Ika-sampung Sulyap

2.6K 50 2
                                    

Ika-sampung Sulyap

"Argh! Walanghiya ka Nico! You freak! You idiot! You thief! Walanghiya ka talaga!" sigaw ko sa unan ko. Kasalukuyan akong nagwawala at naghi-hysterical dito sa kwarto ko. Walang pasok ngayon. It's a Saturday kaya malamang wala talaga.

Tumingin ako sa salamin. Mukha na kong panda dahil hindi ako makatulog. Buong gabi ko ba naman isipin yung halik na ibinigay niya sa'kin. What the hell! I won't forget that moment! I want to kill him now for doing this to me! Give me one more chance and I will surely kill that guy!

"Why are you shouting? I can't concentrate!" bawal sa'kin ni Kuya Cabi matapos pumasok sa pinto ko nang hindi man lang kumakatok.

"Talaga? You're reviewing?!" nanga-asar kong sabi. I'm going insane. Exactly out of my mind to suddenly change my mood into this.

"Wala akong sinabi na nagre-review ako. I am composing music then there you are. Ruining the mood. Stupid." 'yun lang saka niya pabalibag na sinara yung pinto. Lumabi naman ako saka ko ulit isinubsob yung sarili ko sa unan.

"Summer!" ano na naman ba? I am not even shouting na!

"Summer!" Tss. Nakasimangot akong lumabas. He better make sure na this is urgent dahil kung hindi babanatan ko talaga siya. Sisirain ko pa gitara niya.

"I am not shouting anymore. Why are you calling me again?!" sigaw ko matapos kong pumasok sa kwarto niya. Nilibot ko yung paningin ko. Ang daming music sheets na nagkalat. Dun naman siya magaling eh sa pagkakalat hindi naman siya yung naglilinis ng room niya. Spoiled brat.

"Nag-take ka ba ng exam sa BCC?" tumango ako.

"Bakit?" tumayo naman siya't lumapit sa'kin. Iniharap niya pa yung laptop niya sa'kin bago niya ipinakita yung nasa number 1 na pangalan ko. Okay fine. Top 1 again. Hindi na bago.

"O anong gusto mong gawin ko diyan? Ibato ko?" inirapan niya ko. Yes seriously. He almost threw a dagger to me. Kung meron lang talaga non kanina niya pa ko napatay.

"I just want to congratulate you. You made it again." Tumalikod ako saka ako nagsalita.

"I am expecting it. Anyways thank you. Alam kong makakasama na naman kita. At nakakainis na. Sana sa University of the Philippines na lang ako nag-enroll or somewhere else. O kaya man sa SG since maganda yung education system nila ron. Di tulad dito. Kulang na kulang na yung turo makikita pa kita. Pasalamat ka nag-exam ako diyan. I just don't want to leave my best friends alone. Anyways balitaan mo na lang ako kapag nakita mo yung names nila." I know isang prestigious school yung pinasukan ko. At alam ko ring hindi ganon kasama yung education nila kaya I decided to enroll there.

"Why do you hate me Summer? How can you hate your own brother?" kunot noo akong tumingin sa kanya. He's serious. Serious about talking to me seriously. Fine. He wants to talk? I'll talk to him. Pero humanda lang siya sa mga sasabihin ko.

"Why do I hate you?" the truth is I really don't hate him, maybe a little bit pero hindi ako ganon kagalit sa kanya. I understand that he's just protecting me. Pero hindi niya kailangang ipagkaluno ako kay Erick. He really knows how Erick hurt me so much. He saw it. He saw how I suffer. Of all people he must be the one who can totally understand my behavior towards Erick. But what's happening?

"Minsan kasi you're not clear enough to understand me, my feelings. I'm expecting a brother who will turn his back to others and offer his shoulder when I'm crying. Pero anong ginawa mo nung panahong sinaktan ako ng best friend mo? Nothing. You did nothing." Natatawa akong napapailing. Para kasing nagkakaron lahat ng flashback, nung nag-break kami ni Erick parang kasalanan ko pa. He was angry that time na halos itakwil niya ko bilang kapatid. I am not exaggerating here, I'm being reasonable.

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now