Ika-tatlongpu't Pitong Sulyap

1.6K 39 0
                                    

Ika-tatlongpu't Pitong Sulyap

"It was all just a dream Summer! Wake up!"

Dream?! What kind of dream is that?!

"Hindi pwede! Gusto ko pang matulog! Pinutol mo e! Nandon na sa part na magki-kiss si Majinboo at si Piccolo why do you have to ruin such a precious dream?!" binatuhan niya naman ako ng unan saka siya umalis sa kama ko at nakapamaywang na humarap sa'kin.

"Oh great Summer! How can I picture that gross dream of yours?! Baka mamaya makasama pa sa magiging pamangkin mo yung mga pinagsasasabi mo! Wala kang awa! You're stressing me out these days. Alam mo ba 'yon?!" pumalatak ako ng pumalatak. Why do I always have to wake up like this? Lagi na lang bitin yung pagtulog ko? Simula yata nang bumalik ako rito hindi na ko nakatulog ng maayos.

"Gusto ko sana maging okay yang magiging anak mo. Ayaw mo ba non? Magiging kamukha siya ni Piccolo? Matangkad, payat, kulay green at mataas at eto pa. mukhang tipaklong. 'diba? O kaya man si Majinboo. Fluffy, pinkish ang balat, mahilig sa chocolates and lastly mukhang sumo wrestler. O saan ka? Pili ka na. Bargain na lang ang price--aray!" I am actually having a headache tapos babatukan niya ko ng ganoon kalakas. Halos sumubsob na ko ah!

Bakit kasi maglilihi mukhang ako pa yung pinagbalingan. Hindi ba pwedeng si Kuya Cabi na lang? I'm sure nasa office si Kuya Cabi. Nasabi kasi netong buntis na 'to na may urgent meeting dahil na rin sa mga VIP na magche-check in sa hotel for four days. Kliyente rin ng company namin 'yon alam ko e.

"Ang sama-sama mo kamo! Kapag eto naging kamukha nila ikaw ang sisisihin ko!" I make faces saka ko siya inirapan bago ako tumayo na. Kinamot ko pa yung ulo ko saka ako dumiretso sa banyo. I brushed my teeth then took a shower after. Saka ako lumabas na.

"Where are you going?" napahinto ako saka ako sumandal sa pinto ng walk-in-closet ko.

"The monster inside my tummy is growling. I need to feed them." Sabi ko kay Jennifer. Sinundan niya naman ako at nag-cling pa sa braso ko na parang batang nagtata-talon. Huminto ako saglit saka ako nakasimangot na tumitig sa kanya.

"Could you please stop jumping?! Para kang hindi buntis. Gusto mo bang malaglag yang pamangkin ko?!" nag-pout pa siya at nag-puppy eyes. Kahit na naiinis ako. Ilang higop at buga na lang nang hininga yung ginawa ko. Kailangan ko siyang intindihin. She's pregnant. Ganyan talaga yung mga buntis. Pero ibang klaseng buntis ang isang 'to. Galing mang-stress ng ibang tao.

Sabi na nga ba. Dapat hindi sila yung nagkatuluyan ni Kuya Cabi. They are both good of stressing me out at eto. They joined forces pa. Kaya mas lalo akong nas-stress.

"Sorry na." hinigit ko naman yung braso ko sa kamay niya saka ako nagpatuloy sa pagbaba.

"Kakainis ka naman diyan bestfriend! Parang ikaw yung naglilihi! Ikaw pang masungit! O baka naman may dalaw ka? Ang sungit-sungit mo e." Hindi ko na pinansin 'yon at nag-diretso na sa dining area kung saan inilalabas na ng mga maid yung kakainin namin.

"Eat your breakfast. Sabayan mo na ko. Where's Pau? 'diba dapat nandito na siya ngayon?" sabi ko pa. nagkibit balikat naman siya pero nakanguso pa rin. Nagtatampo pa yata.

"Jenny! Ano ba! Stop doing that. Okay? Kailangan kong pumasok sa office. O ikaw lang ang maiiwan dito. 'pag alis ko at wala pa si Pau hintayin mo na lang okay? I need to finish some papers." Inirapan niya ko. Kumuha pa siya ng white bread at inilagay sa plato niya. Kinuha niya na rin yung manggang lagi niyang pinapa-peel saka siya naglagay ng ketchup at mayonnaise sa plato niya.

Ibang klase. Ganito ba talaga kapag naglilihi? I will never eat foods like that.

"Kasi naman e. Lagi na lang kayong umaalis." Huminto ako. Binaba ko naman yung kutsara't tinidor ko saka ko siya tinignan.

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now