Ika-siyam na Sulyap

2.9K 56 2
                                    

Ika-siyam na Sulyap

"Oh gosh! Bukas na yung CEE? Paano pa ko makakatulog nito? Kailangan kong makapasa." Bungad ni Paulo sa'min. May hawak siyang food tray saka niya iyon nilapag sa lamesa. Nasa cafeteria kami at wala yata akong balak kumain. Hindi ko alam. Tulog yata yung mga bulate sa tiyan ko. Kaya wala akong gana.

"Ipikit mo yung mata mo. Makakatulog ka non. For sure." Sabi pa ni Jennifer. Tss. Korni. Halos dalawang linggo na rin kaming nagre-review. Matapos kasi yung last overnight nila, yung time na napagalitan si Kuya Cabi dahil ipinahamak ko siya. Hindi na kami nag-stop mag-review non. Kahit naman papano tinotoo ko yung sinabi kong I'll help them. Pasalamat sila nasa mood ako pagdating sa ganitong mga bagay.

"Katawa naman 'yon sistaret. Try mong magpaka-korni minsan." Sabi pa ni Paulo saka niya inirapan si Jennifer at sumubo ng chips na binuksan niya.

"Siya nga pala. Your stalker's searching for you. May plano ka bang magpakita?" umirap ako. Wala. Ni hindi ko nga siya pinapasin eh. Last week pa. Matapos niya kong puyatin gabi-gabi dahil lang sa kaiisip ko sa sinabi niya noon. Sa tingin niya ba papansinin ko siya. Ang nakakainis lang. Why am I acting like an angry girlfriend? I must show him na wala lang sa akin 'yon. Pahalata ako masyado e. Kainis minsan!

"Technically. Nagkita na kami kanina sa room. Ano pa bang gusto niya?" sabi ko saka ako pumangalumbaba.

"I want you." Pansin ko namang natahimik yung dalawa. Nagkatinginan pa nga sila. Bago ako tinitigan. Sarap nilang murahin! Hindi ba nila ako pwedeng ilayo. Gamitin naman nila yung pagiging overprotective nila sa pagkakataon na to. Mukhang nawalan na sila ng dila nakita lang nila si Nico.

Naramdaman ko namang umupo sa tabi ko si Nico. Hinilot ko pa yung sintido ko saka ko siya binalingan. "Bakit na naman ba?" tanong ko na nakasimangot.

"Namiss lang kita. Masama ba?" Jusko! Wag kang bibigay sa ngiti at titig na 'yan Summer. Eh ano ngayon kung sincere siya? You promised yourself you won't fall. Panindigan mo 'yan. Magtira ka naman kahit pride sa sarili mo Summer! Nakakahiya ka!

"Bakit?" ngumiti ako sa kanya.

"Bakit ano?" balik tanong niya. Hinawakan ko naman yung balikat niya saka bahagyang minasahe 'yon.

"Bakit ayaw mo kong tigilan?"

"Pabebe kasi 'yang si Mister Suave kaya wala talagang makapipigil diyan." Natatawang sabi ni Jennifer saka niya kinagatan yung chicken lollipop niya.

"I told you I won't stop. I told you I want to fall closer. Is that hard to understand?" bwisit ka talaga Nico! Bwisit! Tumayo ako inirapan ko naman siya saka ako lumabas na ng cafeteria. Desidido na sana akong bumalik sa classroom kaya lang natigilan ako sa nakita ko.

I saw Jhustine crying.

Ano na naman bang nangyari? Bakit ba naiinis ako kapag nakikita kong umiiyak yung babaeng 'yan! Dapat nga lang sa kanya 'yan eh! Pero hindi ako kasing sama niya.

Kusang gumalaw yung mga paa ko papunta sa kanya. Ewan ko ba sa paa ko. Remote controlled yata.

"Jhustine.." tawag ko sa kanya pero nagpatuloy lang siya sa pag-iyak niya. What the hell. Hindi niya ba alam na ang pangit tignan nang ginagawa niya. She's sitting in the middle of the pathway and the middle of the crowd. Talaga bang trabaho niyang maghakot ng manunuod? Hindi siya pulitiko para maghakot pa ng supporters!

"It's your fault Summer! You ruined everything! You ruined my life.." humina pa ng bahagya yung huli niyang sinabi. I rolled my eyes heavenwards. Eto na naman ba tayo? She'll accuse me that I ruined everything. Kahit hindi ko naman ginawa, sa akin niya isisisi. Baka pati naman yung pagkamatay ng kuko niya isisi niya sa akin o kaya man may kuto siya ngayon. Baka isisi pa sa'kin at sabihin ako yung nanghawa sa kanya. She keeps on blaming me.

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now