Ikatlong Sulyap

4.9K 87 4
                                    

Ikatlong Sulyap

"Good morning, class!" aktibong-aktibong bati ng teacher namin sa'min. Habang ako lungayngay at mabigat yung pakiramdam. Para akong magkakasakit dahil sa tindi ng sakit ng ulo ko. Bago kami umuwi nagkayayaan pa sila sa bahay nila Jenny para ituloy yung party don. Ako siyempre tumutol pero walang nakinig.

Mabuti na lang nandon si Kuya Cabi kaya may nakasabay akong umuwi. Masakit yung ulo ko dahil sa puyat at hindi dahil sa mga pinainom nila sa'kin. Alam ko sa sarili ko na hindi ako nalasing dahil kada shot na binibigay nila tinatapon ko sa halaman na nasa tabi ko. Kaya kung may dapat man malasing, yung halaman dapat iyon.

"Good morning, Sir!" bati namin sa kanya. Nilingon ko naman sina Jenny at Pau na nakadukdok sa arm chair nila. Niyugyog ko sila pareho para magising na yung diwa. Baka mamaya mapagalitan na naman sila. Mahirap na baka ako na naman yung gumawa ng paraan para makalabas agad sila sa detention.

"So let's start this morning sa isang news. All of you please welcome our new transferee. Mr. Nico Alvarez." Agad na napatungo yung ulo ko doon sa lalaking kapapasok lang. Hindi ko na alam pero nang magtama yung mga mata namin. Bigla na lang akong kinabahan. Natulala ako at kulang na lang na mapanganga ako. Hindi ko siya kilala.

Pero bakit ganito yung naging reaksiyon ng katawan ko sa kanya. Para akong lumulutang sa ere at gusto kong lumubog sa kinauupuan ko dahil nai-insecure ako sa ayos ko ngayon. Pinikit-pikit ko yung mata ko. Nanalalamig na yung buong katawan ko nagpapawis din ng sobra yung palad ko.

Bakit?

Hindi niya inaalis yung tingin niya sa'kin hanggang sa makarating siya sa harapan. Ngumisi pa siya at doon na ko nag-iwas ng tingin bago napahawak sa dibdib ko.

"Huy, anong problema?" tanong sa'kin ni Jenny. Kumurap-kurap ako saka ko sila tinignan. Naabutan ko silang parehas na nakakunot yung noo. Pumikit ako ng mariin saka ako humugot ng malalim na hininga at umiling. What's happening Summer?

"Wala, masakit lang ulo ko. Makinig kayo may magpapakilala." Utos ko kahit na alam kong dahilan ko na lang 'yon para alisin nila yung pansin nila sa'kin. Naagaalangan pa kong humarap sa harap. Natatakot kasi akong baka mamaya magkatitigan na naman kami ayoko na.

"Nico Alvarez at your service. Sana sa paglipat ko rito lahat kayo'y maging kaibigan ko." wala sa loob na napatingin ulit ako sa kanya at katulad ng una nandon pa rin yung mata niyang nakadikit na yata sa pagkakatitig sa'kin. what the—ano bang problema nito?

"May kakilala ka na ba sa mga kaklase mo, Nico?" tanong pa sa kanya ng teacher namin. He gave me a lopsided smile bago siya bumaling sa teacher namin.

"A few. Pero hindi ko pa kilalang-kilala." Tumangu-tango naman yung teacher namin sa kanya saka siya pinaupo. Naghanap pa siya ng bakanteng upuan at saktong wala ng bakanteng upuan kaya binigyan na lang siya ng extra chair at pinaupo sa harap.

"Gwapo~" rinig kong sabi nung dalawa nilingunan ko naman silang dalawa saka ako sumimangot.

"Hindi naman." Sabi ko pa kahit alam ko sa sarili ko na ganon nga yung impression ko sa kanya. Ang gwapo niya. Kaya lang hindi lang iyon eh. May iba pang dahilan at hindi ko na alam kung ano 'yon. Ang hirap i-explain. Bwisit! Nang dahil sa isang sulyap na 'yon nagkakaganito ako?

Mabilis na natapos yung first subject bago kami nag-break. Iniwasan ko naman siya agad nang dadaan kami sa harap. Pero ang weird pa rin ng mga titig niya sa'kin.

"Nakita niyo 'yon? Lagi siyang nakatitig kay Summer. OMG!" rinig kong sabi ng isa sa mga kaklase naming mukha namang kinikilig sa Nico na 'yon. Kinagat ko naman yung labi ko saka ako tumingin sa itaas.

Oh God! Please help me! I don't know why I'm reacting like this!

"Gosh Summer! Kakilala mo ba yung Nico na 'yon?" wala na ba kaming ibang ito-topic kundi 'yon? Iniiwasan ko na nga yung topic na siya yung laman tapos ipapasok pa rin nila sa isip ko at ipipilit pag-usapan. For pete's sake! Ngayon lang ako nagkaganito! And I really don't know why!

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now