Ika-dalawampu't Limang Sulyap

1.6K 32 0
                                    

Ika-dalawampu't Limang Sulyap

"Condolence, Hija. Be strong. Okay?" Sabi sa'kin ng isang lalaking naka-suit saka niya ko niyakap. Nagta-trabaho siya sa company nila tatay. He's one of the board members as far as I remember. Tipid akong ngumiti sa kanya saka ako nagpasalamat.

Nasa sementeryo kami. This is my father's burial ceremony. Akala ko rin nung una. Akala ko nung una panaginip lang lahat. Na magigising din ako. Tapos may makikita akong tatay ko na gigising at maglalambing sa'kin, na iintindi sa lahat ng pagkakamali ko. Yung hindi ako iiwan at ipagtatanggol ako.

Kahit ako yung mali ako yung kinakampihan niya. Ang biglaan naman kasi nito. Yung biglaan niyang pagkamatay. To think na nakita pa namin siya that morning. Tapos wala na pala. Wala na pala kaming tatay na uuwian ni Kuya Cabi.

"Sistaret." Malungkot na tawag sa'kin ni Paulo. Suot ko yung cardigan kong itim kaya kahit na umihip yung malakas at malamig na hangin it's going to be fine. Kahit nga umulan at wala akong cardigan na 'to hindi pa rin ako aalis dito hanggang sa mawalan ng tao. Because I want to stay with Tatay. I want to stay with him.

"Pau.." hindi ko na naman napigilang tumulo yung luha ko. Dali-dali niya naman akong niyakap. I was thinking about going somewhere after this day. Gusto ko munang makalimot. Halos sinunod-sunod e. Hindi naman sa nagtataka o kinukwestiyon ko lahat ng nangyayari sa'kin. Pero this is all too much for me.

"Hm. Tama na 'yan. Nandito lang kami ni Jennifer. Hindi ka naman namin iiwan o. We're your bestfriends. Bestfriends forever tayong tatlo 'diba?" tumango ako. Lumayo ako sa kanya saka ako bumaling kay Jennifer na nasa tabi ni Kuya Cabi at nakatingin lang sa'min.

"Friend." She spread her arms para lang lumapit ako at yakapin siya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Ngayon ko sila kailangan 'diba? Ngayon sila na nandito.

"I love you. Oki?" sabi pa niya bago sila nagpaalam sa'kin.

"Summer, ihahatid ko lang sila." Tumango ako kay Kuya Cabi. Bumaling naman ako kay Erick na nakatayo sa harap ko. Matipid siyang ngumiti. May lungkot sa mga mata niya at alam kong para sa akin iyon. Napailing pa ko't malungkot na napangiti. Hindi na ko tumanggi nang yakapin niya ko. Hinaplos niya pa yung buhok ko saka ako napapikit ng mariin.

"I promise Summer. Aalamin ko kung anong totoong nangyari. May kinalaman si Jhustine rito. And I'm sure that she was the on—" marahas akong lumayo sa kanya. Padabog ko ring pinahid yung luha ko saka ako pagak na natawa.

"Hindi lang naman ikaw. Hindi lang ikaw yung may suspetiya. Ako rin. Jhustine ruined my life. She did everything just to get what she wanted. Ngayon, ngayon na wala na si tatay. Ngayong kailangan na naming lumaban mag-isa. Sisiguraduhin kong siya naman yung babagsak. I'll do everything Erick. I'll do everything just to make her pay. Pagbabayaran niya lahat nang ginawa niya. Even that Nico!" galit kong naikuyom yung kamao ko.

Hindi ko 'to sinasabi dahil namatay lang si tatay. Sinasabi ko 'to para mabigyan siya ng hustisya. He died because of cardiac arrest? Sinong tanga yung maniniwala ron? Oo. Siguro nga cardiac arrest pero hindi ako tanga para isiping iyon lang yung nangyari. He was provoked by someone. Ang kailangan ko lang alamin ay kung sinong inutusan ni Jhustine para gawin 'to.

"I'm at your side Summer but I want you to know your limitations." Mariin akong napapikit.

"Limitations? They killed my father, Erick. They crossed over the line. Tapos sasabihin mong know my limitations?" nanahimik siya. Saka niya ipinikit yung mata niya at kinusot ng middle finger niya at thumb niya 'yon.

"Okay. If you need help. You know that I'm always in. I need to go now." Tumango ako. Saka isa pang yakap yung binigay niya sa'kin at tuluyan na siya umalis. Inilibot ko yung paningin ko. Ako na lang mag-isa yung nandito but I heard a sudden sound near me. Kaluskos sa mga damo.

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now