Unang Sulyap

9.4K 133 7
                                    

Unang Sulyap

Summer Song’s POV

“Sige na, Summer! Minsan ka lang namin makasama tapos tatanggihan mo pa.” bumuntong hininga ako. Kasalukuyan kong nililigpit yung mga gamit ko ngayon dahil tapos na yung klase. That means, wala ng silbi kung mags-stay pa ko rito sa school kung wala naman nang mapaga-aralan. Kaso eto sila. Nangungulit na naman. Ilang beses na ba nila akong pinipilit na sumama sa kanila sa galaan at ilang beses ko na rin silang tinanggihan? Hindi pa ba sila nagsasawa?

“Hindi nga pwede, Pau. Magre-review pa ko para sa long test bukas. Bakit kasi hindi niyo na lang subukang mag-aral. Baka sakaling magkaron kayo ng isasagot bukas ‘diba? Hindi yung asa kayo ng asa sa’kin.” Kinuha ko naman yung bag ko at libro ko bago lumabas na ng room.

“Ang sama mo naman, Summer! Minsan lang kaya kami umasa sa’yo!” napairap ako paitaas saka umiling. Huminto muna ako sa tapat ng locker ko saka ko nilagay yung mga librong hindi ko naman gagamitin pa.

“Oo nga ‘no Jenny? Minsan lang. Kasi minsan lang tayo mag-quiz, mag-long quiz at mag-periodical test. Tama ba?” Sinarado ko naman ulit yung locker ko saka nagpatuloy na sa paglalakad. Patuloy naman nila akong sinusundan. Hindi yata sila titigil hangga’t hindi ako napapapayag. Humarap ako sa kanila habang hawak hawak ko yung strap ng bag ko.

“Ano? Hanggang sa bahay ba susundan niyo pa ko? Bahala kayo. Kayo rin oras na pumasok kayo ron hindi na kayo makakalabas. Alam niyo naman sigurong nagpa-patrol yung mga guard sa buong bahay at alam nila yung oras ng curfew don. Baka mamaya sa kapipilit niyo sa’kin gabihin kayo tas hindi na kayo makalabas.” Tumalikod ako saka ngumisi.

I know them. Ang isang Paulo De Guzman a.k.a Pau, na isang baklang mahilig sa gala at shopping, at ang isang Jennifer Salavador a.k.a Jenny, na isang babaeng mahilig sa night life. Well, that’s my friends. Wala naman akong magagawa dahil sila lang yung may ganang makipag-kaibigan sa’kin.

“OMG, Pau! Tama siya. Paano na lang tayo makalalabas mamaya kung nakakulong tayo sa bartolinang bahay nila Summer? Hindi tayo makakapag-boy hunting. Paano ko na lang mapapalitan si Cabi Song?” ngumisi ako. Sakto namang makakasalubong ko si Kuya kasama yung mga barkada niya.

“Ay oo nga sistaret! Paano na lang kung tuluyan na siyang hindi makaalis sa puso mo? Eh ‘di ako naman yung nawalan?” patuloy pa rin sila sa kadadaldal sa likod ko. Habang yung kuya kong presko. Haring-hari na naman yung lakad. Palibhasa kilala rin siya sa school dahil sa galing niyang mag-soccer. Napangiwi ako nang titigan niya ko at huminto siya sa harap ko. Ganun din yung ginawa ko.

Iiwasan ko na dapat eh, bakit kasi dito pa ko dumaan. Nakakabwisit!

“Summer, uuwi ka na ba?” hindi ba obvious? Pinakita ko sa kanya yung dala kong bag pati yung oras sa wrist watch ko saka ako sarcastic na ngumiti.

“Tss. Pakisabi kay papa, may practice game kami kaya gagabihin ako ng uwi.” Hinawi ko naman yung nakalugay at tuwid kong buhok saka ako mas lumapit pa sa kanya.

“Bakit hindi mo siya subukang tawagan o kaya umuwi ka muna at ikaw ang magsabi sa kanya ng personal niyan? Para naman kahit papano malaman niyang may isa pa pala siyang anak. Bahala ka. Hindi ako utusan para sabihin sa kanya ‘yan. Diyan ka na nga.” Sabay lakad ko paalis sa harap niya. Sinadya ko pang bungguin yung balikat niya at hawiin yung mga kasama niya.

Ibang klase. Ibang-iba na yung ugali niya ngayon kumpara noon. ‘wag niyang gamitin yung kasikatan niya para lang utus-utusan ako sa harap ng mga kaibigan niya at kaibigan ko.

“Summer!” rinig kong tawag nung dalawa sa’kin. Nagpatuloy pa ko sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa parking lot. Sakto namang kararating lang ng sasakyan naming at bumaba mula ron si Mang Gilbert, family driver, at pumunta sa kinaroroonan ko.

Sa Isang SulyapOù les histoires vivent. Découvrez maintenant