Ika-tatlongpu't Walong Sulyap

1.6K 36 1
                                    

Ika-tatlongpu't Walong Sulyap

"Summer." Sunud-sunod na paglunok yung ginawa ko. Bakit ba ko kinakabahan ng ganito? Kaya nga ako pumunta rito para mag-sorry sa kanya. Bakit ba kasi ako magso-sorry? It's not even my fault. Seryoso siyang tumingin sa'kin. Hindi niya inaalis 'yon habang lumalakad siya papunta sa harap ng table niya at nag-half sit pa ron. Kinagat-kagat ko yung labi ko.

Hindi ko naman siya matitigan ng diretso dahil sa bwisit na kabang nararamdaman ko.

"Anong kailangan mo President Song?" I repeatedly stomped my right foot sa sahig. Ibiniling-biling ko rin yung ulo ko saka ako lakas loob na humarap sa kanya.

"Ahm. Kasi.." Damn it Summer!

Mas lalo pang lumakas yung kabog ng dibdib ko nang marinig kong nagpakawala siya ng mabigat na hininga. Hindi kasi ako sanay. Hindi niya ba alam 'yon? I mean the Nico that I used to know is not like this. Yung Nico na nakilala ko, hindi ganito kaseryoso. He's not even like this hot. Na masandal lang siya ng bahagya at mag-luwag lang siya ng necktie niya pagpapawisan ka na ng butil-butil.

God Summer! What are you thinking?!

"Sunny Merrida Song." Mariin pa kong napapikit at para akong timang na biglang napatayo at nanigas saka ko tuluy-tuloy na sinabi yung pakay ko.

"Would you like to go on a date with me?" mabilis kong sabi and I know he didn't understand even a single word from it. Paulit-ulit kong kinagat yung labi ko saka ko binukas yung isang mata ko at tinignan yung reaksiyon niya.

Seriously?! Ang hirap-hirap magsalita nang ganon tapos kunot noo lang yung isasagot niya. Hindi niya ba alam na kahit ganon ang gwapo pa rin niyang tignan? He's freaking distracting me in and out! In, dahil wala na kong maisip na gagawin para bawiin pa yung sinabi ko. Out, hindi ko alam kung tama ba yung naging reaksiyon kong magmukhang highschool student na nagpapa-cute sa crush niya.

Tumayo siya bago siya dahan-dahang naglakad papunta sa harap ko at hinawakan yung kamay ko.

"I didn't catch that. What do you really want, Summer?" sumimangot ako. Naiinis na kasi ako. Ang hirap-hirap naman kasi nito. Hindi ko ba alam kung bakit ko sinu-sunod ngayon yung "advice" ni Jennifer kanina.

"Kasi Nico..mukhang ano..mukhang galit ka kanina—" humalakhak siya hindi pa man natatapos yung sinasabi ko. Talagang halakhak ha. At hindi man lang ako pinatapos. May sapi ba siya? Was he possessed by a devil? Or by a crazy soul? Damn he's scaring the shit out of me.

"You went all the way here just to tell me that and clarify if I'm mad or not?" ngumuso ako saka ko siya tinulak palayo sa'kin.

"Nakakainis ka naman! Nagpunta ako rito para mag-sorry tas tatawanan mo lang ako! Sana hindi ko na lang sinunod yung sinabi ni Jennifer!" naghihimutok yung loob ko. Iiling-iling pa kong lumakad na palabas. Dapat talaga 'di na ko nagpunta rito!

"Ano bang ginagawa mo Summer?! He's not even your boyfriend!" inis kong sabi sa sarili ko. Alam kong may nakakapansin sa'kin kaya saglit akong tumikhim at taas noong naglakad. Dapat hindi ako umaasta ng ganito dahil yung iba rito kilala ako.

"Summer!" tinakpan ko yung tenga ko saka ako nagmadaling maglakad.

"Summer wait!" Sige pa sumigaw ka pa! Hindi naman ako ang mapapahiya rito. Ikaw! Kaya sige lang okay lang! Hindi ko naman pagma-mayari yung building na 'to!

Tuluy-tuloy lang akong naglakad pero wala pa rin. Inabutan pa rin ako ng lalaking dahilan kung bakit buong araw na kong gumuho at napahiya.

"Where do you think you're going?" iniiwas ko yung tingin ko sa kanya.

"Aalis na." ngumisi naman siya't umiling saka niya hinawakan yung kamay ko.

"You went here to apologize. Bakit hindi mo patunayang nagsisisi ka talaga sa ginawa mo sa'kin? I controlled the urge of punching that Erick this morning kasi ayoko na ng gulo." hindi ko alam kung may sakit na ba talaga ang isang 'to. Kanina lang nakangisi ngayon seryoso na naman yung mukha niya.

Sa Isang SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon