Ika-labing Apat na Sulyap

2K 32 1
                                    

Ika-labing Apat na Sulyap

"Okay ka lang ba?" tanong sa'kin ni Paulo nang makaupo kami sa bleachers kung saan panunuorin naming maglaro sila kuya. Gusto ko muna kasing iwasan si Nico. Hindi ko alam. Para akong tanga na kumikilos na parang committed siya sa'kin.

Lagi ko naman sinasabi sa sarili ko na. Summer wake up, wala kayong relasiyon. 'wag kang feeler. Kaso hindi eh. Simula nang sabihin niya sa'king gusto niya ko hindi ko na maialis sa sarili ko na pagma-may-ari ko siya. Masama bang maging clingy ako? Clingy nga ba ako?

"Okay lang ako Pau." Sabi ko na may ngiti sa labi. Hindi niya alam kung pwede lang lurayin 'tong waffle na hawak ko ginawa ko na. Naiinis ako sa sarili ko.

Nasaan na ba kasi sila kuya? Hindi pa ba sila magsisimula. Alam ko may practice game sila ngayon dahil maaga yung uwian nila. Bakit hanggang ngayon puro cheerleaders yung nakikita ko. Wala pa rin si Jennifer na kanina ko pa hinihintay. Kakausapin ko lang nang madala. Grabe talaga yung babae na 'yon! Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko pa. Ipapahamak niya lang ako nito.

"Summer!" Speaking of the devil. Tumayo ako para sana salubungin siya nang inis ko kaya lang nagbago bigla yung isip ko. Para siyang hinahabol ni kamatayan kung humangos. What's with her? Baka naman umaarte para hindi ko awayin. Tss.

"Alam ko na. Kuya Cabi told me,  sinabi niya sa'king ikaw yung nagdaldal sa kanya na hindi ko totoong boyfriend si Ni-"

"Nico.." hindi niya pa maiayos yung salita niya. Hanggang ngayon ba naman hinihingal.

"Uy sistaret. Baka mamatay ka niyan ah. Wala pa kong ipon pambili ng kabaong mo." What the hell. Ano bang nangyayari sa kanya? Wala pa nga akong ginagawa halos mamatay na siya sa sobrang hingal.

"Si..Si Nico! Summer you should go and see. Binubugbog siya ng mga kaibigan ni Cabi!" Bigla kong nabitawan yung waffle ko. Nanginginig yung mga kalamnan ko. Ano na naman bang pakulo 'to?!

"Ano?! Where are they?!"

"Sa auditorium. Nandon sila. Dalian mo!" Hindi ako nagdalawang isip na dumiretso ron. Ano bang nasa utak ng mga 'yon at binubugbog nila yung tao. Si Kuya Cabi. Malamang siya yung may pakana nito! Oh gah Nico!

"Hoy hoy! Mga bebe! Tigilan niyo 'yan!" sigaw ni Paulo sa kanila nang maabutan naming nagkakagulo na sa loob ng gym at nakita kong halos mapaluhod na si Nico sa natamong bugbog niya. Agad akong lumapit bago ko tinulak yung mga kabarkada ni Kuya Cabi.

"What do you think you're doing?! Mga gago ba kayo?!" Oh gah! Hindi ako palamura. Pero nang dahil sa sungay at buntot nila nailalabas ko yung pagiging palengkera ko.

"Wag ka ng makialam dito Summer." Sabi pa nung isang lalaki na kaibigan din ni Kuya. Tinitigan ko isa-isa yung mukha nila. Walang sugat, ni wala ring galos sila saan mang expose na balat nila. Hindi ako nagdalawang isip na lapitan at tignan si Nico. Mukhang malalim yung sugat niya sa pisngi niya. Dumudugo rin yung bandang noo niya at gilid ng bibig. Mukhang marami rin siyang natanggap na suntok sa katawan dahil sa tingin ko nanlalambot pa siya.

"Bakit hindi ka lumaban?!" naiiyak ako. Gusto ko siyang yakapin. Ayoko nang nakakakita ng ganito. Hindi ko kayang makita na nasasaktan siya. Why did they do this to him?! Dahil na naman ba sa'kin?!

Bago siya magsalita nginitian niya pa ko. "I deserve this don't worry." Iiling-iling pa kong napayakap sa kanya saka ako tuluyan nang umiyak. Hindi naman ako iyakin eh. Pero sa mga pangyayaring ganito hindi ko talaga maiwasan.

"You don't deserve this Nico." Tumayo ako para humarap sa mga kaibigan ni Kuya.

"Nasaan si Kuya Cabi-"

"Wala siyang kinalaman dito, Summer. Ginusto namin 'yan. Wala kaming mapagdiskitahan e nagpakita ng kagaspangan yang lalaki na 'yan. Wala kaming choice kundi ang bugbugin siya-"

Sa Isang SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon