family's problem. Bakit ba pilit niyang isinasali yung sarili niya kahit hindi naman dapat? Unti-unti akong nanlalambot sa mga seryoso niyang titig. Para akong ilang beses na pinagsasampal nang dahil lang sa mga isipin na biglang pumasok sa isip ko.

I can't be happy because I'm pretty sure. Ngayong alam na ni Kuya Cabi na susundin ko lahat ng sasabihin niya. Sasamantalahin niya na yung chance na 'yon para makipagbalikan ako kay Erick. Alam ko naman sa sarili ko na wala ng halaga si Erick sa'kin. Sinong mahalaga? Si tatay.

"Nico hindi mo kasi maiintindihan kahit anong paliwanag ko. Kaya please? Layuan mo na ko." Gusto kong umiyak. Para akong nananakit ng tao na wala namang kasalanan. Kundi sana nangyari 'yon kay tatay at hindi hiniling ni Kuya Cabi 'to para kay tatay. Okay sana kami ngayon.

"I can't do that." Umiling na lang ako. Mabuti pang umalis na lang ako kaysa magtagal pa ko rito at pilitin niya ko ng pilitin. I have no choice. Kung meron lang e bakit ko siya palalayuin sa'kin? Pero kahit anong isip ko wala pa rin. Magrebelde man ako. Wala pa ring magagawa. Mas mapapalala pa yung sitwasiyon ni tatay kapag nagkataon.

"I love you, Summer." Mahina lang 'yon pero mabilis pa sa hangin na dumating sa pandinig ko yung sinabi niyang 'yon.

"Mahal kita, Summer." Ulit niya pa. Umiling ako. Mahal? Alam niya pa ba yung sinasabi niya? Alam niya ba kung gaano kahalaga yung mga salitang 'yon para sa'kin? Hindi niya ba alam kung anong magiging epekto nun sa'kin? Damn. He's making me go crazy!

"No you don't." humarap ako sa kanya. Alangan akong ngumiti para hindi ko maipakitang nahihirapan ako sa sitwasiyon ko ngayon. It is hard to pretend but I'll do my best to make this very effective. Artista ako e. Magaling akong umarte.

"Hindi mo ko mahal Nico. Siguro naaawa ka lang sa'kin kasi you know I've been through a lot. Siguro naman nasabi na sa'yo ni Jenny 'yon. For the past few months lagi kayong magkausap 'diba? And I know you were always talking about me." Lumapit siya sa'kin hinawakan niya yung kamay ko saka niya 'yon inilapit sa bibig niya saka siya pumikit at hinalikan 'yon.

"I can always fight for you Summer. If you're scared we can face it together. I know I can't force you. But you can at least give it a try, give us a try. I really can't imagine living everyday without you, maybe I'm just used of your presence. Please Summer..give me a chance. Mahal kita. Pinipigilan mo lang yung sarili mo. I can sense it." Kinagat ko yung labi ko. Pinigilan kong maiyak. Hindi rito at hindi sa harap niya.

I don't want him to give the satisfaction to fully enter my life. Pero bakit ganito? Hindi ko yata kayang panindigan yung mga sinabi ko kanina. Matagal siyang nakapikit habang dinadama yung kamay ko sa pisngi niya.

"Alvarez!" natigilan ako. Dumilat na rin siya pero hindi niya inalis yung tingin niya sa'kin.

"Do you trust me?" natatakot ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. I know my brother will be fuming mad nang dahil sa nakita niya. His angry at Nico and I don't know kung anong pwede niyang gawin.

"Summer. Trust me." Saglit niyang hinaplos yung mukha ko saka niya hinalikan yung noo ko at ngumiti sa'kin.

"I know you do." Matapos non. Inilagay niya ko sa likod niya saka siya humarap kay Kuya Cabi. Hindi ko naman napansin na kasama niya si Erick kaya mas nadagdagan yung kaba ko.

"'diba sabi ko layuan mo na yung kapatid ko?" pigil na pigil yung sigaw ni Kuya. Kita ko sa mukha niya yung pagtitimpi. Kahit na alam kong konti na lang magkakagulo na naman dito. Oh God! This is lavish for my everyday life.

"And I still remember telling you that I won't do it." Umikom yung bibig ni Kuya Cabi ganon na rin yung kamao niya. Saka siya pagak na napatawa.

"I know you won't kaya nga nandito ako para patigilin ka na." nanlaki yung mata ko nang makita kong susuntukin na siya ni Kuya Cabi. Iniharang ko yung kamay ko na saktong napahawak sa kamay niya.

"Tabi Summer. 'wag kang mangialam dito." Hindi niya ko pinansin. Aabutin niya si Nico pero humarang ako. "Damn it! Do you even have the balls to face me?! Bakit laging yung kapatid ko yung pumipigil sa'kin para sa'yo?!"

"Kuya Cabi! Sabing tama na! Oo alam ko! Sinabi ko sa'yo na lalayuan ko siya but I never promised! Please Kuya..hayaan mo na kami ni Nico. Ayoko sa pinapagawa mo sa'kin. Please..." tuluyan na kong napaiyak. Lumapit ako sa kanya saka ko siya niyakap. "Kuya please..."

Pero imbis na tumigil siya tinabig niya ko saka niya ko tinignan ng masama. "You want me to stop and let you? Then fine. I'll stop. But I'll make sure that you will regret this. Pagkatapos nito Summer. Ipararamdam ko sa'yo kung paano mawalan ng kapatid." Tapos non tumalikod na siya para umalis.

Kapatid? Natawa ako. Marahas kong pinahid yung luha ko saka ako sumagot sa kanya.

"I won't regret this Cabi." Seryoso kong sabi pagkatapos non ay napahinto siya. "Kapatid? Matagal na kong nawalan. So don't worry. Sanay na kong walang kapatid." Humarap ako kay Nico. Patuloy pa rin ang naging pag-iyak ko. Saka niya ko hinawakan sa mukha.

"Stop it. It's hurting me, Summer." Ngumiti ako saka ako yumakap sa kanya. Sandali kaming natigil sa ganong posisyon saka ako nagsalita.

"About your question a while ago...I was thinking if we can still make this work. Maybe I'll agree." Hinarap niya yung mukha niya sa'kin habang nakakunot yung noo niya.

"What do you mean?" ngumiti ako. Wala akong pagdadalawang isip na hapitin siya sa batok saka ko inilapit yung bibig niya sa bibig ko. Ilang segundo rin 'yon. Pagkatapos non ay hinapit niya naman yung baywang ko at idinikit yung noo niya sa noo ko.

"That's what it means Nico." Ngumiti siya. Naramdaman ko pang hinigpitan niya pa yung pagkakahapit sa baywang ko.

"I want to hear it Summer."

Inirapan ko siya. Itutulak ko sana siya pero mabilis niyang inagapan yung kamay ko ng isa niyang kamay.

"Say it." He whispered.

"I love you too Nico."

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now