Ika-tatlongpu't Siyam na Sulyap

1.6K 38 3
                                    

Ika-tatlongpu't Siyam na Sulyap

"It's for my broken heart Summer. Now, this is my revenge." Hinila ko na siya palabas ng bahay. Kung hindi pa siya titigil, mangyayari na talaga yung World War III na kinatatakutan ko! I dragged him forcefully pero nanatili lang siyang nakangisi sa'kin. Oh geez! This is annoying! Hindi niya ba talaga kilala si Kuya at ang lakas ng loob niyang gawin 'yon?!

"What are you even thinking?!" ngayon naman nakangiti siya na parang tanga. Gustung-gusto niya ba talaga yung ginagawa niya? Hindi niya ba tatantanan na pahirapan ako? Great! Dahil ngitian niya pa lang ako hirap na kong kumilos. Hirap na kong mag-isip at mas hirap na kong tumingin sa kanya. Tapos tititigan ka pa niya ng ganito. Muntik na kong malusaw ilang beses na. Baka kapag naulit pa 'to. Tuluyan nang mangyari 'yon!

"I'm thinking of settling down things with you." honestly? Nanigas ako sa sinabi niya. He's really out of his mind to think that. Nagbibiro lang siya. Isa pa, how can he settle things down with me? Halos nung nakaraang araw galit pa ko sa kanya. How can he be so sure like this? Para isipin niyang papayag ako sa anumang proposal na gawin niya?

"No! Ako ang hindi papayag sa ganyan Nico. I still have my work. I still have everything. Ayoko pang mawala sa'kin lahat ng 'yon!" pansin ko namang nagbago bigla yung ekspresiyon ng mukha niya na para bang may hindi siya nagustuhan sa sinabi ko. Seryoso naman kasi ako sa sinabi ko. Ayoko pang mag-asawa dahil ang dami ko pang pwedeng gawin sa buhay ko and besides we're too young for it.

I'm only twenty-three. How can I know the responsibility of being a wife to him?

Ayokong araw-araw mag-away kami because of some inconsiderable reasons. Isa pa..

Natatakot ako. Natatakot akong kapag mag-asawa na kami. Magbago siya bigla. Yung oras ko sa trabaho lang. At hindi ako makakapag-focus din sa kanya. Oh Summer! How can you be so stupid? Iniisip mo pa rin ba hanggang ngayon yung sinabi ni Erick? 'diba sabi ni Jennifer they are different? Bakit naia-apply ko pa rin sa kanya 'yon?

"So you're telling me. You're choosing your work over me?" hindi ko siya matitigan ng diretso dahilan kaya mas lalong halatang nate-tense ako. Mukhang maghihiwalay kami ngayong gabi na may tampuhan. Damn! Ano bang ikinababahala ko?

"Nico. You're not my boyfriend. You can't force me to accept that informal proposal." Hinawakan naman ng kamay niya yung mukha niya saka niya 'yon inihilamos don. Sinuklay niya rin yung buhok niya saka siya pagak na tumatawang tumingin sa'kin.

"You're right Summer. I have no right to do this because I am not your damn boyfriend anymore. How can I misinterpret everything? I'm sorry. I should go now." Nahawakan ko bigla yung bibig ko. You said it Summer. Tapos ngayon magi-guilty ka? You can't get that back at sabihin sa kanyang you're just kidding.. you two were seriously talking kaya malabong mabawi mo 'yon.

"I'm sorry, Nico.."

"No, it's okay.." malungkot naman siyang ngumiti. Inilagay niya rin sa loob ng bulsa niya yung dalawang kamay niya saka siya humigop ng hangin at mabigat 'yon na pinakawalan. "..I understand President Song." Ni hindi niya na ko tinignan pa ulit matapos non. Basta nagdire-diretso lang siya sa kotse niya at talagang sinara niya pa yung bintana non para hindi ko na siya makita. Umalis siya habang ako natuod sa kinatatayuan ko. I can't move any muscles now. Nahihirapan din akong huminga. Why? Ganito kasi ako kapag alam kong ako yung nagkamali.

I suddenly feel sick. Lalagnatin na yata ako sa sobrang katangahan na pinaggagagawa ko. Papasok na sana ako pero nakita kong bumalik yung sasakyan niya. Nakita ko rin kung paano niya sinipa yung gulong non at frustrated yung mukha niyang sumandal sa kotse niya.

Sa saglit na magtama yung mata namin. Natigilan na naman ako at para akong hinahabol ng kung ano dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Oh damn. Why am I so in love with him? Ang hindi ko pa maintindihan. Galit siya sa'kin. Bakit kailangan niya pang bumalik dito at makipagtitigan na akala mo hindi na kami aabutin ng bukas.

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now