Ika-apat na Sulyap

4.5K 76 0
                                    

Ika-apat na sulyap

"Summer!" Ang aga-agang bati sa'kn ni Nico. Umupo siya sa tabi ko. Balak na yata niyang dito na lang umupo. Ang hirap yata ng ganito. Ang awkward sa pakiramdam dahil hindi naman ganon ka-close para batiin niya ko ng ganito or what. Tumango naman ako sa kanya bilang pag-respeto saka ko inihilig yung ulo ko para maiwasan na yung pagkausap niya sa'kin.

"I need to jot down some notes. Can you help me?" Rinig ko pang sabi niya sa'kin. Napahigpit ng mabuti yung mga kamay ko sa bag na hawak ko. Sino ba namang aasahan ng mga bagong dating kundi ako lang. Wala naman akong mapapala kung tatanggi ako dahil mukhang ngayon pa lang marami ng nagkaka-crush dito. Oras na tanggihan ko 'to malamang ako pa yung mapatalsik ng campus kahit gaano pa ko katalino.

"Summer?" Napakagat labi ako saka ako nakangiting humarap sa kanya.

"Sure, sure. No problem. Saang subject ba?" Mahahalata naman sa kanya yung pagpipigil ng ngiti. Pinanatili niya yung seryosong aura niya saka siya naglabas ng notebook at ballpen.

"Any subject." literally wala talaga siyang gustong ipaturo sa'kin. Iyon naman yung ramdam ko. He just want us to have a topic. Baka kasi kapag hindi niya ko kinausap mapanis lang yung laway niya hindi ba? I mean. Sino ba naman ako para tumanggi? Ayoko namang mabansagang masungit at suplada dahil hindi naman ako ganon. Kadalasan kapag nagsusuplada ako o nagsusungit eh dahil yon sa mga kaibigan ko pati na rin kay Kuya Cabi.

"Mathematics? Wanna go with that?" Tanong ko pa sabay tingin ko sa kanya. Natigilan naman ako nang makita ko siyang nakatitig sa'kin at nakangiti pa konti na lang bagsak na siguro yung panga ko kung hindi ko pa napigilan. Napawi yung ngiti ko at hindi ko siya napagilang pagmasdan.

Yung jawline niya. Sobrang manly. Ang kipot din ng bibig niya. At yung mga pilikmata niyang maikli pero nadadala yon ng mga mata niyang sobrang expressive. He even have this perfectly sculpted nose. I sighed at that thought. Hindi ko yata kakayaning makatabi ang isang 'to.

"What branch?" Tanong pa niya. Kumurap-kurap naman ako. Nakita ko pa yung pagngisi niya at pagbaling niya ron sa notebook na hawak niya. Tinanggal niya naman yung takip ng ballpen niya gamit yung ngipin niya saka ngumisi.

"Staring-nometry?" Sunod pa niyang sabi. Nagtagis tuloy yung mga bagang ko saka ko palihim na sinapok yung sarili ko. Ano bang nangyayari summer? Bakit natutulala ka sa lalaking 'yan? Tandaan mo. Pare-pareho lang yang mga 'yan. Mapanakit. Iisa lang naman yung kilala mong lalaking hindi nananakit.

Ang tatay mo.

"No. Trigonometry." Sabi ko sabay lapag ko dun sa notebook ko. Napakagat labi ako saka ko hinanap yung past lessons namin. Sa awa naman ng diyos naituro ko sa kanya ng maayos 'yon. Kaya lang may ibang parte na hindi ako mapakali dahil nakapako sa'kin yung paningin niya kaya nabubulol ako at naba-block ako minsan.

"Thank you, Summer." Sabi niya sabay lagay nung notebook niya sa loob ng bag niya. Nagkibit balikat naman ako saka ngumiti.

"No problem." Sabi ko pa sabay ako naman yung nag-ayos ng gamit ko. Wala pa ring tao sa room. Kanina ko pa napapansin pero pinagwalang bahala ko na. Kaya lang ngayon, anong oras na? Ni yung teacher namin wala pa.

"Teka, anong araw ba ngayon? Hindi naman sabado, hindi rin linggo 'diba?" Tanong ko pa sa kanya habang inililibot ko yung paningin ko. May nakikita akong ilang estudyante na dumadaan sa hallway. Naghahabulan pa nga yung iba. At yung iba parang wala lang na naglalakad doon.

"Thursday." Thursday? May pasok naman. Hindi naman sabado't linggo para mag-assume sila na walang pasok. Nilabas ko yung phone ko. Hinanap ko ron yung number ni Pau saka ko cinontact.

"Hello? Nasaan kayo? Bakit walang tao rito sa room?" Hindi niya ko sinagot. Hihikab-hikab pa siya kaya nakunot yung noo ko. Late na siya ah. Ba't wala pa siya rito? At mukhang nasa higaan pa 'tong bakla na 'to.

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now